chapter 14

121 8 0
                                    

chapter 14

Pagdating ko sa bahay ay nakatulog ako. Paggising ko ay alas syete na ng gabi at nag simula na akong mag ayos. Sandwich lang yung kinain ko for dinner since nagmamadali ako at sanay rin naman ako simula ng mamuhay ako ng mag isa.

Pag uwi ko ng pilipinas. Nalaman ko sa Family lawyer namin na may pera pa palang naiwan yung daddy ko sakin. At kahit sa mga dating negosyo namin kahit hindi na kami ang nagmamay ari ay may mga shares pa naman kami dun.

Ginamit ko yung ibang pera ko para bawiin yung bahay namin at nag invest ako sa ilang negosyo ni Gin. Bumalik ako sa pag aaral and proud to say next year ay gra- graduate narin ako sa wakas.

I'm using my father's name even i'm still married. At walang nakakaalam nun kahit sino. Kahit ang pinsan ko si gin. Iniwan ko ang Amerika kasama ang alaala ko sa kanya at kahit si Aviona ay di alam kung san ako nagpunta dahil bigla nalang ako nawala. Ang mga nakaraan ko ay para nalamang alaala para sakin.

Dahil ako lang ang nakakaalam kaya pakiramdam ko minsan ay hindi yun totoo at panaginip ko lang lahat. Lahat ng yun ay imahenasyon ko lang..

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at wala sa sariling napapikit. Hinawakan ko ang bagay na nasa leeg ko. Itong bagay nalang yung pinanghahawakan ko. Dito nalang ako kumukuha ng lakas. Ito yung pruweba na totoo lahat ng yun. At hindi kathang isip ko lamang..

Same night that he confessed. Same night that we made love and the same night he gave me this ring.

Kaunting panahon ko siya nakasama. Kaunting panahon ngunit hindi ko pinagsisihan.

Natagpuan ko yung sarili ko sa harap na naman ng bar. Dito ako pumupunta tuwing naaalala ko siya. Dito ako pumupunta sa t'wing malungkot ako. Ang mag saya para makalimutan lahat ng sakit.

Binati ako ng makakapal na usok. Makakabasag tengang musika at mga taong nagsasayawan sa gitna. Na katulad ko ay nandito rin para magsaya. Ilibang yung sarili nila. Dahil alam ko katulad ko meron rin silang problema na gusto nilang takasan.

" Sheila here! " kahit malakas yunh tugtog ay rinig ko ang pagtawag ng pangalan ko sa malapit na table.

Mula sa barcounter ay napatingin ako dun. Nakita ko ang mga kaklase ko sa ilang subjects. May kasama silang ilang lalaki at mga bakla. Lahat sila ay nakatingin sakin. Kaya kahit ayaw ko man lumapit nalang ako. Ayaw kong magmukhang snobber!

" Gerory , Yana , Shentel !" tumayo silang lahat.

Ang mga kaklase ko ay lumapit sakin at nagbeso- beso.

" Hey guys! This Sheila Villaester our classmate!" Isa isa silang naglahad ng kamay.

" Hi! Nice finally meeting you, sheila. Lagi kitang nakikita dito sa bar pero hindi kita malapitan." sabi ng isa sa kasama nilang lalaki.

" By the way ..I'm Greg Intigan." may ngiting tinanggap ko ang kanyang kamay.

" You're quietly famous , shei. I'm Romeo." kumindat siya. "Can you be my juliet?" Nagtawan kami. Binatukan naman siya ng isang kasamahan niya.

" Are you perhaps related to Gin? Villaester? " kuryusong tanong ng isa.

" He's my cousin."

Napaawang ang labi niya. "Wow! Really?"

Matapos magpakilala ay nagtagal muna ako sa kanila ng ilang minuto at nakisama pa sa iba. Sinubukan ko ring makipag sayaw at makipagkwentuhan sa ilang lalaki. Hindi ko narin mabilang kung ilang shots na yung nainom ko.

Kanina ko narin napapansing tumutunog yung cellphone ko pero binabaliwala ko lang.

Three in the morning...napasyahan ko ng umuwi. Kahit lasing ay nakapagdrive at nakarating naman ako sa bahay ko ng maayos.

The Heartless One ( Completed )Where stories live. Discover now