o38

17 2 0
                                    

|¦ Messenger ¦|

Hiraeth Kaiser Alvarez
October 14, 2019 • 🔒

Ito na yun. Balak ko ng sagutin siya! Dream come true, huhu. Dati-rati pinapangarap ko lang siya tas ngayon maaabot ko na.

After ilang araw nang mag-usap kami ni Eos tungkol sa mga nasabi niya sa akin, tinanong niya kung p'wede akong ligawan.

I said yes cause why not? Gusto ko naman talaga kaya bakit ko tatanggihan.

Noong una siyempre sobrang nagtataka ako. Bakit niya sasabihin iyon kung kakasabi lang niya sa akin na never niya ako magugustuhan? Pero hindi ko na pinag-isipan pang masiyado ang desisyon na ginawa ko.

I love him.

Lagi akong masaya kapag kasama siya. Lagi siyang may mga letters para sa akin, na sobrang nagpapalakas ng tibok ng puso ko. Corny? Never!

Hindi ko alam na isa na rin ako sa subject ng mga sinusulat niya. Dati-rati tagahanga lang ako eh, tahimik lang na binabasa ang nakakamangha niyang mga sinusulat.

Shit, hulog na hulog na ako.

Ilang beses akong binalaan ng mga kaibigan ko. Ilang beses nila akong pinigilan pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko iyon magagawa.

Mahal ko si Eos, mahal na mahal ko siya.

Loving his PiecesWhere stories live. Discover now