PROLOGUE

2.1K 89 6
                                    

PROLOGUE

"LET's play a game tonight. This will be our final activity," nakangisi niyang anunsyo at hinaplos ng hintuturo ang napakatalim na kutsilyo na hawak niya. Napalunok ako dahil sa nararamdamang kaba. Nakarinig na ako ng iyakan mula sa mga kaklase kong takot na takot na rin.

"Fuck you! Ano bang ginawa namin sa'yong masama para ganituhin mo kami? Hayop ka!"

"Kasi lahat kayo ay makasalanan at kailangang mamatay?" sarkastikong sagot niya dahilan para mas kumabog ang dibdib ko.

"Wala kaming kasalanan!" giit ko at pilit tinatagan ang loob. Nanginginig na ang buo kong katawan.

"Sabihin na lang natin na wala kayong kasalanan. Pero kayo ang magbabayad sa kasalanan na ginawa nila!" nagtiim-bagang siya. Napaatras ako at paulit-ult na ring napasinghap.

"Now, if you badly want to go out here alive and breathing, play the death game with me," hamon niya at pinaglaruan ang hawak na patalim. Mayamaya ay itinapon niya sa harapan ang isang bag na naglalaman ng iba't ibang klase ng patalim.

Napaiyak na ako dahil mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"There are no rules in this game. You can't find the way out together. Each of you must strive for survival. Because only one can make it out alive."

Dahil sa sinabi niya ay nagkatinginan kaming lahat. Nakikita ko sa mga mata nila ang takot at pagkabahala. Napapikit ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Please don't do this to us. Pwede naman nating---"

"I'm giving you one minute to choose your own weapon for defense. So that you can now kill your rivals. In one, two, three..."

Bago pa siya makapagbilang ay naging mabilis ang kilos ng mga kaklase ko at sinunggaban ang mga patalim sa harapan namin. Nagtulakan sila at ang iba naman ay tumakbo na palayo para makatakas.

Napaatras ako habang umiiyak. Napahawak ako nang mahigpit sa bulsa ko at hinugot mula roon ang swiss knife. Nanginginig ko itong inangat pagkuwa'y tinitigan.

Pinagmasdan ko silang nagpapatayan. Sinasaksak ang isa't isa. Napakarami nang dugo sa sahig.

"Ikaw, Khirl? Wala ka bang balak mabuhay at protektahan ang sarili mo?" Nakarinig na ako ng boses sa bandang likuran ko. Mas napaiyak ako.

Agad akong umiling.

"O takot ka lang mabahiran ng dugo ang birhen mong mga palad dahil ayaw mong sumunod sa yapak ng ate mo?" Naikuyom ko ang kamao dahil sa narinig.

Sa isang iglap ay nabuhay ang galit na nararamdaman ko at hinawakan nang mahigpit ang swiss knife at uundayan sana siya ng saksak nang hagipin niya ang braso ko.

Matatalim ang mga titig niya.

"So sad that I am not the one who's gonna kill you tonight. This is your chance to run." Binitawan niya ang braso ko. Agad akong napaatras sa kanya.

"Run for your life, Khirl. They will kill you," banta niya at humalakhak.

Para akong batang nawawala at nagtatakbo sa napakadilim na pasilyo ng eskwelahan habang tinatakasan ang mga kasamahan kong gusto na rin akong patayin. Rinig ko pa ang nakakakilabot niyang tawa.

Pinagtatawanan niya kami. Ginawa niyang isang malaking laro ng kamatayan ang buhay namin sa loob ng eskwelahang ito.

***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now