CHAPTER 1 - GIRL IN TROUBLE

1.6K 65 13
                                    

CHAPTER 1

DETENTION GIRL


"KHIRL, naririnig mo ba ako? Khirl, turn that off! I'm talking to you!"

Padabog  kong ibinaba ang suot na headphone at saka hinarap si tanda na nakasalubong na ang dalawang kilay sa akin. I look at him with fiery face. Sa likuran naman niya ay si ate Marie na mukhang nag-aalala na naman dahil sa magiging resulta ng confrontation na ito. Siya lang naman lagi ang nag-aalala na mag-away kami ni lolo. Sa kanya, wala na namang bago rito. Alam niyang malaki talaga ang galit ko sa matandang ito. Iyong galit na to the point kaya na akong ipatapon ng matandang 'to sa malayong lugar at huwag nang pabalikin rito sa bahay  kahit kailan.

"Just leave. I do not want you here entering my room. It's against privacy!" asik ko pa pero nagulat ako nang hampasin niya ang study table. Dahil sa malakas na paghampas na ito, natumba mula roon ang babasaging flower base. Buti na lamang at naroon si ate Marie upang saluhin kung hindi ay mababasag ito nang tuluyan at mas lilikha pa ng ingay. Nakakahiya na sa kapitbahay.

"Who told you to answer me like that?! Alalahanin mong lolo mo pa rin ako!" Akma niya akong sasampalin pero agad siyang napigilan ni ate Marie.

"Huwag mo 'kong pigilan, kailangang maturuan ng leksyon ang batang 'yan!" sigaw pa nito dahil sa galit sa akin.

"Really? Is that how you teach me lessons? I'd rather go to school and learn on my own than staying with you, old man." I may sound impolite but he deserves to be treated like this. I hate him, I hate them so much.

"Really, Khirl Irish? Are you so sure you're learning in school? Or you just sneaking out with your friends doing vices?"

I glared at him in disbelief.

"Whoa, anong akala mo sa akin? Idol ang apo n'yo? Please, huwag n'yo akong igaya sa kanya. Hindi ko bisyo ang pagpatay," sagot ko sa pabalang na tono.

"Nasa pamamahay kita kaya dapat lang na sundin mo ako. Kung ayaw mong pinapasukan lahat ng desisyon mo sa buhay, you are free to go, Khirl. Ewan ko lang kung may tatanggap pa sa'yo." Napangiti ako nang mapakla habang nakatitig sa kawalan.

"Iniwan ka na ng mommy mo, ang daddy mo sinukuan ka na---" pagpapatuloy pa niya pero pinutol ko na ito.

"Just shut up! Hindi nila ako sinukuan! They were murdered!" tili ko dahil sa inis at pinagbabato siya ng kung anong mahawakan ko. I even throw him my headphone. This time, si ate Marie naman ang lumapit sa'kin para pigilan ako sa ginagawa ko.

"I came to give you these," nagtitimpi ang boses niya at itinapon sa harap ko ang class card ko na puro red marks ang laman. "How mannerless you are, Khirl. I never thought Paulo would raise a daughter like you.  Dapat maputol na 'yang sungay mo habang maaga pa."

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa nararamdaman kong hinanakit ngayon. Gusto ko nang sumabog. Gusto ko nang magwala, kung hindi lang ako yakap ni ate Marie. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at mapapikit. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni lolo.

"Pagsabihan mo ang batang iyan, Marie. Hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa ng batang 'yan, mapa-dito at mapa-school." Pagkatapos noon ay wala na akong narinig pa mula sa lolo kundi ang mga yabag niya palabas ng kwarto. Malakas niyang isinarado ang pinto at naiwan kaming dalawa ni ate Marie sa loob.

Saka lamang lumakas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan. Humigpit ang yakap sa akin ni ate Marie. Nakarecover naman agad ako mula sa pag-iyak at pinunasan ang luha. Ayokong may nakakakita sa'king umiiyak. I pity myself so much for  being pathetic. Pero ewan ko ba, may kung ano ata sa yakap sa'kin ni ate Marie. It triggers me to cry my heart out.

Si ate Marie na hindi ko kadugo pero naiintindihan ako kung bakit ako nagkakaganito. Si ate Marie na handang ipagtanggol ako at saluhin ako even in my lowest point in life. Natawa ako nang punasan niya ang mga luha ko gamit ang manggas ng suot niyang T-shirt.

"Huwag ka nang umiyak d'yan. Sige ka, papanget ka lalo," pagpapatahan niya sa akin kaya mas natawa ako. Napadako ang tingin ko sa hawak niya, ang class card ko.

I'm such a disappointment.

"Huwag mo nang pakaisipin ang mga sinabi sa'yo ng lolo mo. Para rin naman sa'yo lahat ng ginagawa niya. At eto?" Iwinagayway niya ang class card ko sa ere. "Bumawi ka na lang sa susunod. Alam kong may igagaling ka pa. Alam kong may talino ka, tamad ka lang ilabas."

Napasinghot na lamang ako at napatungo.

"Maligo ka na, male-late ka na for school.  Dali na."

Tiningnan ko ang nakangiting mukha ni ate Marie. Nakita ko kung gaano kalaki ang tiwala niya na magbabago rin ako, na ang galit ko sa lahat ay mawawala rin. Nakakalungkot lang, na palagi ko na lamang siyang binibigo.

"Sige na, ligo na. Ihahanda ko na ang breakfast mo." Ginulo niya ang buhok ko at nagsimula nang ayusin ang higaan ko.





"Do good at school today, Khirl. I'm watching you." Napairap na lamang ako nang maalala ko ang pahabol ni lolo sa akin bago ako bumaba ng kotse. Why would I even listen to that old man? Ipinilig ko ang ulo ko. Ayoko nang maalala 'yon. Bakit nga ba pumapasok pa sa  utak ko ang mga pangyayaring ayoko na maalala?

I compose myself. Pagkatapos ay saka lamang kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa room namin ngayong umaga.

Pagpasok ko pa lamang sa gate ay napalingon ako sa papalayong kotse ni lolo at napangisi. Umatras ang mga paa ko at naglakad papunta sa ibang direksyon kung saan naghihintay ang barkada ko.

Sa likuran ng punyetang eskwelahan na ito.

Pero bago pa ako tuluyang makarating sa likod ay hinarangan na ako ng tatlong estudyante. Isang lalaki na may bitbit na baseball bat at ang isa naman ay walis-tambo. Sa gitna nila ang reyna-reynahan na si Elli habang naka-cross arm.

I clenched my jaw and smirked at them.

"Ano na namang problema n'yo?" tanong ko. Sira na nga ang umaga ko, mas sinira pa ng mga damuhong na ito.

"Ikaw. Gusto ka na naming burahin sa eskwelahang 'to." Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Palagi na lang nila akong target. Pagod na ako sa pagtitimpi.

"Ah, talaga? Good thing dahil parang kailangan kong mag-stretching. Umaga pa naman at gusto kong magpa-pawis," sarkastiko kong sambit at hinagis sa kung saang direksyon ang bag ko. Nagtitigan kami at naghihintayan kung sino ang unang aatake.

I know ate Marie would hate me for doing this again. But I just can't pass by and let them beat me to death. I must teach them lessons too.

One versus three. Naghanap pa nga ng kakampi ang bruhang ito.

"Brave girl, huh. Too bad you didn't save your parents in the hands of your sister." Nagtiim-bagang ako at sinamaan siya ng tingin.

"You, bitch!" Hindi na ako nakapagpigil at sinunggaban na siya. Hinila ko ang buhok niya at kinalmot. Ingungudngod ko na sana ang mukha niya sa basurahan nang makaramdam ako ng sakit sa bandang likuran ng ulo. Naulit pa ang paghampas ng matigas na bagay. This time, nanunuot na sa loob ng ulo ko ang kirot. Nakakahilo.

Hanggang sa dumilim ang paligid.



***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now