o74

12 3 1
                                    

"Let's stop this," saad ni Eos. Halos hindi ako makahinga sa sinabi niya. Parang nabingi ako nang mga oras na iyon. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang aking narinig.

"W-What do y-you mean?" halos mangiyak-iyak kong tanong sa kaniya.

Umiling-iling siya sa akin bago bumuntong-hininga. "Ayoko na nito, nakakapagod na Hiraeth. This is not healthy anymore, we won't grow kung ganito lagi." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa rason niya. He's being unfair again! Napakadaya niya, why is he like that?

"Pagod ka? How about me? Ilang beses din akong napagod pero never akong nagreklamo. Ayaw mo na? Ang unfair mo! Stop being like that, you're so unfair," napataas ang boses ko habang sinasabi ko sa kaniya ang mga katagang iyan.

Nag-iwas siya ng tingin at muling umiling-iling. Desidido na talaga siya sa kaniyang desisyon.

Pero napakadaya niya, hindi ba dapat ay kaming dalawa ang nagdedesisyon kung tatapusin na ba namin kung anong namamagitan sa aming dalawa?

Bakit ba napakadaya niya? Ba't siya lang ang nagdesisyon mag-isa?

Tangina.

"I want to stop this, you can't even compromise. You're being immature, you're being clingy and it's annoying. You don't even see me as a man. At isa pa, hindi rin ako naniniwalang mahal mo ako. You don't love me Hera, I know you don't. You only love my proses and poetry and not me." Halos hindi ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niya. Sa lahat ng buwan na pinagsamahan namin hindi niya pa rin ba naramdaman 'yong pagmamahal ko?

I'm clingy and immature? I can't compromise? All this time, hindi niya pala ako naramdaman. All my sacrifices just to make this relationship work are not appreciated at all!

How unfair! Bakit parang ako pa ang mali? Bakit ba sa akin niya isinisisi ang lahat? He's making me feeI like it was all my fault. Tho all I really ever did was to love him.

"Kung gusto mong itigil natin 'to, hindi na kita pipigilan. Ilang buwan din iyon ng pagpapakita ko ng pagmamahal, pero hindi mo naman sinabing bulag ka. Ofcourse you'll never see me and my sacrifices because you're focused to something else." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng ilang butil ng luha mula sa aking mga mata. Binalewala niya lang lahat ng ginawa ko para sa kaniya. Ayokong manumbat pero gusto ko siyang sampalin ng katotohanan.

"I don't see you as a man? And why is that?" Saglit niya akong tiningnan sa mata bago siya muling yumuko at nagsalita.

"Hindi totoong mahal mo ako," aniya habang umiiling-iling pa.

"You can't even tell me why do you think that way! Mahal kita siyempre, kung hindi kita mahal eh 'di sana no'ng unang beses pa lang akong nakaramdam ng pagod eh 'di sumuko na ako. Pero tingnan mo, ilang beses na akong napagod pero andito pa rin ako." Pinilit kong hindi maiyak habang nagsasalita ako pero hindi ko nagawa dahil tuloy-tuloy ang pagbuhos ng aking mga luha.

"You didn't appreciate my efforts at all. How dare you point your finger on me? Bakit ako ang sinisisi mo when in fact all I really ever did was to truly love you. Stop being unfair. And one more thing, sinabi mo bang I can't see you as a man? No'ng una gano'n ang tingin ko sa'yo but now I realized that you're really not a man! You're not a man cause you don't know how to handle a girl." Patuloy pa rin ang pagbuhos ng masasaganang luha ang aking namamagang mga mata.

"Hindi mo nga ako nakikita bilang ako! You can't even give me anything while here I am exhausted, pagod na pagod na ako! Ubos na ubos na after I gave you every pieces of me. Durog na durog na ang puso ko at wala ka man lang pakialam. You only see me as your reader and supporter and not as your girl. Hindi mo naman talaga ako minahal, kasi hindi mo alam kung ano ang pagmamahal!" Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Basang-basa na ang aking mga pisngi.

"Naawa ka lang, fuck you! Nagkunwaring mahal ako kasi mahal kita? Naawa ka?!" Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita.

Sinampal ko siya nang malakas bago ko siya tinalikuran.

Loving his PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon