o15

20 3 0
                                    

|¦ Facebook ¦|

Hiraeth Kaiser Alvarez
Just now •🔒

Nakilala kita grade 5 ako, ni hindi pa nga ako marunong mag-spell no'n eh. Halos mali-mali pa pagsulat ko ng alphabets at hindi pa ako diretso magbasa! Medyo mahina kasi talaga ako sa letters pero magaling naman ako sa numbers Eos eh😟

First time kitang makita no'n sa library, inaya kasi ako ni Quenzy na pumunta ro'n kasi pupuntahan ka raw. Nakalimutan mo kasi lunch box mo kaya pinabigay ni mama mo kay Quenzy kasi magkabit-bahay naman kayo.

May sinusulat ka no'n eh. Hindi ko alam na journalist ka at EIC pa!

Hindi ko rin alam na ikaw yung nagsusulat ng mga tula na nakalagay sa board no'n! Matagal na pala talaga kitang gusto kahit 'di ko alam itsura mo.

Alam mo bang kahit wala akong hilig sa pagbabasa ng school paper at kahit sa kung akong may kinalaman sa letters? Ngayon alam mo na, charot hindi mo naman mababasa 'to.

Lagi pa akong nakikipag-unahan makakuha lang ng school paper no'n eh. Mabasa ko man lang pangalan mo sa baba ng mga sinusulat mo.

Alam mo rin bang pangalan mo ang pinaka-una kong naisulat ng diretso? Yung walang erase-erase, sulat lang.

Perseus Delos Santos

Gandang-ganda ako sa name mo.

No'ng mag-grade 5 ako, naglakas-loob akong gumawa ng letter para sa'yo.

Kasi gustong-gusto talaga kita, kaya lang nang ini-abot na iyon ni Quenzy sa'yo nilait mo lang. Ang sabi mo ang pangit ng sulat ko, ang daming errors!

Sorry, nanginginig kasi talaga kamay ko kapag nagsusulat. Tapos hindi ko naman alam kung ano pinagkaiba ng ilang words.

Loving his PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon