chapter 16

154 10 0
                                    

chapter 16

" Sheila! Let's dance!" aya sakin ni gerory.

Ngumiti nalang ako sakanya at sumenyas na susunod na lang ako. Para akong lanta at nawalan na ng gana. Nagawa ko pang iwan si Greg kanina.

Nasa tabi lang ako at umiinom. Nanunuod sa mga taong nagsasayawan. Pilit na bumabalik sakin ang mga nangyari kanina.

Ang pagkikita namin ni Travis. Posible ba talagang hindi niya ako naaalala? He's acting strange. Ang mga tingin niya'y hindi ganun tumingin sakin si Travis noon. My Travis is very gentle in everything...not like the Travis now...

Ipinilig ko nalang yung ulo ko at inubos ang natitirang laman ng basong hawak ko.

Yung nakakainis. Kahit anong layo ng pinagkaiba nila. Pareho nilang pinipiga yung puso. At kung malapit siya hindi ako makakahinga ng maayos sa sobrang sakit.

Sana katulad ko rin siya...

Ang kayang kalimutan ang lahat.

Yung kaya kong tumingin sa mga mata niya ng hindi ako nasasaktan. Sana mabagok na rin lang yung ulo ko na sa isang pitik lang mawawala ang lahat ng alaala ko. Nang mawala yung lahat ng sakit.

Kung sana kaya kong baguhin yung nakaraan kung saan hindi ko pa siya nakilala. Kung sana hindi ako nagpakalayo layo at napag isa nung gabing yun di sana hindi siya nakakuha ng pagkakataong lapitan ako. Di sana kami ikinasal sa isang iglap lang. Sana walang dahilan na nasasaktan ako ngayun.

Ang malas niya dahil napunta siya sa isang babaeng sasaktan lang siya. Napakaperpekto niya para mapunta lang sa isang babaeng sirang sira na katulad ko.

At ngayun wala nga siyang maalala. Ito siguro ang paraan ng Diyos upang baguhin ang lahat. Dahil nagkamali lang siya sa pagbigay kay Travis sakin.

Dahil alam ko hindi dapat ako. Lahat ng iyun ay isang pagkakamali. At isa narin lang alaala...

" Boring wala na naman daw yung prof! " reklamo ni Alex.

" Bakit daw?" tanong ni Mhelanie.

" Baka nagkakuto si kalbo!" tumawa ako. Tumawa rin ang kaklase namin sa panghuling subject.

Napailing nalang sina Tam and Mhel. Nag apiran kami ni Alex. Naningkit ang mata ng dalawa. Nag iwas ng tingin si Alex parang guilty. Ako naman ay tinaasan sila ng kilay nagpapaka inosente.

" Anong ginawa niyo?"

Nanlaki ang mata ko at natuptop ang bibig.

" Ha?! Ano ba ang ginawa ko?"

" Kilala kita..sheila."

" Hoy si alex yun!" Tinuro ko ang katabi ko. Nanlaki naman ang mata niya.

" Ano ako?! Ikaw kaya naglagay ng koto sa buhok ni kalbo?"

Nagkasalubong ang mata naming dalawa at nagtawanan. Napahawak pa ako saking tiyan sa kakatawa.

" Hindi naman kayo nakainom ng gamot niyo noh?" tanong ni Tamara.

Nagtaas ng kamay si alex.

" Umiinom ako ng gamot araw araw! Ikaw sheila?"

" Anong klaseng gamot ba? "

Tumayo ang dalawa at iniwan kami ni Alex. Sumunod naman kami sa kanila. Nakita ko nagbukas ng lollipop si Alex. Didilaan niya na sana ito ngunit inagaw ko ito sa kanya at pinasok sa bibig ko.

" Sheila!" Nagpapadyak siya.

Iniwan ko siya at hinabol sina Tamara at Mhelanie.

" Tapos niyo na ba yung report niyo kay Mrs. Singson?"

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now