o32

22 2 0
                                    

|¦ Facebook ¦|

Hiraeth Kaiser Alvarez
July 28, 2019 • 🔒

Shit, ang sakit ng ulo ko pero bakit ko pa ch-in-at ang lalaking yun. Hindi dahil friend ko na siya sa facebook ay may karapatan na akong i-chat siya. Tangina, baka kung ano na namang masakit ang sabihin sa akin.

Nakita niya kasi kahapon yung mga papel na ginagamit ko kapag nagsusulat ako ng letters sa kaniya ay pati na rin mismo yung letters na hindi ko pa ibinibigay.

Galit siya sa akin, bakit ko raw kailangan na gumawa ng letters. Marami raw akong subject na bagsak. Ni hindi pa ako magaling mag-spell at mahina sa grammar. Ang tanga ko raw kasi inuuna ko pang lumandi kaysa sa mag-aral.

Nasaktan ako siyempre, pero hindi ko kayang magalit. Kahit ilang beses niya pa siguro akong saktan ng mga sasabihin niya, hindi ako magagalit. Siya 'yon eh.

Hindi na rin daw niya gustong turuan ako. Hindi niya rin daw ako kailanman magugustuhan.

Sakit.

Loving his PiecesWhere stories live. Discover now