chapter 23

185 6 0
                                    

Chapter 23

"So , what are we now?" Tanong niya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.

Nakatago lang ako sa kanyang dibdib hindi makatingin sa kanyang mata. Natatakot akong baka hindi ito totoo at panaginip lang lahat o sana nga hindi nga ito totoo at panaginip lang lahat dahil tuluyan na talaga akong bumigay.

Alam kong mali dahil wala pa siyang maaalala. Masyado akong nagpadalos dalos. Hindi ko inaasahan ang ganitong set up.

Kami pero hindi. Asawa ko siya pero di niya alam. Masyadong magulo.

Siguro ganun talaga. May mga bagay na minsan nakaplano na. Pero pinipili parin nating ibahin yun kahit wala naman konkretong dulo kung saan ito patungo.

Tulad ngayun sinimulan ko pero di ko alam kung pano na ito tatapusin.

Umangat ang tingin ko sa kanya. Malambot at namumungay ang kanyang mata habang nakatitig sakin. Alam kong hinihintay niya kung ano man ang maging desisyon ko.

"You refused to marry me. Tell me what we are , So , I know where I can stand in your life.."

Umiwas ako ng tingin.

"We're not together. I'm not ready yet for the commitment.." Bumagsak ang kanyang mata na tila nadismaya.

"You're serious?" Tanong niya sa mababang tono. Hindi ako sumagot. Ilang minuto uling katahimikan ang namayani bago ako dahan dahan umangat ng tingin sa kanya.

At agad kong pinagsisihan yun. Pinagsisihan kong tumingin pa ako sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Sinaktan ko naman siya. Sinaktan ko naman siya sa pangalawang beses.

Walang pinagkaiba. Nawala lang yung alaala niya pero ako parin yung dahilan kung bakit siya nasasaktan. Wala akong pinagkaiba sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.

"You really want to make me as your fuck buddy , huh?" His voice is too low and totally broke.

Yumuko ako. Itinago ang mukha ko sa puting unan. Sa unang pagkakataon ang sinasabi nilang bato ay lumuha rin. Hindi makayanan ang sakit ng sikat ng araw kaya naghahanap ng tubig na sasagip sa kanya. I found my self silently crying..

Tinatanong ang tadhana kung bakit hindi kami pwede. Kung bakit nasasaktan kaming dalawa pareho. Wala naman dapat problema. Pareho kaming dalawa ngayun na nasa iisang kumot at parehong nagmamahalan ngunit bakit parang mali parin. Bakit parang merong pader na nakaharang at hindi mabuksan buksan.

Nararamdaman ko ang kanyang pagbangon. Gumalaw ng kaunti ang kama. Habang ako ay nagtatago parin pinapakinggan na lamang ang munting ingay na nanggagaling sa kanya.

Nang mahimasmasan na ako at tuluyan ng natuyo ang mga luha ko ay doon na ako umangat ng tingin. Nakita ko siya sa dulo ng kama nakabihis na ang nagsusuot nalang ng kanyang sapatos.

Tumayo siya ng hindi nakatingin sakin at sinuot na ang kanyang jacket.

Tumingin ka sakin please...

I silently pray. Kahit alam kong malabo ngunit nagdarasal parin ako na sana sulyapan niya lang ako kahit isang segundo lang bago siya umalis. Bago niya akong tuluyang iwan. Pinihit niya na ang doorknob.

"Call me if you want someone to fuck.." Malamig niyang pagkakasabi bago tuluyang sinara yung pinto.

Parang hinahati yung puso ko sa sobrang sakit. Parang tinutusok ito ng kutsilyo ng paulit ulit kahit na durog na durog na.

I cried so loud when he left me. Wala ng pake alam kung may makarinig man. I hurt him so i deserve it anyway. I deserve the pain what i get. I love him so much but I can't have him...not now , not tomorrow and never .

The Heartless One ( Completed )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن