o33

15 2 0
                                    

July 27, 2019
9:34 am
Alvarez' Residence

"Basahin mo yung page thirty-two. Kailangan ma-memorize mo 'yan para mas maging madali sa'yo ang pagsagot ng number seven," sabi ni Eos sabay abot sa akin ng hawak niyang libro.

Kinuha ko naman ito.

Maya't-maya pa'y hindi na ako mapakali, ang bagal naman kasing dumating ng pizza'ng in-order ko.

Nakaupo kaming dalawa sa sahig dahil mas maayos raw kung nasa harap kami mismo ng lamesa.

Humingi rin siya ng papel kanina kaya kinuha ko yung maliit kong bag sa loob ng k'warto ko.

Nagkakalkal ako sa bag dahil nanghihiram si Eos ng ballpen nang biglang tumunog yung doorbell. Napatayo naman ako upang kunin ang wallet ko sa k'warto.

Nang mabayaran ko ang pagkain naming dalawa ay dali-dali akong bumalik sa sala pero laking gulat ko nang makita ang hawak ni Eos.

Lahat ng letters na hindi ko pa naibibigay!

Para iyon sa mga susunod na araw! Nailapag ko bigla ang pagkaing hawak ko sa lamesang malapit sa akin bago tinakbo ang direksyon ni Eos.

Dali-dali kong inagaw sa kamay niya ang mga letters na balak kong ibigay sa kaniya. Nag-iwas ako nang tingin bago patay-malisyang bumalik sa pinaglapagan ko ng pizza.

Nanatili kaming tahimik pero alam kong may gusto siyang sabihin at tama nga ako.

"Ikaw?" Hindi ako nagsalita.

"Ikaw ang nagpapadala sa akin ng mga walang k'wentang sulat na iyon?" Nabigla ako sa kaniyang sinabi pero nag-iwas lamang ako ng tingin bago yumuko.

"Nagmumukha kang tanga, ang dami mong bagsak at hindi mo nga rin ma-spell nang maayos yung ibang words na ginagamit mo sa maling paraan. Stop pestering my life."

"Gusto ko lang malaman mo na hindi ko gusto ang ginagawa mo. I don't need those letters. Stop sending those crap, wala akong oras para basahin ang mga iyan kaya sana 'wag kang magsayang ng oras para gumawa ng mga letters para sa akin." Kumuyom ang mga kamay ko sapagkat naiinis ako sa aking sarili.

What the fuck Hera! Tingnan mo kung anong nangyayari kapag hindi ka nag-iingat!

"I hope na titigil ka na talaga. Might as well study. Mag-aral ka kaysa sa magsayang ng oras sa paggawa ng letters na hindi ko naman binabasa. May bagsak ka na nga nakukuha mo pang magsulat ng mga walang k'wentang bagay."

"Mas importante ang mag-aral kaysa maglandi. I'll tell ma'am Rosales na hindi na ako willing magturo sa'yo, I don't wanna give you false hopes. I will never like you. Remember that."

After saying those, he left me dumbfounded and hurt.

Loving his PiecesWhere stories live. Discover now