chapter 27

134 9 1
                                    


Nanginginig ako habang nakatingin sa tatlong stick na hawak ko. Di ko namalayang unti unti na palang tumutulo yung luha sa pisngi ko. Pagod na sumandal ako sa likod ng pinto ng CR. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala.

Iniisip kung ano ba talaga ang plano ko. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko ng mag ingat. Hindi na ako nag iisa. Ano mang desisyon ko ay apektado na yung sanggol sa sinapupunan ko.

I badly want to tell him about this. But how? Pagkatapos mo siyang itulak palayo? Huh? Sheila?

My child deserves better. Hindi na dapat ako tumatakbo. Pero pano? No one's understand me. I'm sure they will judge me.... a whore , a slut . Sa dami ng nalandi ko. Basura nalang ang tingin nila sakin lalo na ang pamilya niya. Pagnalaman nilang buntis ako. Sigurado akong hindi nila ito tatanggapin.


"Na contact niyo na ba si Alex? "

"Wala e."

"Ikaw Sheila?"

"Sheila ? Hey!"

"Huh?" Napatingin ako sa dalawa na ngayun ay parehong nakatingin sakin.

"Tulala ka? Kanina ka pa ha? "

" Wala. May iniisip lang." Ngumisi ang dalawa.


"Lalaki na naman siguro yan." umiling ako


"Bakit? "

"Si Alex. Hindi ma contact."


"Pumasok naman siya kahapon ah?"


"Oo nga pero isang linggo siyang wala. Nagpakita naman siya kahapon pero hindi naman makausap. Parang wala na siya sa kanyang sarili. " nag aalang paliwanag ni Mhel.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa mga kaibigan ko.


"Medyo pumapayat rin siya. Napapansin ko."


"We should ask her." sabi ko at hinanap yung cellphone at sinubukan siyang tinawagan.


"Oh? Ano?" Bigo kong tiningnan ang dalawa na naghihintay.


"Wala e." Sabay na bumagsak ang mga balikat nila.


"Pupuntahan nalang natin siya mamaya. Sabay tayo , Sheila. Tapos diretso tayong Resto."


"Sama ako. " Mhelanie


Napakagat ako ng ibabang labi. "May pupuntahan ako eh."


Sabay silang napatingin sakin tila nagulat.

"Ipapahiram ko nalang sa inyo ang van ko. Magta- taxi nalang ako. May importante kasi akong pupuntahan."


"Pano ka? Pano ka makakauwi?"

Ngumiti ako. "Malapit lang yung bahay ko kumpara sa inyo. Tsaka pupuntahan niyo pa si Alex diba? Balitaan niyo nalang ako. "


Binigay ko kay Mhel ang susi.

"Sunduin mo nalang ako bukas. " Ngumiti siya at tumango.


"Ikaw , Sheila? Okay ka lang?"


"Oo naman. Bakit?"


"Kung may problema ka. Sabihin mo lang. Magkaibigan tayo , diba?"


Ngumiti ako at tumango. "Okay lang ako. Kaya ko pa naman."

"Congratiolation! You are 4 weeks pregnant Ms. Villaester. You need to be careful from now on. Lalo na mahina ang kapit ng bata. Avoid stress and take your vitamins regularly.."

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now