Chapter 32

274 12 3
                                    



Sheila pov.

Tulala akong nakatingin sa maleta ko. Nakatayo sa tabi ng Airport.  Gusto ko nalang ulit umalis. Takasan nalang ulit kong anong meron ako ngayun. Dahil doon naman ako magaling diba? Sa pagtatago , pagtakbo at pagtakas sa lahat ng problema ko.

My life is a lie.... Naniwala ako sa kasinungalingan. Nabuhay ako sa kasinungalingan. Pakiramdam ko ubos na ako. Nabuhay ako sa galit. Galit sa isang taong di ko naman pala kaano ano.

I want to run away and start a new life in the place no one would judge me. Pagod na akong husgahan. Lumaki ako na hinuhusgahan ng mga tao sa kasinungalingang di ko naman ginawa. Sino ba sila para husgahan ako? Wala silang alam tungkol sakin.

Oo naglaro ako ng kaunti. Naging malandi ako. Pero dahil iyun ang paningin nila sakin mula pa noon. Hindi ko pa ginagawa hinuhusgahan na nila ako. Magiging ganun ako dahil malandi ang nanay ko. Well .. that girl ... She don't know me. Hindi niya hawak ang isipan ko. Para sabihin nilang magiging katulad nila ako. I have my own quality to describe my own personality. And no one know who truly am i... so no one have right to judge me.





Sumalubong sakin ang malamig na hangin paglabas ko ng Airport. Pagkatapos ng maraming taon. Dito rin pala ako babalik. Sinumpa ko na ang lugar na ito dati at nangakong di na ako aapak pa dito. But the world is playing with me. Maybe , our God giving me closure. Dahil alam niyang dito nagsimula ang lahat.

Sinalubong ako ng lamig ng Amerika. It's a first week of december. Nagyeyelo narin ang mga kalsada. I wonder kung may naghahanap ba sakin sa pilipinas bigla nalang ulit ako nawala. Sina Tam , Mhel at Alex. Siya ba ? Hinahanap niya kaya ako? Maybe 'yes' at galit na galit na naman siya sakin. Nangako akong di tatakbo. Nangako akong ipaglalaban ko na siya. Nangako akong di na aalis sa tabi niya. Pero binigo ko ulit siya. Maraming beses na.

All this years , akala ko manhid ako. I'm heartless. Yun rin ang akala sakin ng lahat. Pero this past few months. Naramdaman kong di pala. Nasasaktan parin pala ako. Tao parin pala ako. I've been waiting for this day. Yung maging malaya ulit pero bakit parang may kulang? May kulang na naman? Parang may naiwan ako na gusto kong balikan.

Di bale ng magulo. Di bale ng may gera. Basta kasama ko siya.... Yun ang nararamdaman ko. Parang gusto ko nalang ulit sumakay ng eroplano at lumipad pabalik sa kanya. Kahit alam kong malabo kahit alam kong galit na naman siya panigurado.

Gusto ko lang naman magpahinga. Dahil ngayun ay sarado pa yung isip ko. Babalik ako pag gumagana na yung utak ko. Dalawang linggo... Dalawang linggo lang ang binigay kong palugit sa sarili ko pagkatapos ng dalawang linggo babalik na ako at haharapin lahat ng tinakasan ko.



Dinala ako ng mga paa ko sa dati naming tirahan sa condo ni Travis. Di ko alam. Parang may sariling utak yung kamay ko at natagpuan ko nalang yung sarili ko yung passcod sa labas. Napaawang ang labi ko nung bumukas yung pinto.

Yun parin yung passcod niya? Napakagat ako ng ibabang labi. Malakas kabog ng dibdib ko habang humahakbang papasok.


Wala parin pinagbago. Buong condo niya ganun parin yung ayos. Yung mga painting na ako mismo ang pumili ay nandito parin. Ganito na ganito talaga ang itsura niya ng umalis ako dito. Parang kahapon lang nangyari lahat.

Napaupo ako sa sofa sa sobrang pagod habang nililibot parin ang paningin sa buong bahay. Ilang sandali pa ay pumasok na ako sa kwarto namin. Binagsak ko ang katawan ko sa malaking kama. Di ko namalayang nakatulog ako. Paggising ko alas 10 na ng gabi. Medyo nakakaramdam narin ako ng gutom.



The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now