chapter 18

127 8 0
                                    

chapter 18

" What the f*ck are you doing?" bulong ko lang nung tumalikod si Nana Luz.

"Hmm..eating?" sagot niya at kinagat yung tocino na parang normal lang.

Mas lalong nandilim paningin ko sa kanya.

" F*ck you! Umalis ka na nga?!"singhal ko.

" Sheila? Sinisigawan mo ba ang manliligaw mo?" si nana na bumalik na pala para bigyan kami ng juice.

Napaawang ang labi ko.

"Hindi! At ko siya manliligaw. Hindi kami close. Kaibigan lang siya ni gin." sabi ko at tumingin sa lalaking nakangisi ngayun sa harapan ko. Palihim ko siyang inirapan.

Napatingin si Nana kay Travis. "Ay! hindi ka pala manliligaw hijo?" Nagkasalubong ang mata namin ni Travis at tinaasan niya ako ng kilay.

Sasagot pa na sana siya ng magsalita ulit ako.

" Hindi nana, nagkamali po kayo atsaka bakla po...siya.." Ngumisi ako sa panghuli kong sinabi habang nakatitig sakanya. Napakunot naman siya noo.

Bumagsak ang panga ni nana at nanlalaking matang napatingin kay Travis.

" Ay hala! Kanugon na bata!? Ang gwapo gwapo mo hijo! Puti pala ang iyung itlog?!" naibuga ko ang juice na iniinom ko. Tumawa ng malakas. Napahawak pa ako saking tiyan.

Nakita kong nag igting ang panga niya halatang punong puno na siya sakin.

Nang mahimasmasan ako ay pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi. Natatawa parin.

" I'm not a--, " pinutol ko yung sasabihin niya.

" Nana , magdasal ka nalang na umitim ang kanyang itlog.." sabi ko sabay tawa ulit.

Tumingin ako kay nana nasa mata niya ang panghihinayang habang nakatingin kay Travis. Ngumisi ako. At pinakita ang malapad na ngisi sa lalaking kaharap ko. Tinitigan ko siya na parang sinasabing I-WON!

Napailing siya at hindi na nagsalita pa. Ngunit parang hindi pa tapos si nana sa kanyang sinasabi. At hinihiling ko na sana hindi na siya nagsalita pa.

" Sayang! Akala ko model ka hijo eh! Akala ko manliligaw ka na ni sheila eh. Wala pang pumupuntang lalaki dito. Ikaw palang!" Nakangising tumingin si Travis sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Yumuko at tinusok tusok ang hotdog gamit ang tinidor.

" Pero parang nakita na kita hijo? Saan nga ba? Parang nakita na kasi kita eh.." saglit nag isip si nana.

Napakunot ako ng noo. Nang maalalang may litrato nga pala kami ni Travis nung gabing ikinasal kami. Nala display lang yun sa bedside table sa kwarto ko! F*ck!

Naglilinis si nana dun!

Umangat ang tingin ko. Nakapikit parin si nana habang nag iisip.

" Myembro po siya ng isang banda nana. Kasali po siya sa ZOOM!" madaliang sabi ko.

Nagliwanag ang mukha niya "Ay oo! Ikaw pala yun, hijo? Hala! Sige kumain muna kayo. Mukhang naistorbo ko na kayo."huling sabi ni nana at umalis na.

Tumingin ako kay Travis. Nakita kong madilim parin ang kanyang tingin.

" So , saan ka dinadala ng mga lalaki mo sa hotel?" nagulat ako sa lamig ng kanyang tono.

" Ano naman yun sayo?" Nakuha ko pang umirap.

" Sa hotel ba? Huh? Sheila ?"

Nanlamig ako sa tanong niya. Parang nangingilid yung luha ko. He's a Savage. Ganun na pala kalayo ang tingin niya sakin. Parang nalang akong sakanyang kaladkaring babae na sumasama sa mga lalaki at dinadala kung saan saan. Parang pinipiga yung puso ko sa sakit.

The Heartless One ( Completed )Onde histórias criam vida. Descubra agora