Chapter Eighteen

499 13 3
                                    

Tarantang pinanood ni Downy si Vince habang binabasa ang mga files.Parang sa mukha nito ay tila hindi satisfied sa trabaho niya.Palihiim siyang napangiwi.Nang harapin siya ni Vince ay saktong napasimangot siya.Napansin niya ang pagkunoot-noo ng kanyang bayaw.

"What do you think about this? Very basic na nga ang pinagawa ko saiyo pero parang hindi mo pa alam ang ginagawa mo? Are you making fun of it?" Seryosong sermon sa kanya ni Vince.

"I tried my best to give you my best opinion," ani Downy. "But if you're not satisfied, then? It's your problem. Not mine!" Mataray niyang sagot.

"Baguhan ka nga! At wala ka pang alam sa business world. Kung sa tingin mo pa-easy-easy lang para saiyo ang pagbabasa then you are not capable of it!"

"Huwag mo akong maliitin!" Gigil niyang sigaw kay Vince. "Oo, tama ka! Baguhan pa lang ako at nagsisimula pero, one day I'll prove to you and to everyone that I will succed someday. Just wait for it!"

"And that's your spirit?" Vince said sarcastic. "I think your just playing with your fool mouth just to empress me? But not smart as your brain!"

"Hu? Yabang mo!" Mataray niyang sigaw.Sobra na talaga ang panlalait na ginawa sa kanya nang kanyang bayaw.Kung maari lang niyang sampalin ito sa sobrang ka-arrogant nito ay kanina pa niya ginawa.Hindi naman siya ganyan sa kaniya dati.Panay pa nga kindat nito sa kaniya tuwing dadalaw ito noon sa bahay nila pero tila nagbago na yata ang ihip ng hangin.Napabuga siya ng hangin dahil sobrang bigat ng dibdib niya.Naiiyak pa siya sa inis.

Umupo si Vince sa swivel chair nito.Nag-de quatro pa habang nakahawak ang isang kamay sa kanang pisngi nito.Nagkulambaba ito habang matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.Pinag-aralan ang kanyang buong hitsura.She felt like a mannequin in front of Vince.She is not moving at all while Vince staring at her.Hubad na manika ang parang tingin nito sa kanya.

"Anyway?" ani Vince. "Repeat this!" anito na ang tinutukoy ang mga natapos niyang files. "Do it again one more time!" Utos nito.Pakiramdam niya ay inaapi siya nang lalaking ito.

Inayos ni Downy niya ang kanyang pagkakatayo.Kailangan niyang magpakatatag.Kailangn niyang ipakita sa lalaking itk na hindi siya nasisindak sa mga sigaw at utos niya.
"Sure, Sir. Kung iyan ang ipag-uutos niyo," aniya na nginitian ng matamis si Vince. "Kung wala na po kayong sasabihin na panlalait ay baka puwede na akong bumalik sa lamesa ko, Sir." Diniinan niya ang salitang 'sir' habang nakangiti pa rin siya dito.

Tumayo si Vince at nilapitan siya.Tuloy ay napaatras si Downy sa ginagawa ni Vince.Nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng kanyang slacks.Habang papalapit ng papalapit si Vince sa kanya ay paatras naman siya nang paatras.Hanggang tuluyan na siyang napasandal sa may dingding.Wala na siyang aatrasan pa dahil na corner na siya nito.
Napalunok siya ng maamoy niya muli ang pabango ni Vince.

This is wrong, ani isang bahagi ng kanyang isipan. Asawa siya ng ate mo tandaan mo 'yan. Mali ang makaramdam ka sa kanya ng pagmamahal. Mahal agad? Muling tanong niya sa kanyang isipan. Oo, naiingit siya dati sa kanyang ate dahil masuwerte ito kay Vince pero sinungaling siya kung sasabihin niya ngayon na hanggang ngayon ay naiingit pa rin siya.Magka-iba ang ginawang pagtrato nito sa kanila.

Puwede naman niyang itulak si Vince o kaya naman sipain pero hindi niya magawa.Nakipagtitigan siya sa guwapong mukha nito.Nais niyang sampalin ang sarili dahil sa katangahan na ginagawa.Alam niyang asawa ito ng kanyang ate at bayaw niya rin ito pero bakit parang gusto niya ang nangyayari.Kahit na mali ay natutuwa ang puso niya. Is she allowing herself to be a mistress? Gosh!

"Are you willing to live with me?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"W-what do you mean?" Kinakabahang tanong niya kay Vince.

"Live with me, Downy?" Mapang-akit nitong tanong.

"P-pero...si ate," aniya.Hirap siyang bigkasan bigla ang pangalan ng kanyang ate Dorsy.

"Payag ka ba?" Ulit nito.Hindi alam ni Downy kung paano siya magre-react sa sinasabi ni Vince.Hindi niya alam kung matino pa ba itong kausap o na de-depress lang sa paglayo ng kanyang ate kaya naghahanap ito ng kalinga sa iba.Pero bakit siya pa?Alam naman nilang pareho na mali ang gagawin nila oras na sumama siya dito.Paano kung darating ang araw na babalik muli ang kanyang ate at sasabihing magaling na siya.Magsasama na sila ulit ni Vince.Saan siya pupulutin no'n?Sa kangkungan ng mga kabit?

"I-I will think about it?" Sa kasagutan niyang iyon ay parang binigyan niya ng hint si Vince na may chance na sumang-ayon siyang sumama dito.Ang tumira sa condo nila ng kanyang ate.At ang maging kabit ng Vince.Sa tatlong taon niyang pagtitiis na mapansin siya ni Vince ay ito na ang kanyang pagkakataon.Marami ang nagpalipad hangin sa kanya ngunit lahat ng mga iyon ay basted dahil kay Vince.Ano'ng meron si Vince na wala sa mga manliligaw niya? Iyon ang hindi niya maipaliwanag.

"Ayaw kong maghintay ng matagal," ani Vince sa kanya.Inilabas nito ang isang kamay na nasa bulsa.Hinawakan ang baba niya saka itinaas ang kanyang mukha.Konting-konti nalang at mahahalikan na siya nito.Ngunit mabuti nalang at bumalik na ang katinuan niya.Iniwasan niya ang halik ni Vince sa pamamagitan ng pagwaksi sa kanyang ulo.Agad din niyang itinulak ito.

"I'll go back to work," nanginginig na paalam ni Downy kay Vince.Mabilis siyang naglakad palayo kay Vince.Agad siyang nangulimbaba sa ibabaw ng kanyang mesa.Nakatitig sa kanyang laptop habang ang mukha ng kanyang Dorsy ang lumilitaw sa screen.Nakikita niya ang galit na mukha nito.Ang panunumbat sa kanya kung bakit niya na gawa iyon pagkatapos ng mga sakripisyong ginawa niya para sa kanya.

Bago pa pumatak ang kanyang mga luha ay agad siyang nagtungo sa banyo.Doon ay pumasok siya sa isang bakanteng toilet.Sinarado ang pintuan at ni-lock.Hindi na niya napigilang umiyak.Dapat lang naman siyang sumbatan ng kanyang ate Dorsy dahil pagtataksil ang ginawa niya dito.Pumapayag siyang makipag-apid kay Vince.Gusto niyang sumama dito at magsama sila kahit alam niyang mali.

"Patawarin mo ako, ate. Tao rin lang ako na nagmamahal. Ang pagkakamali ko lang ay sa asawa mo pa. Patawad ate kung hindi ko napigilan ang nararamdaman ko sa asawa mo," mahinang sambit niya habang paimpit na umiiyak.

Pagkatapos pakalmahin ni Downy ang sarili ay naghilamos na siya ng mukha.Muling nagtungo sa opisina.Inayos ang sarili at kanyang mukha na parang walang pag-iyak na nangyari.Naglagay rin siya ng foundation at lipstick.Nang makapag-ayos na siya ay minabuting inabala na niya ang sarili sa trabaho.Muli niyang pinasadahan ng pagbabasa ang mga files na pinaulit sa kanya ni Vince.Mabuti nalang at nakatulong sa kanya ang pagta-trabaho at nawala sa isipan niya ang katanungan ni Vince sakanya kung pumapayag ba siyang magsama sila.

Sa isang bahagi ng isipan niya ay natutuwa ngunit sa isang bahagi rin ng isipan niya ay nalulungkot.Ngunit ang naging desisyon niya ay bahala na.Bahala na kapag bumalik ang ate Dorsy niya.Bahala na kung saan siya pupulutin balang araw.Bahala na kung mali ang ibigin ang bayaw niya.Bahala na kung siya ang talo sa huli.Ang mahalaga ay maging maligaya siya kay Vince kahit sa maling paraan.Dahil iyon ang matagal na niyang ninanais.Dahil ayaw niyang pagsisihan ang paanyaya nito oras na tumanggi siya.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon