o68

12 2 0
                                    

"Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" tanong ni Spade habang inilalagay niya ang kaniyang gitara sa loob ng lagayan nito.

"Tanga ka pala eh, ikaw ang kasama kong pumunta rito kaya ikaw rin ang maghahatid sa akin." Inirapan ko siya pero inilingan niya lamang ako.

"Well, akala ko lang. Boyfriend mo ba talaga 'yon? Bakit parang hindi?" tanong niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ofcourse he's my boyfriend. Busy lang siya sa mga ginagawa niya. I can wait naman, p'wede naman kaming lumabas kung may free time na siya." Napabuntong-hininga si Spade bago ako nilapitan.

"Look, hindi naman sa pangingialam pero parang ang pangit naman ng gano'n? Maghihintay ka lang kung kailan siya libre? Kung ako nagka-girlfriend kahit sobrang heavy ng schedules ko hahanap pa rin ako ng way para magkita kami."

"Think of it Hera, ang pangit naman ng compromise na lang nang compromise. Lagi mong pinagbibigyan kaya nasasanay. Sobrang bait mong girlfriend kaya inaabuso. Ang toxic, so unhealthy. Kaya kung ako sa'yo, iiwan ko na 'yan. You don't deserve that kind of treatment. Magkikita lang kung kailan libre? Bakit hindi gumawa ng paraan para magkita kahit walang libreng oras. Tsk." Napa-isip naman ako sa sinabi ni Spade.

Pero siguro depende naman iyon sa tao?

Nagkibit-balikat na lamang ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe. Nitong mga nakaraang araw ay lagi kaming nag-aaway ni Eos. Apat na buwan pa lang kami at balak kong magtagal kami hanggang dulo pero naguguluhan na ako sa kaniya.

Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring reply mula kay Eos. He's always like that pero hindi pa rin ako nasasanay.

Hindi ako nasasanay pero napapagod na ako. Is that even possible?

I heaved a sigh, busy lang siya. Marami siyang ginagawa and as her girlfriend it's my responsibility to compromise and sacrifice.

Kailangan kong magsakripisyo ng oras. Kailangan kong maghintay hanggang kailan siya libre.

Ibinibigay ko na sa pagsusulat niya ang oras na para dapat sa aming dalawa.

I fell in love with someone who's in love with pen and paper.

Ganito ang pakiramdam kaya dapat masanay na ako.

Loving his PiecesWhere stories live. Discover now