Chapter Twenty-two

478 14 5
                                    

Nakita ni Dorsy na may humila kay Downy sa parteng madilim nang kalsada dahil eksaktong sinundan niya ito pagkatalikod.Dahan-dahan siyang naglakad at sumilip-silip kung saan naroon ang kaniyang kapatid.
Nakapagtataka para sa kanya kung sino ang kasama nito kaya naman talagang inabangan niya ang paglabas nito mula sa kaniyang pinagtataguan.
Ngunit kabaliktaran yata dahil siya ang nasurpresa.Nanlaki ang kaniyang mga mata ng mapansin ang dalawang bulto ng katawan ang naglalakad palabas sa madilim na parte.Para hindi siya makita ng nga ito ay agad siyang nagtago sa malagong halaman na nasa kanyang tabi.

Natutop niya ang kaniyang mga labi at pinakalma ang kanyang sarili.
She was shocked because it was Vince and her sister Downy.Magkahawak kamay pa ang mga ito habang sabay na na nag-lalakad.Nang malapit na ang mga ito sa may liwanag ay saka lang nagkahiwalay ang mga dalawa.
Nagtungo si Vince sa may kotse nito.Ang akala niya ay kanina pa dapat nakauwi ang kaniyang asawa dahil kanina pa ito nag-paalam sa kaniya.Ngunit bakit naroon pa si Vince sa kanila?Hinintay niyang makaalis ang kaniyang asawa.Nang napansin niyang nakalayo na ang minamaneho nitong kotse ay saka naman siya lumabas mula sa kaniyang pinagtataguan.

Agad niyang hinila ang mahabang buhok ni Downy.Sinagad niya iyon hanggang sa mangiwi ito sa sakit.
"Ano? Ha?" Mapanumbat niyang tanong kay Downy.Galit ang mga mata niyang tinitigan ang kapatid. "Masarap ba ang asawa ako? Masarap ba siya at hindi mo siya kayang tiisin? Hindi mo kayang tiisin 'yang pangangati mo? Ang landi ka mo! Grabeh ka!"

"A-aray ko ate! N-nasasaktan ako!" ani Downy sa kanyang ate habang pinipigilan niya ang kamay nito na humihili sa buhok niya. "Ate, sorry na," ani Downy.

"Ay masakit ba?" Kunwaring sabi niya sa kapatid ngunit mas lalo pa niyang pinuwersahan ang paghila sa buhok ni Downy.Sa totoo lang ay ayaw na niyang marinig ang pag-hingi nito ng pasensiya dahil pangdagdag irita lamang ito sa pandinig niya. "Sa tingin mo sa'kin? Hindi masakit? Hindi masakit ang ginawa mong pang-aahas sa asawa ko!? Ilang ulit ko na bang sinabi saiyo na asawa ko ang kinakalantari mo! Pero anong ginagawa mo?Nakikipag-lampungan ka parin! Nakikipagyakapan at nakikipaghalikan sa asawa ko!"

"Ate, w-wala naman akong kasalan. Inaamin ko naman pero..." Hindi na niya alam ang susunod na sasabihin.Dahil kahit na anong paliwanag pa niya sa kaniyang ate Dorsy ay galit parin ang nararamdam nito sa kaniya.

Hinila ni Dorsy ang kapatid sa may likod nang punong mangga upang walang sinuman ang makapansin sa pagtatalo nila at sa pagkakasabunot niya dito.Binitawan niya ang buhok ni Downy at sinampal niya ito ng napakalutong sa mag-kabilaang pisngi. "Wala ka pa lang kasalanan, ha!" Gigil niyang sambit. "So, anong gusto mong palabasin sa'kin? Na biktima ka dito? Parang mali yata, Downy?" ani Dorsy sa kapatid. "Ano na?!" Bulyaw ni Dorsy sa kanya.

"B-bakit hindi mo tanungin si Vince?" ani Downy sa kaniyang ate.

"Gusto mong tanungin ko siya?" aniya.Sa totoo lang ay kanina pa siya nanggagalaiti sa galit.Magmula kaninang umaga hanggang ngayong nakita niya ang eksena kanina sa may kalsada.Lalong uminit ang kanyang ulo.Ang makitang magkahawak kamay ang dalawang mga taksil at manloloko na naging sanhi nang pagkulo ng kanyang dugo.Pero kung may dapat mang sisishin dito ay walang iba kundi si Downy.Dahil kung hindi nito pinatulan si Vince ay hindi sana siya mangagalaiti sa galit.Sa inis ay buong puwersa niyang sinabunutan si Downy.

"Ang kapal ng mukha mo! Walanghiya ka! Asawa ko ang pinatulan mo! Magkapatid tayo at bayaw mo siya! Nasaan ang hiya mo Downy? Nasaan? Pagkatapos kung ibigay saiyo ang lahat ganito lang ang igaganti mo sa akin! Bakit? Bakit?" Malakas ang boses na sumbat ni Dorsy kay Downy habang sinasabunutan niya ito gamit ang kanyang dalawang kamay.Biglang nawalan ng balanse si Downy at natumba ito sa lupa.Agad namang sinakyan ni Dorsy ang nakatihayang kapatid.Sinampal-sampal niya ito ng paulit-ulit hanggang sa hindi na ito gumalaw.Umalis siya sa ibabaw ni Downy.Napakalmot siya sa lupa sanhi ng sama ng loob.Hindi pa siya nakontento at sinuntok-suntok iyon.
Doon niya inalabas ang galit saka sumigaw ng sobrang lakas.

Sa lakas ng kaniyang pagkakasigaw ay may naka-agaw ng atensiyon sa kanilang kinaroroonan.Ang pinsan nilang lalaki ang nag-abalang puntahan sila at inalam kung ano ang nangyari.Nang makita nito ang nakalupay-lupay na si Downy sa malamig na lupa ay agad niya itong tinulangan at binuhat.Dinala niya ito sa loob ng kanilang bahay.Naiwan siyang mag-isa.Siya naman ang nahiga sa lupa at doon malayang iniyak ang sama ng loob dahil sobrang bigat ng kaniyang dibdib.

"Bakit mo nagawa sa akin to, Vince?" Tanong niya sa asawa. "Kaya lang naman ako umalis dahil gusto kong patunayan mo sa akin kung gaano mo ako kamahal! Pero bakit?" Muli ay napalakas ang tono ng kaniyang boses. "Sa tatlong taon nating pagsasama. Ginawa ko naman ang lahat! Pero bakit mo ginawa sa akin, 'to! Sa aming magkapatid! Walanghiya kang hayop ka! Demonyo ka!" Hinaing niya habang nakahiga parin sa lupa. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin! Pagbabayarin kita! Kayong dalawa ng taksil kong kapatid! Humanda kayong dalawa!" Puno ng hinanakit na sambit ni Dorsy kay Vince.Kulang nalang ay isumpa niya ang mga ito dahil sa sama ng loob.

Nasa ganoon pa rin siyang posisyon ng binalikam siya ng kaniyang pinsan.Ang akala nito ay nahimatay rin siya at walang sabi-sabing binuhat siya nito.Dinala sa loob ng kanilang bahay at pinahiga sa bakanteng higaan.Nagpanggap siyang nagtulog-tulugan dahil ayaw niyang may mag-usisa pa kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Downy.Kaya naman minabuti nalang niyang magtulug-tulugan.Hanggang sa totoong tinangay na nga siya ng antok.

Sa pagod at ilang araw ding pagpupuyat ay tila napahaba ang tulog ni Dorsy.Pagka-gising niya ay nagtimpla siya ng kape.Kung dati-rati ang nanay nila ang taga-timpla ng kape niya ngayon ay mukhang hindi magagawa iyon ngayon ng nanay nila.Sa hitsura nito ay sobrang tamlay at kulang ito sa sigla.Dinidibdib nito masyado ang pagkawala ng tatay nila.Pagkatapos niyang magkape ay magbanyos naman siya at nagpalit ng damit.Tatlong araw pa ang nalalabing araw ng kanilang ama na makakasam nila ito.Napag-isipan niyang huwag muna niyang isipin ang problema niya kina Vince at Downy.Nais niyang ialay ang oras niya sa kanilang ama.

Noong bata palang sila ay lagi silang sinusundo ng kanilang tatay sa eskwelahan.May bitbit pa itong basahan na ibenebente niya.Minsan ay sa mga guro nila o 'di naman kaya ay sa mga trycicle driver na nakaparada sa harap ng eskuwelahan nila.Napakabait ng tatay nila kahit na basahan vendor lang ito.Binuhay sila ng maayos at binigyan ng pagkain sa lamesa bawat araw.Salat man sila sa buhay ay hindi naman nagkulang ang kanilang ama sa pagmamahal at pagpapayo sa kanila.Naiyak siya ng maalala ang nakaraan.Napasinghot pa siya dahil bigla niyang namiss ang kanilang tatay.

Dahil sa kahirapan ay hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral.Humingi ng tawad ang kanyang tatay sa kaniya noon dahil hindi siya nito kayang pag-aralin kaya naman high school lang ang natapos niya.Sa murang edad ay natuto na siyang manahi.
Ibinuhos niya ang kanyang kabataan sa pagtulong sa kaniyang mga magulang at upang makatulong din sa pangangailangan noon ni Downy sa pag-aaral.Nabuhayan siya ng loob noong mag-kokolehiyo na si Downy.Kaya naman double kayod ang ginagawa niya.Nais kasi niyang maging proud ang tatay nila sa kaniya at ganoon nga ang nangyari.Naging abot langit ang pasasalamat nito sa kaniya dahil napagtapos niya si Downy nang pag-aaral dahil na rin sa tulong ni Vince.

Kung alam mo lang ang nangyayari ngayon, tay, naisaloob ni Dorsy ng mga sandaling iyon. Mabuti nalang at nagpapahinga ka na. Bantayan mo nalang kami at si Nanay. Huwag kang mag-aalala dahil hanggat nandito ko, aalagaan ko siya sa abot ng aking makakaya, aniya.Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa kaniyang mga mata.Hindi niya napansin ang papalapit na si Vince mula sa kaniyang kinauupan.
Naupo ito sa tabi niya na parang wala lang nangyari.Nais man niyang komprontahin ang asawa ay tila wala siyang lakas na awayin muna ngayon ito.Kailangan niyang igalang ang kanyang tatay sa nalalabing araw ng lamay nito.Maghintay lang ang mga ito oras na mailimbing ang kanilang ama.Maghintay lang sila sa kaniyang pag-hihiganti.

Hindi na siya ang dating Dorsy na mabait,mapagmahal, maalalahin, masuporta at mapagbigay dahil pinatay na rin niya ang dating siya.Bagong Dorsy na ang iikot sa mundo nilang tatlo.Bagong Dorsy ang kanilang makikilala.Bagong pagkatao!Bagong siya.Hindi na malambot ang puso niya.Isa na ngayon itong bato at mahirap nang palambutin kahit na ilang beses pa nila itong saktan.Hindi na siya magpapadaig.Magbabayad sila!

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon