chapter 15

151 9 0
                                    

chapter 15

Pinunasan ko yung luha na tumulo sa pisngi ko. Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. Sirang sira na yung make up ko. Namumugto narin ang ilalim ng mata ko.

Hinawakan ko ang sing sing na nasa leeg ko. Kumuha ako ng lakas. Bahala na. Gusto ko siyang maka usap. Gusto kong humingi ng tawad sakanya. Kahit ilang minuto lang. Kaya kong lumuhod sa harapan niya ngayun. Kausapin lang niya ako. Maiintindihan ko kung galit siya sakin. Dahil kasalanan ko.

Ang importante sakin ay makitang okay na siya. Ang pagmasdan siya kahit malayo. Kahit di na ako. Kahit may iba na.

Hindi ko alam kong ilang oras ang itinagal ko sa banyo. Inayos ko muna ang itsura ko , naghugas ng mukha bago lumabas.

Pagbalik ko ay medyo kumunti na ang dami ng tao. Napatingin ako sa stage wala na yung banda tapos na yata sila.

Hinanap ng mata ko sina Shentel. Agad ko silang nakita sa gilid lumingalinga sila at nung gumawi ang tingin nila sakin mabilis silang lumapit.

" Bar tayo , sheila!" Aya ni shentel. Napakagat ako ng labi at nilibot ang paningin ko. Baka makita ko siya.

Ngunit wala na. Bumagsak ang balikat ko.

" Sige ba! "

" May naghahanap nga pala sayo kanina sheila. Ba't bigla kang umalis? " kuryusong tanong ni yana.

" Nag cr lang." simpleng sagot ko. Tumango tango naman sila.

" Wait lang...hintayin niyo muna ako dito. Magpapaalam lang ako sa pinsan ko."

Nakangiting tumango naman sila. Hinatak ko ang kahabaan ng hallway papunta sa opisina ni Gin.

Nang tumapat ako sa pinto ay nakarinig ako ng mga tawanan sa loob. Napahinto ako sa paghakbang. Biglang nanginig yung tuhod ko.

Nandito siya!

My husband damn here!

Pumikit ako. Nagbilang lang ako ng tatlo at walang katok katok na binuksan ang pinto. Biglang tumahimik ang buong silid sa pagpasok.

Agad kong nakita ang pinsan kong umiiling. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao sa aking gilid. Agad akong nagsisi. Bakit pa nga ba ako pumasok. Nakakahiya. Parang gusto ko nalang umatras. Pero huli na ang lahat kaya kahit nanginginig yung tuhod ko pinilit kong maglakad ng maayos palapit sa pinsan ko.

Hindi ako makatingin sa mga taong nakatitig sakin. Lalo na't alam kong isa siya sa mga taong yun.

" Hanggang ngayun hindi ka parin marunong kumatok?" may bahid ng sarcasmo niyang tanong.

Ngumisi ako at nagkibit balikat.

" Buti nagpasyahan mong pumunta dito?"

Napabuntong hininga ako. "Niyaya lang ako nina Shentel."

Napataas siya ng kilay.

" Yung mga kasama mo kanina?"

" Yea... Why?" Nandilim ang paningin niya kaya napakunot ako ng noo.

" They are bad influence to you sheila.." Tumawa ako.

" It should be other way around , Gin. Ako yung bad influence sa kanila.."

Nagkatitigan kami at syempre hindi ako nagpatalo. Sa huli ay napabuntong hininga nalang siya at napailing. Mas lalong lumapad yung ngisi ko dahil alam kong panalo na ako.

Biglang may tumikhim. Kaya naagaw ng atensyon namin ang lalaking tumapik sa balikat niya. And it's Travis!

Bumalik ulit ang kaba ko ngunit hindi ko yun pinapahalata. Nanatiling kalmado yung mukha ko. Nagkasalubong ang aming mga mata. Mas lalong nadudurog yung dibdib ko. Parang may bumabara sa lalamunan ko.

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now