o49

12 3 0
                                    

November 05, 2019
Alvarez' Residence
10:03 am

"Magluluto ako ngayon," wika ni Eos na ikinangiti ko.

"Marunong ka ba?" tanong ko sa kaniya habang may nang-aasar na ngiti sa labi.

"Oo," sagot niya na ikinatango ko na lamang.

"Sasamahan na kita sa baba, gusto kong panoorin kang nagluluto," wika ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

"No, you stay here. Rest Hera, dadalhan na lang kita rito ng pagkain." I pouted, hindi na lang ako pumatol pa sa sinabi niya.

Akala mo ha! Bababa pa rin ako mamaya para makita kang magluto.

"May pasok ka ba? Kahapon kasi sabi mo wala, tapos mayro'n naman pala," nakasimangot kong sabi habang hinihimas ang tiyan ng pusa kong si Heos.

"Yeah, pero makakahabol naman ako. Alam ko na ang lesson ngayon," saad niya sa mayabang na boses. Nasabi niya kasi sa akin na lagi siyang nag-a-advance reading.

Inirapan ko na lamang siya.

Ako lang ulit ang mag-isa ngayon sa bahay kaya walang problema kung magpakalat-kalat ngayon si Eos dito sa bahay. Though, kilala naman na siya ng parents ko.

Napatingin na lamang ako sa mga librong dala ni Eos, napailing ako. Para raw hindi ako ma-bored kapag wala siya ay magbasa na lang ako.

Kapag nagkakasakit daw kasi siya, libro lang ang gamot niya.

Bakit sa akin hindi gano'n? Baka mahilo lang ako, cause of death: nagbasa ng libro habang may sakit, nasuka, nanlabo paningin, nawalan ng malay, namatay. Geez

Kinuhanan ko ng litrato ang mga libro at p-in-ost ko sa instagram.

Maya-maya pa'y naisipan ko ng bumaba para silipin si Eos na nagluluto.

Nakasuot pa ako ng pajama at sinuot din ang tsinelas kong may baboy na design.

Marahan lamang akong naglakad habang bitbit ang cellphone at si Heos.

Napangiti ako nang makita ang kaniyang likuran. Hindi ko maiwasang kiligin. Bakit siya ganiyan!

Kaya't hindi ako naniniwala sa mga kaibigan ko. Kasi kung hindi niya ako mahal, bakit siya nandito ngayon para alagaan ako?

Kinuhanan ko siya ng litrato bago ko siya niyakap mula sa likuran. Para siyang nagulat sa ginawa ko pero kaagad naman akong hinarap.

Nakakunot ang noo niya at handa na sa panenermon.

"Anong sinabi ko sa'yo? Bakit ka bumaba? Dadalhan na lang kita ng pagkain sa taas. Ang kulit naman," inis na wika niya habang pinipisil ang mga pisngi ko.

"I wanna watch." Sumimangot naman siya at umiling-iling.

Loving his PiecesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora