Chapter Fifteen

513 12 0
                                    

Monday

It was Downy first day at work.Of course pinaghandaan niya iyon.Kailangan niyang maging presentable sa harap ng kanyang mga ka-opisina at sa mga boss ng kompanya.Sa taas niyang 5'4 ay tama lang sa isang katulad niya na medyo payat pero may kurba naman.She is wearing a light make-up just to make her face more smart.Nakalugay lang ang mahaba niyang buhok.Dark red lipstick ang ginamit niya sa kanyang mga labi upang lumitaw ang pagiging strikta niya.Dahil unang araw niya sa trabaho ay ayaw niyang ma-late kaya naman maaga palang ay umalis na siya sa bahay nila.It was coincidence dahil pagdating niya sa kompanya ni Vince ay sakto namang may pumaradang kotse.

When Downy saw Vince Aragon parked at the company gate, she reckoned it was going to be a rough day for her. Dorsy her sister gracefully stepped out of the car, with her fabulous stilettos and a sweet smile on her face.Nang makalabas si Vince sa kanyang sasakyan ay agad niyang niyapos ang kanyang asawa sa harap nilang lahat.Napasimangot naman si Downy sa pakitang-tao ni Vince.

If you think you can convince me with that sweet gesture? Think twice Vince. I'm not born yesterday! naisaloob ni Downy habang nakamasid siya sa dalawa. Mag-kaiba kami ng ate ko Vince. You must remember that! Huh?

"Hon, everyone's watching us. Stop it!" Awat nang kanyang ate Dorsy habang hinahaplos ang matipunong dibdib ni Vince.

Vince wrapped his arms around her tiny waist and said with a smile, "You are so lovely. At ano namang masama kung yakapin kita sa public? You are my wife." Napakalambing nitong sagot.

Narinig ni Downy ang mahinang hagikgik ng kanyang ate Dorsy.Ano kaya ang nakain ng kanyang ate at ganoon na lang siya ka martir kay Vince?Kung siya ang nasa kalagayan ng kanyang ate sa isang bugbugerong asawa.Definitely she will file immediately a divorce.No more buts.Ngunit bakit natatagalan ang kanyang ate Dorsy sa pakikisama kay Vince?Is it because of money or something?Worst!

Naglakad lang si Downy papasok sa loob ng kompanya.Umupo siya sa bakanteng upuan na naroon.Hihintayin niyang makapasok ang ate Dorsy niya sa loob ng kompanya upang maging guide niya sa magiging opisina niya.Unang araw pa lang niya sa trabaho pero pakiramdam niya ay naiinip na siya.Gusto na kasi niyang abalahin ang sarili kahit unang araw pa lang niya sa kompanya ng kanyang bayaw.

"Hi Ma'am," pukaw ng isang boses sa kanya. "Kayo po ba si Miss Downy Nicah Urbano? Ang kapatid ni Ma'am Dorsy Urbano?" Tanong nang isang empleyado sa kanya.Magiliw ang pakikitungo nito.Nginitian niya ang babae bago sumagot.

"Ako nga," aniya.Ngunit napukaw ang atensiyon niya sa pagkakasabi sa pangalan ng kanyang ate.Kung kasal ito kay Vince ay dapat Aragon na ang ginagamit nitong apelyedo.Meron talaga siyang dapat tuklasin.Paano kung ang ate niya ang may kagustuhan na gamitin pa rin ang apelyedo nila?Bakit ba siya nakikialam?

"Ma'am kung okay lang saiyo. I will bring you to your office," yaya ng babae sa kanya.Tumango lang siya dito at sumunod.Mag-katapat ang CEO office at ang Manager office kung saan iyon ang opisina ng kanyang ate Dorsy.Sa opisina ni Vince siya dinala ng babae kung saan naroon sa loob ang kanyang magiging opisina.Ang ibig sabihin ay iisang room lang ang gagamitin nila ni Vince.

Hindi niya inaasahan ang ganoon.Huli na nang maalala niyang sekretarya pala ang magigkng trabaho niya sa V-Fabric Company.Kulang na lang ay iuntog ni Downy ang kanyang ulo sa sahig upang magising.
Masuwerte nga siya dahil maganda ang magiging trabaho niya pero tila minalas naman siya sa magiging boss niya.Paano nalang kung araw-araw siyang harasin ni Vince?Alangan araw-araw din siyang makikipag-talo dito? Hay! Malas! Malas! Gigil niyang naisaloob.

Ilang minuto pa siyang nakatayo sa may pintuan.Nag-aalangan siyang pumasok sa loob kahit na alam niyang wala pa naman doon si Vince.Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan niya.Kaya mo 'yan Downy.It was your first day at work.Nandito kana.Bakit ka pa aatras?Pa-fighting spirit niya sarili.

"What are you still doing here? Hindi ka ba papasok sa loob?" Tanong ni Vince sa kanya.Hindi na siya nagulat dahil kilala na niya ang boses nito.May hawak itong bouquet of yellow roses ng mapasulyap siya sa hawak nang kanyang bayaw. "It's your first day. So, here. I bought you some flowers to welcome you working with me." Nakangiti nitong sabi.

Inaabot nito sa kanya ang pumpon ng bulaklak.Alangan may ay tinanggap niya iyon.Fresh ang mga ito at talaga namang humahalimuyak pa ang bango. "T-thank you," nauutal niyang sagot.Kinakabahan kasi siya sa totoo lang.Nagpatiuna na si Vince.Sumunod siya papasok sa loob ng magiging opisina niya.Isang dingding lang ang pagitan nila ni Vince.Maraming documents ang nakalagay sa isang cabinet na naging diveder nila.Talagang mapapasubo siya sa trabaho dahil sa dami ng files.

"Wala ka pang experience sa work. So, sa basic ka muna," ani Vince sa kanya.Walang halong flirt ang ginagawa nito ngayon sa kanya gaya ng mga pinag-gagawa nitong pakindat-kindat tuwing nasa kanila ito.Siguro ay kapag trabaho ay trabaho lang talaga.Walang personalan. "Just read some files for me. And If you find it good. Then just give me a good feedback. Report it to me once you' re done at ako na ang bahala doon. So how do you think Miss Urbano?"

"O-okay," maiksi niyang sagot.

"Don't be nervous. Hindi naman ako nangangain nang tao?"

Nangiwi siya sa biro nito. Hindi ka nga nangangain pero nanakit ka naman! Nais sana niyang ituloy sa sinabi nito ngunit sinarili nalang niya.
"It's my first day kaya medyo nag-aalangan pa ako. Isa pa, hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko. Kaya I really need your instructions bago magsimula."

"I will give you the files. Just read it. And like what I said, give me a feedback. Meron akong emergency meet-up ngayon sa isang client. So, I will leave you alone here para makapag-relax ka sa unang trabaho mo."

"Okay Sir. Iyon lang ba ang gagawin ko ngayon?" ani Downy.

"Yes! And make sure you read them carefully. Very importante ang mga files na 'yan," anito.Seryoso pa rin ito sa pakikipag-usap sa kanya.

"Don't worry. I will do my job well." Panigurado niya kay Vince.

"If you understand it clear, I should get going!" Nagmamadaling paalam ni Vince sa kanya.Walang lingon-lingon at tuloy-tuloy itong lumabas ng opisina.Siguro ay totoo ngang importante ang lalakarin nito.Minabuti naman na niyang sinumulan ang trabaho.Sa dami ng files sa harap niya ay hindi niya alam kung kailan siya matatapos kaya mainam nang simulan na niya ang pagbabasa.

Nakalimutan na ni Downy na katapat lang pala niya ang opisina ng kanyang ate Dorsy.Nais sana niyang saglitin ito at silipin ngunit talagang kailangan niyang tapusin ang binigay sa kanyang trabaho.Kaya kahit gusto man niyang puntahan ito ay hindi niya magawa ngunit bakit hindi man lang siya kumustahin ng kanyang ate kung maayos lang siya sa trabaho?Siguro ay marami din itong ginagawa.Ngunit lingid sa kaaalaman niya ay may pinuntahang importante sina Vince at Dorsy kaya wala ang mga ito ngayon sa kompanya.

Mag-tanghalian na ng makaramdam si Downy ng gutom.Naiisipan niyang mag-timpla ng kape sa may office pantry.May biscuit at cup noodles din na stock doon.Naisipan niyang kumuha ng cup noodles at biscuit bago bumalik sa kanyang opisina.Peto habang ginagawa iyon ay may na narinig siyang mga chika tungkol sa kanyang ate Dorsy.

Ate Dorsy is sick? Hindi makapaniwalang naisaloob niya. Why? And when? Bakit hindi niya sinasabi sa amin? Nagtatampong tanong ng isang bahagi ng isipan niya. Blood disease? Kaya ba may pasa siya sa braso noong isang araw? No way! That's imposible! Baka pinapalabas lang na may sakit siya para hindi mapagbintangang binubogbog siya ni Vince? She looks so healthy. She thoughts while listening to the gossip.

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon