Chapter Thirty-three

379 18 7
                                    

Nang mga sandaling iyon ay biglang nahinto ang paghalik ni Vince kay Dorsy.Paano naman kasi ay biglang lumitaw ang umiiyak na mukha ni Downy.Nagmaakaawan ito na patawarin niya.Hindi tuloy niya nalambing ng maayos ang asawa dahil sa biglaang pagbago ng mood niya.Napasin ni Dorsy ang biglaang pagkabalisa nito.

"Any problem?" aniya.

"Nothing," iling nitong sagot.

"Uhm. Okay," hindi sang-ayon na sagot niya.

"Sorry, honey. I think I should let you rest," ani Vince sa asawa.

Tumango-tango naman si Dorsy.Hindi malaman kung bakit biglang nag-iba ang mood ng asawa.Hindi na siya nag-usisa kung ano iyon.Siguro ay naguguluhan rin lang ito.Tumayo si Vince at umalis sa pagkakadagan sa kanya.Hinalikan muna siya nito sa noo bago nag-paalam.Naglakad ito sa pintuan.Pinatay at switch ng ilaw sabay goodnight sa kanya.

Kinakabahang naiwan naman si Dorsy sa kuwarto.Hindi alam kung ano ang pinoproblema ng asawa.Pati siya ay hindi na rin dalawin ng antok.Tuloy ay nagpabaling-baling siya sa higaan.Napabuntong-hininga siya.Pilit na pinapatulog ang sarili.Naisaloob niya na siguro ay nalulungkot lang ang asawa niya sa mga nangyayari.Bibigyan niya ito ng space upang makapag-isip ng mabuti.

Maagang nagising si Dorsy.Pag-gising niya ay wala na si Vince sa kanilang higaan.Hindi rin niya namalayan kung sa kuwarto nga nila natulog ang asawa.Nakita niyang naghahanda ng pagkain ang nanay Dolores niya.Nang makita siya nito ay agad nitong nilagyan ng kape ang tasa na nasa harapan niya.Nginitian siya nito at sinuklian naman niya ito ng ngiti.

"Kumusta ang tulog mo, anak?" tanong ng nanay niya.

"Ayos lang naman, nay," nakangiti niyang sagot.Inilingon ang mga mata sa paligid na tila may hinahanap siya.Sinimsim ang kape.

"Maagang umalis si Vince," tila nahulaan ng kanyang nanay ang nasa isipan niya. "Hindi ka na niya ginisng," patuloy nito.

"Ganoon ba, Nay," may pag-tatampong sagot niya. "Hayaan niyo po tatawagan ko nalang siya," aniya.

"Gusto mo na bang kumain?" pag-iiba ng nanay niya sa usapan.

"Mamaya nalang po, Nay," magalang niyang sagot. "Mag-kakape na lang muna ako" aniya.

Pinanood niya ang nanay niya na nag-hihiwa ng sibuyas.Hindi niya lubos maisip na napakasuwerte ng nanay nila sa kanilang tatay.Kahit na salat sila sa buhay noon ay pilit nilang inaalagaan ang kanilang relasyon.Ang kanilang pagmamahalan ay walang katumbas na ligaya.Nagsama sila ng may paninindigan at may takot sa Diyos.Walang bumitaw sa kanila kahit na ano pang pag-subok ang dumating.
Malaki man o maliit.

"Nasaan na kaya ang kapatid mo?" mayamaya ay tanong ng kanyang nanay. "Hindi na niya ako naalalang tawagan, eh?" hinaing nito.

Natahimik siya at hindi makasagot.Paano niya sasabihin na nasa kulungan ngayon si Downy?Paano nito tatanggapin ang paliwanag niya kapag sinabi niyang kaya ito nakulong ay dahil kay Vince.Natutop niya ang bibig sa gulat.Hindi pa ito ang tamang panahon para aminin niya sa ina.Pero alam niyang hindi rin magtatagal at malalaman rin nito ang katotohanan oras na tawagan ito ng mga pulis dahil guardian ni Downy ang kanilang nanay.

"Nay..." ani Dorsy.

Napataas ng ulo ang kaniyang nanay at napatitig sa kanya.
"May masama bang nangyari sa kapatid mo, anak? Ano? Sabihin mo sa akin ang totoo?" tarantang tanong nito.

Pinaupo niya ang kanyang nanay sa katabi niyang silya.Hinawakan niya ang dalawa nitong kamay.
"Nay, 'wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko saiyo," ani Dorsy. "Simula pa lang, alam mong naging mabuti akong kapatid at anak. Simula pa lang, ginawa ko na ang lahat upang makatulong sainyo. Hindi naman ako nanunumbat, Nay. Pamilya ko kayo, eh," naiiyak na niyang sabi sa ina. "Pero, may malaking kasalanan sa akin si Downy," amin niya sa ina.Mabigat ang dibdib habang isinasalaysay sa ina ang katotohanan.

"A-anong ibig mong sabihin, anak?" nalilito pa ring tanong ng Nanay Dolores niya. Hindi nito mahulaan ang kanyang sinasabi.

"Nay, patawarin mo ako. Pinilit ko namang ayusin ang relasyon naming dalawa ni Downy pero nag-matigas siya. Pinilit kung pinaunawa sa kanya na mali ang ginagawa niya pero ayaw niyang makinig," ani Dorsy. "Nay..." aniya at tuluyan na siyang napahagulgol. "Bakit ako pa? Bakit? Napakabait ko sa kanya. Halos ibinigay ko ang lahat. Ibinenta ko pa ang dignidad ko upang makapag-tapos lang siya...tapos, tapos, heto ang igaganti niya sa akin!"

"Ano bang ginawa niya saiyo, anak? Ano bang ginawang kasalanan nang kapatid mo para masaktan ka ng ganyan?" ani Nanay Dolores. "Nanay mo ako, anak ko kayo. Pero sana naman huwag kayong mag-kaganyan kasi ako ang nasasaktan. Huwag anak. Mga dugo ko kayo. Kung masakit para sainyo. Ako bilang ina niyo ang mas higit na nasasaktan sa sitwasyon ninyong pinagdadaanan," umiiyak na ring sagot ng nanay niya.

"Nay...patawad," ani Dorsy.

"Huwag kang humingi ng tawad. Nasaan ang kapatid mo?" May pag-aalalang tanong ng nanay niya.

"N-nasa presinto po," nanginginig ang boses na amin niya.

"Bakit?" napalakas ang tono ng boses nito. "Bakit nasa presinto ang kapatid mo? Ano'ng ginagawa niya doon?"

"N-nakakulong po siya Nay."

"Nakakulong?" Balik tanong sa kanya ng kanyang ina. "Bakit? Anong kasalanan nang kapatid mo?" Tila tumaas na ang hyper tension nito sa nalaman.

"D-dahil kay Vince," amin niya sa ina.

"Ano'ng dahil kay Vince? Ano'ng kinalaman ni Vince sa pagkaka-kulong ng kapatid mo? Linawin mo nga sa akin ang lahat! Sa simula hanggang dulo," ani nanay Dolores niya.

Ikinuwento niya sa ina ang buong pangyayari.Kung paano nagkaroon ng relasyon sina Vince at Downy.Kung paano nahantong sa pagkakakulong ang kanyang kapatid.At kung paano humantang sa ganoon ang sitwasyon nilang dalawa.Ngunit imbis na matuwa ang nanay niya sa pag-amin niya ay isang malakas na sampal ang ipinadapo nito sa kanyang pisngi.Naiyak siya habang napahaplos doon.

"Kapati mo! Kapatid mo 'yon, Dosry!" malakas na sumbat ng nanay niya.

"Nay, patawarin mo po ako," hikbi niya.Pilit inaawat ang ina sa galit na nararamdaman.

"Mali man ang ginawa ng kapatid mo pero hindi ko kukunsintihan ang ginawa mong pag-papakulong sa kanya! Masakit sa akin, anak. Ang makitang magka-iba kayo ng mundo nang kapatid mo. Ikaw masaya sa piling ng asawa mo pero ang makitang malungkot at nagdurusa ang kapatid mo sa kulungan ay hindi ko kaya," amin ng nanay niya.

"Nay, nag-kasala si Downy sa batas." ani Dorsy.Hindi niya matanggap ang sagot ng ina.

"Ako na ang humihingi ng kapatawaran, anak. Iurong mo ang kaso sa kapatid. Ipapangako ko saiyo. Ilalayo ko siya kay Vince. Bigyan mo ng chance ang kapatid mo Dorsy."

"Nay," nasasaktang sambit niya.Bakit hanggang sa huli ay ang kapatid pa rin niya ang kinakampihan nito? Bakit hanggang sa huli ay siya pa rin ang mali? Bakit hanggang sa huli ay parang siya pa ang may kasalanan? Gumawa man siya ng mabuti at masama ay wala pa rin naman palang pinagka-iba.

"Patawarin mo ako, Nay. Pero hindi ko iuurong ang kaso," may paninindigan niyang sagot.

"Maawa ka, anak. Alang-alang sa akin," ani nanay Dolores niya. "Kayo nalang ang natitira sa akin tapos..." hindi maituloy ng nanay niya dahil sa pag-iyak nito.Masakit din para sa kaniya.Parehas lang sila ng nararamdaman ng nanay niya.

Umiling siya.Kung naging bastos man siya sa unang pagkakataon sa kanyang ina ay hindi niya sinasadya iyon.Kung hindi man niya ito mapagbibigyan sa nais nitong mangyari.Pinunasan niya ang kanyang luha.Tinalikuran ang ina at naglakad patungo sa kanilang silid.Ikinandado niya iyon.Padapa siyang nahiga sa kama at iniyak ang sama ng loob dahil sa sobrang bigat nito dala ng kanyang pagtatampo sa ina.Mas pinaboran pa nito si Downy kaysa sa kanya.Bakit ganoon?

Mali ang Ibigin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon