Chapter 11

146 9 0
                                    

chapter 11

Pagbukas ko ng pinto at nakita ko ang babaeng pusa na may dala dalang maleta. Napangisi ako. Umirap naman siya sakin.

Papasok na sana ako ng kwarto namin ni Travis nang hinarangan niya ako. Malamig ko siyang tinitigan habang hinihintay ang walang kwenta niyang sasabihin. I crossed my arms.

" Magpakakasasa ka ngayun sa pera niya pero darating yung araw na marealize niyang hindi siya bagay sa gold digger na katulad mo at wala kang kwentang asawa ! "

Napahikab ako at walang gana siyang tinitigan. " Tapos ka na? "

Tinuro ko yung pinto.

" Pwede ka ng umalis.."

Umasim ang mukha niya pero kalaunan ay ngumisi.

" Mark my words b*tch. He's not always yours. Darating yung araw ning isang buhok niya ay hindi mo na mahawakan.."

" Okay... done. Noted. You can go now.."

Kinuha niya ang maleta niya. Nakasunod ang mata niya sakin paalis hanggang magsara ang pinto.

Napabuntong hininga ako. Pumasok ng kusina at uminom ng tubig.

" Pwede mo akong maging daddy. You can call me 'dad'. If you really missed your father. " he said and chuckled.

Sinabayan ko rin ang pagtawa niya.

" Eh kuripot ka e! Yung daddy ko binibigay lahat ng gusto ko!" Pakikisakay ko sa kanya.

Tumawa siya.

" Sige kunwari nagtitipid yung daddy mo. Then...dinidisiplina kita. " sumimangot ako.

" Ede... ibig sabihin pwede mo rin akong paluin ?" natigilan siya. Sabay kaming natawa.

" Diba CEO ka ? "

" Yup!" buong pagmamayabang niyang sagot.

" Buti hindi ka busy! Mahirap ba maging leader ng isang kompanya? " i asked curiously .

Bigla kong naisip si Travis. Ano kaya yung pwesto niya. Siguro mataas rin dahil CEO yung kaibigan niya. Saan kaya sila nagkakilala?

Umiling siya. " Nope. Not really. I have secretary to arranged everything for me. "

" Ah." Tumango tango ako.

" E... Pano kung may mga projects or meeting kayo abroad? Hindi ka ba pumupunta? "

" I can send someone for the prodjects. Pagsa mga meetings naman... Bakit pa ako pupuntang abroad kung pwede naman silang pumunta dito. I'm the CEO, right ?"

Tumango tango ako.

" Ang swerte pala ng mapapangasawa mo."biglang lumabas yun sa bibig ko kaya lumapad ang ngisi niya.

" What i mean is-, "

" Ang swerte ng mapapangasawa ko?" ulit niya sa sinabi ko.

Tumango ako.

" Kasi may oras ka para sa kanya." Malungkot kong sabi.

Ngumiti lang siya sakin at ginulo ang buhok ko.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi nang makarinig ako ng kaunting ingay. Namumungay ang matang bumangon ako.

" Travis ?" mahinang tawag ko sakanya ng makita siya. Nakasuot pa siya ng puting pulo habang nasa harapan na naman ng kanyang laptop.

Ano oras kaya siya dumating? Hindi ko manlang napansin. Diba galing na siya sa trabaho? Ba't nagta- trabaho na naman siya ? Gaano ba talaga kahirap ang trabaho niya?

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now