o61

16 2 0
                                    

"Nagustuhan mo ba performance namin?" tanong ni Spade habang tinitingnan ang mga litrato namin ni Eos sa cellphone ko.

"Baliw ka, ang yabang mo talaga Spade ha? Akala ko ikaw yung nasa gitna! Nasa likod ka lang naman, halos hindi na nga kita makita kasi natatakpan ka naman ng mga kasama mo. At isa pa, hindi naman ikaw ang kumanta, nag-expect pa naman ako nang sobra," pang-iinsulto ko sa kaniya, halos mabingi na nga ako kanina dahil halos pangalan niya ang isinisigaw ng mga babae sa p'westo ko.

"Ulol, hindi mo naman talaga ako nakikita," mahinang saad niya na ikinataas ng kilay ko.

"Kasi wala kang mata," wika niya bago tumawa nang malakas. Sinamaan ko siya ng tingin bago hinampas-hampas.

Pero ang totoo niyan ay nakaka-proud talaga ang napanood ko kanina. Hindi ko lubos maisip na ganito na siya kasikat ngayon. Dati-rati, ako lang ang nakakapanood sa kaniya kapag naggigitara siya. Mahiyain siya sa iba, sa akin lang talaga siya ganiyan umasta. Parang tanga.

Natatandaan ko pa dati, lagi kaming nasa ilalim ng puno ng mangga sa bakuran nila. Lagi siyang may dalang gitara at lagi niya akong kinakantahan. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi siya ang vocalist ng banda nila eh para sa akin nga mas maganda pa ang boses niya kay Ione!

"Ba't ka nakatulala riyan?" tanong niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Tipid lamang akong ngumiti bago siya niyakap. Nakaka-miss rin pala ang gagambang 'to.

No'ng una hindi niya pa tinutugon ang yakap ko pero kalaunan ay sinuklian niya na rin.

"Gago ka Spade, nakaka-miss ka rin palang tanga ka!" wika ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Hinaplos niya ang buhok ko, just Iike the old times. Magkayakap kami sa ilalim ng puno ng mangga hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Mahal kita," wika ni Spade habang inilalagay sa daliri ko ang isang singsing.

Hindi ako muna ako sumagot dahil pinagmamasdan ko muna kung paano niya hawakan ang daliri kong may suot na singsing.

"Mahal din kita Spade!" wika ko na ikinangiti niya. Bakas sa mukha niya ang sobrang sayang nararamdaman niya ngayon.

Nabigla kami nang bigla kaming tinawanan ng kapit-bahay naming lalaki na ka-edad lang namin ni Spade, si Hiaze.

"Ang corny niyo, grade five pa lang tas may suot ng singsing. Sabi ni Hesper walang forever!" sigaw niya bago kami nilapitan ni Spade.

Inagaw niya sa akin ang singsing at ibinalik sa kamay ni Spade.

"Spade, kung magbibigay ka ng singsing sa babae dapat handa ka na. Dapat siguraduhin mong kapag naisuot mo na sa kaniya 'yan, hindi na siya maaagaw ng iba. Dapat may masasabi ka na sa buhay." Tumango si Spade pagkatapos na sabihin ni Hiaze sa kaniya iyon.

Pagkatapos ng araw na iyon, napansin kong lumalayo na ang loob ni Spade sa akin. Mas madalas na rin siyang sumasama kay Hiaze at sa kakambal nitong si Hesper.

Bihira na rin siyang dumalaw sa bahay namin, at kapag ako naman ang dumadalaw laging wala si Spade.

Nabalitaan ko na lang na bumubuo na sila ng banda ni Hiaze at Hesper, hindi ko alam na dahil sa bandang iyon makakalimutan niya na ako—ang pinakauna niyang kaibigan.

Madalas din siyang umiwas sa akin, hindi na rin kami sabay na pumapasok sa school. Hindi niya na ako hinihintay kaya ako lang lagi ang nali-late.

Naiinis din ako sa kaniya noon dahil malamig niya lang akong pinapakitunguhan samantalang ang mga babaeng umaaligid sa kaniya ay lagi niyang nginingitian.

Hindi ko natanggap iyon kaya never akong nanood ng performances nila. Hindi ko kayang panoorin siyang tumutugtog at hindi ako ang inaalayan ng kanta.

Saka lang siya bumalik sa dati nang makita niya akong laging pinagtitrip-an ng mga lalaki malapit sa building nila.

Madalas na rin siyang sumabay sa akin, medyo dumalang lang ngayon dahil sunod-sunod ang mga nag-iinvite sa kanila.

"Salamat kasi nanood ka ngayon, Hera." Tumango lamang ako at akmang tatalikod pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

Napakunot naman ang noo ko pero halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa biglaan niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa pisngi!

Loving his PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon