Chapter Twenty-four

473 17 14
                                    

Magdamag na hindi sila nagkibuan ni Vince.Hanggang sa pagpasok nito nang opisina ay hindi siya kinibo.Hinayaan niya ang pagsisimiyento ng asawa.May plano siyang nakarehistro ngayon sa kanyang isipan.Nasa kanya pa rin ang susi ng kanyang kotse.Ngayong umaga ay pupunta siya sa kompanya ni Vince.Pinaghandaan niya ang pagpunta roon.She change her looks and the way she was before.

Pagdating niya sa kompanya ay karamihan sa mga empleyado doon ay sobrang humahanga sa kanya.Not only into her new looks but maybe she looks so elegant, smart and sophisticated.Halos namamalikta ang mga ito dahil sa bago niyang anyo.Pinalitan lang naman niya kasi ang sweet look niya.Pinalitan niya ng mataray look upang matakot ang iba sa kaniya at matakot rin ang kapatid niyang si Downy.Walang pahintulot sa asawa ay nagtungo siya sa opisina nito at naroon din ang opisina ni Downy.

Hindi na siya kumatok.Binuksan na lang niya basta iyon.Si Downy ang naabutan niya.Nagbabasa ito ng files.Naupo siya sa isang bakanteng upuan na nasa harapan nito.She knocked the table para mapansin niya nito.Mayamaya ay nagtaas ng ulo ang kanyang kapatid.Nagkatitigan sila.Ang kanyang mga mata ay seryoso samantalang ang kay Downy ay matinding takot ang nararamdaman.

"A-ate," nauutal na sambit ni Downy. "A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan nitong tanong habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Why A'm I here? And what A'm I doing here?" May pagkainsultong tanong niya kay Downy. "This is my husband company. And I'm his wife, so I can come here anytime I want." ani Dorsy sa kapatid.

"A-anong maipaglilingkod ko saiyo?" ani Downy dito.

"I want you to resign!" Mataas ang tono ng boses na utos niya sa kapatid.

"P-pero Ate." May pagtangging sabi niya.

"Pero ano?" Nakataas ang kilay na balik tanong ni Dorsy sa kanya.Sa hitsura nang kanyang ate ay mukhang hindi nagbibiro sa kanya.

"K-kaumpisa ko palang," sagot ni Downy sa kanyang ate.

"Iyon nga eh, kakaumpisa mo palang pero nagawa mong landiin ang asawa ko! Kapag nagtagal ka pa sa kompanyang ito baka maanakan ka pa niya! That's why I want you to resign!"

"Ate, mali ang iniisip mo. Wala kaming relasyon ni Vince. Ang nangyari sa amin ay..." Lumunok muna siya ng kanyang laway na nakabarado sa kanyang lalamunan bago muling nagsalita. "He was drunk that night. Nakalimot lang siya. Kasalanan ko ang nangyari sa amin, ate. Kaya humihingi ako ng tawad saiyo," naiiyak na paliwanag ni Downy sa kanya.

"So, lasing siya ng gabing iyon kaya siya nakalimot? Eh, 'yung nagpahila ka sa madilim na parte ng kalsada? Lasing din ba siya doon? Nakalimot ka na naman ba? Hindi mo ako mauuto Downy? Kaya kung ayaw mong masira ang relasyon nating dalawa, mag-resign kana bilang secretary ni Vince. Umalis ka at magpakalayo-layo kung may respeto ka pang natitira sa akin!" ani Dorsy sa kapatid.

"Paano kung ayaw kong mag-resign?" ani Downy sa kanya.

"Malandi ka talaga, eh!" Nanggigil niyang sigaw sa kapatid.

"Hindi ako malandi, ate Dorsy. Una sa lahat alam kong mali ang mahalin ang asawa mo! Pero ang diktahan ako kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko hindi ako pumapayag na gawin mo 'yon! At bakit masyado kang insecure sa akin bilang sekretarya ni Vince? Natatakot ka ba na ipagpalit ka niya sa akin? Kung mahal ka talaga ng asawa mo dapat malaki ang tiwala mo sa kanya?"

"Malaki ang tiwala ko sa kanya! Pero pagdating saiyo, I don't trust you anymore!" ani Dorsy sa kapatid.

"Really?" Palabang sabi ni Downy sa kanyang ate.Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang balak patulan ang kanyang ate.Gusto na nga niyang humingi ng totoong patawad dito.Siya na rin ang kusang aalis at iiwas kay Vince.Kaso sumosobra na ito.Alam naman niyang may mali siya at handa naman siyang itama iyon.Pero ang pamukhaan siya nito at diktahan ay hindi siya pumapayag sa gusto nitong mangyari.Napagtanto niya kasing iiwasan na niya si Vince at ibabaon na sa limot ang nangyari pero mukhang handa siyang ipaglaban ang kanyang nararamdam para dito.

"I gave you everthing! Pinag-aral at binigyan ng magandang buhay! Pero ano'ng ginawa mo? Inahas mo ang asawa ko! Tapos ikaw pa ang matapang!" Sumbat ni Dorsy kay Downy.

"Ilang ulit mo nang isinumbat 'yan sa'kin ate? Oo, nagpapasalamat ako dahil may kapatid akong kagaya mo! Pero, ikaw ang nag-kusang mag-paaral sa akin! Bakit, ate? May pagsisisi ka ba?" Mapangutyang tanong ni Downy sa kanyang ate.

"Yeah! And you didn't even appreciated what I did! Bagkus, trinaydor mo ako! And you are throwing stone at me! Imbis na batuhin mo ako ng kabutihan! " Pangongonsensiya niyang sumbat muli kay Downy.

"Bakit ba kasi natin pinag-aawayan dito ang asawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Downy sa kanya. "Ano bang meron sa Vince na iyon at pareho tayong nahuhumaling sa kanya?"

"Tigilan mo ang pagkahumaling mo sa kanya! You don't deserve to be with him! Konting kadelakadesa naman sa katawan mo!" ani Dorsy.

"Like what I said, hindi ako magre-resign at hindi ko rin susundin ang utos mo!" ani Downy at muling kinuha ang binabasang file.Ngunit hinablot iyon ni Dorsy kasabay nang nanggigil nitong hitsura.Sinabunutan niya si Downy at isinobsob ang mukha sa lamesa.

"Walanghiya ka! Malandi ka talaga! Walang utang na loob!" Nangiginig sa galit na sigaw niya sa kapatid.Nasa ganoong posisyon sila ng mapagbuksan sila ni Vince ng pintuan.Galing ang kanyang asawa sa isang conference meeting kaya wala ito sa opisina nang pumasok siya doon.Pagkakita ay agad tumakbo sa kinatatayuan niya at inawat siya nito.
Nang mabitawan niya ang buhok ni Downy ay galit namang hinarap niya ang asawa.Isang malakas na sampal ang ipinadapo niya sa pisngi nito.

"Siya ba? Siya ba ang dahilan kaya ayaw mo akong bumalik sa kompanya mo? Siya ba ang dahilan kaya tinaggihan mo ang suhestiyon ko! Mga walanghiya kayo! Mga baboy! Mga manloloko!" Nanggagalaiti niyang sigaw.Naghestirakal na siya sa galit.Nanginginig ang kanyang buong katawan.Halos nanlumo siya sa ginawang pagtataksil sa kanya ng kaniyang asawa at kapatid.

Sa tindi nang kanyang galit ay umiiyak siyang kumaripas ng takbo.Ayaw niyang makitang naawa ang dalawa sa kaniya dahil sa kaniyang sinapit.Sa isang resto bar siya napadpad.Gusto niyang pagpakalunod sa alak.Gusto niyang malunod sa sobrang kalasingan.Gusto niyang kalimutan ang mga masasakit na imahinasyong naglalaro sa kaniyang isipan.Ang mga nakikita niya ngayon ay ang masayang ngiti ng dalawa.Ang matamis na palitan nila ng ngiti.

"Mga walanghiya! Mga hayop! Mga walang puso! Mga taksil!" Malakas ang boses na sigaw niya saka ibinato ang bote ng beer sa sahig.Sa pagkabasag nito ng pira-piraso ay ganoon din ngayon kawasak ang puso niya.Humagulgol siya dahil sa sama ng loob at sa sobrang sakit na nararamdaman.Hinayaan lang naman siya ng mga taong naroon.Siguro ay dama nila ang pinagdadaanan niya.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang empleyado pala ang tumawag kay Vince.Kilala pala siya doon at pinapasundo siya nito.

Nang-akmang itatayo siya ni Vince ay hindi niya ito nakilala dahil medyo nanlalabo na ang kanyang paningin.Kaya naman sa pagkabigla ay nasuntok niya ang asawa.Kinompronta niya ito.
"Sino ka? Sino ka!?" Malakas ang sigaw niyang tanong sa lalaking nakaaalay sa kanya. " Hindi ako sumasama sa estranghero! Kaya bitawan mo ako!" ani Dorsy at nagwala-wala upang mabitawan siya.Nang binitawan siya ay natumba siya sa sahig.Mabuti nalang at hindi malakas ang pagkakabalandra niya. "Bakit mo ako binitawan!" Inis niyang tanong dito.

"Sabi mo bitawan kita, eh?" ani Vince sa kanya.

"Walanghiya ka! Sinadya mo!" Sigaw ni Dorcy dito.

"Halika na! Hatid na kita sa bahay mo?" Kunwaring yaya ni Vince sa kanya.Nagpanggap na hindi siya ang kanyang asawa.

"Ayaw ko! Hindi pa ako tapos uminom!" Tanggi ni Dorsy kay Vince.

"Ilang alak pa ba ang gusto mong inumin?" Tanong ni Vince sa kanya.

"Uhm!" ani Dorsy na kunwari nag-isip pa. "Siguro mga isang dosena pa!" aniya na may kasama panghagikgik.

"Orderan kita nang isang truck. Kaya maghintay ka lang!" Pagbibiro ni Vince sa kanya.

"Gago ka! Niloloko mo naman ako, eh!" ani Dorsy hinampas pa ang asawa sa braso nito.Ngunit nawalan siya ng balanse at nasubson sa matipunong dibdib nito.Nakangisi siyang nag-angat mg mukha. "Opps! Sorry," ani Dorsy at tuluyan ng ipinikit ang mga mata dahil sa sobrang kalasingan.

####😚😊🤗
'Mistake cannot be done twist!' Remember mga ka lhabz. Kapag nagkamali tayo ng isang beses dapat huwag na nating ulitin.Bagkus ituwid natin ang ating pagkakamali.Paalala po sa mga nagbabasa.Wala po akong intensiyon na magtaksilan ang mga magkakapatid dahil pangit po iyon.This is just only lesson to be learn.Godbless and keep safe po.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon