chapter 17

139 7 0
                                    

chapter 17

" Nalate ka yata sheila? " puna ni mhel.

Nagkibit balikat lang ako at umupo na sa tabi niya. Nilaro ko yung ballpen ko at nagbasa ng ilang notes ng mapansin ang katahimikan. Nilibot ko yung paningin ko at napakunot ng noo.

Siniko ko yung katabi ko. "Wala si Alex?"

" Iwan...wala yata. Akala ko hindi ka narin papasok e." sagot ni mhel.

Napakunot ako ng noo. "Nag text siya sayo?" umiling siya.

Lumingon ako sa likod ko kung saan nakaupo si Tamara.

" Tam , nag text sayo si alex?"

" Hindi , ano bang nangyari? Kayong dalawa ang huling magkasama kahapon ah? "

" Baka na hang over? " sabat ni mhel.

" Hindi siya nalasing iniwan niya ako e."

" Baka pinagalitan.. Tinakas mo kasi!" sabi ni Tam sabay batok sakin.

Napabusangot ako. "Aray! Siya kaya ang tumakas!"

Binuksan ko yung cellphone ko baka sakaling nagtext siya pero wala akong natanggap. Hanggang dumating yung prof ay panay tingin ko sa pinto baka sakaling dumating siya...pero wala. Hanggang sa panghuli naming subject.

Bakit parang masama ang kutob ko dito? Ipinilig ko yung ulo ko. Baka siguro napaparanoid lang ako. Baka tama sina Tam baka pinagalitan o hang over dahil hindi sanay uminom?

Tatlong araw siyang absent pero nung bumalik siya ay para lang walang nangyari. It's really weird dahil hindi naman umaabsent si Alex. Kung umabsent siya'y nagte- text siya samin. Pero tatlong araw siyang wala ning isang text ay wala kaming natanggap sa kanya.

Ngunit nung bumalik siya ay maraming nagbago. Hindi na siya bantay sarado tulad noon. At nawala narin ang sundo niya. Nakakasama narin siya saking gumala at ako narin ang naghahatid sakanya pauwi.

Palaging narin kaming pumupunta ng Resto bar ni Gin. Pati sina Mhel at Tamara ay sinama ko narin doon. Kumanta pa si Tamara sa Stage kasama ang ZOOM ka- duet niya si Drek.

Maganda yung boses niya kaya walang pag aalinlangang kinuha siya ni Gin upang kumanta sa Resto. Sa ilang linggong pagpupumilit ko sakanya ay pumayag narin siya sa wakas.

Ngunit sa ilang linggong pagpunta ko sa Resto palagi kong iniiwasan na mapag isa kami ulit ni Travis tulad ng nangyari nung gabing yun.

Hindi maiwasang makapag usap kami. Lalo na't kaibigan siya ni Gin. Sa t'wing nakikipag usap ako sa banda o kay Gin ay nakikisali siya kaya minsan di ko maiwasang barahin siya. Lalo akong ginaganahang gawin yun dahil kapag binabara ko siya laging namumula yung mukha halatang pinipigilan niya lang yung sarili niyang sumabog.

I want him to hate me to the edge. Dahil yun lang ang paraan para tumibay yung pader na nasa pagitan namin.

Ang mainis siya sakin. Yung ayawan niya ako. Yung lumayo siya. Dahil yun lang ang tangi kong paraan para maiwas siya sa sakit.

Linggo nagyaya yung manliligaw ko isa sa mga kaibigan ni Gin na kumain sa labas. Pumayag ako hindi dahil gusto ko. Pumayag ako para magkaroon ako ng rason na wag sumama sa pinsan ko kasama ang buong ZOOM sa bahay niya for celebration.

Saktong 5 pm may nag doorbell sa bahay ko. Dali dali ko itong binuksan at bumungad sakin si Andrew. Nakangiti siya at ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang bulsa.

Kinuha niya yung bag na dala ko at siya rin ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sakin.

Andrew is an enginer...pero siya yung nagta- take over ng mga negosyo. He left his passion for the business. Kahit hindi madali at ginawa niya yung upang gampanan ang tungkulin niya sa kanyang mga magulang.

The Heartless One ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora