o51

13 2 0
                                    

"This is my favorite place," sabi ni Eos habang nakaupo kami sa isang table na pangdalawahan.

"Favorite ko na rin!" saad ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Walang originality," wika niya habang naiiling.

"Hmp, hindi na pala ito ang favorite place ko!" bulyaw ko sa kaniya habang sinisimangutan siya.

"Eh? Saan na pala ang favorite place mo?" tanong niya habang nagbubuklat na ng libro.

"Sa tabi mo," sabi ko habang tinatakpan ang aking mukha.

"Oh, napaka-corny pero bibigyan mo iyon ng three stars," tamad niyang saad.

Habang umiinom siya ng kape ay nasa libro lang ang kaniyang mga mata.

"Siguro kung food ang life mo, it would be rice. Plain, pero healthy. Pero dapat alam mo kung paano i-digest nang maayos para hindi ka tumaba nang sobra," wika ko para mabawasan ang katahimikan.

Napailing naman ito habang naglilipat ng pahina sa librong binabasa.

"Oum, kunwari na-gets ko kahit walang sense. How about you?" tanong niya.

Tumawa muna ako nang mahina kung kaya't napatingin siya sa gawi ko.

"If my life had a flavor, it would be coffee." Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Bakit naman?" tanong niya, interesado.

"Not too strong, not too creamy. Sakto lang," sabi ko bago tumawa nang mahina. Marami kasing nagbabasa kaya baka ma-istorbo ko.

Umiling lamang siya bago muling binasa ang librong nakalapag sa harap niya.

"Alam mo ba kung bakit sa cup nilalagay ang kape?" Umiling siyang muli bago ako sinagot.

"Para hindi tayo mapaso kung sakaling sa gusto nating uminom," tamad niyang sagot pero umiling ako at tumawa nang mahina.

"Mali," saad ko pero hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"Why is that?" Ngumisi ako bago siya sinagot.

"Kasi cup-e." Tumawa ako pero nginiwian niya lamang ako.

"Not funny. Pero tama talaga yung sagot ko kanina." Inilingan ko siya.

"Hey, okay lang naman magkamali." Inirapan niya ako, how cute!

"Hindi ako nagkakamali, I'm a writer." Taka ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.

"And why is that? Wala namang connect." Kinagat ko nang mariin ang labi ko para pigilan ang aking pagtawa.

"I'm a writer. Always write," proud na sabi ni Eos. Ang pagpigil ng pagtawa'y hindi ko na nagawa. What the hell, joke ba 'yon?

Napatingin ang mga tao sa akin kung kaya't minabuti kong tumahimik pero maya't-maya pa'y nagdaldal na naman ako habang si Eos ay tahimik lang akong pinapakinggan.

Pasimple akong kumuha ng litrato.

I smiled. He loves silence and I love talking, what a combination!

Loving his PiecesWhere stories live. Discover now