CHAPTER 8 - HEY, JUDE

588 44 7
                                    

CHAPTER 8






HEY, JUDE





OTOMATIKONG nagsigawan kami nang maging mabilis ang hakbang na taong nakasuot ng raincoat palapit sa kinaroroonan namin.

"Bilis! Takbo!" sigaw ni Caleb at hinatak na ako palayo samantalang nasa unahan na rin ang iba at kumakaripas na ng takbo. Halos matapilok na kami dahil wala na namang silbi ang liwanag ng flashlight namin. Hindi kami tumitingin sa dinaraanan.

Pagkarating sa gate ay kinalampag ito ng balisang si Marco at napamura.

"What now?!"

"Tangina, sinong naglock nito?!"

"Shit! Ayan na siya!" natatarantang sambit ni Lunette habang nakatitig lamang sa kadiliman na pinanggalingan namin. Para kaming mga langgam na nagtipon-tipon sa nakasaradong gate at wala nang aatrasan.

"Sumagot kayo! Sinong naglock sa inyo?!" sigaw pa ni Marco kaya sinamaan ko siya ng tingin at sumagot.

"Can you calm down?! Nobody locked the gate! Sabay-sabay tayong lumabas, hindi ba? Imposibleng nasa atin ang naglock niyan!"

"Taragis talaga!" Naihilamos ni Jhansen ang palad sa mukha at muling kinalampag ang nakakandadong gate ng eskwelahan.

"Cartel, do something," kinakabahan kong saad sa kanya. Bakas sa mga mata niya na hindi rin niya alam kung paano at sino ang nakapaglock ng gate na kanina lamang ay iniwan namin na nakabukas.

"There could be another way in but I am not sure," aniya at napakagat-labi.

"Potangena, legit andiyan na siya! Akyat na mga depungal!" sigaw ni Marco at nanguna sa pag-akyat ng napakataas na gate. Dali-daling nag-akyatan ang mga boys na kasama namin pati na rin sina Lunette, Lenzy at Riel na hindi na alintana kung mahulog o magasgasan man sila.

Dito ko napatunayan na lahat ay hahamakin namin matakasan lang ang kamatayan.

I curse in between my struggling to climb the rusty old gate of Eldritch. Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa kong makaakyat dala na marahil ng adrenaline rush at ayoko ring mamatay.

Paulit-ulit akong napalunok. Inilagay ko na sa may leeg ko ang flashlight para magamit ang dalawang kamay na pansuporta. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Ang iba sa amin ay ligtas nang nakababa sa kabila. Nakahinga ako nang maluwag dahil roon.

"Here, take my hand," alok ni Caleb na siyang ikinagulat ko. Pero mas nagulat ako nang hagipin ni Cartel ang isa kong kamay at siya na mismo ang tumulong sa akin para mas makaakyat.

Pawisan at humihingal akong lumagpak sa sementadong sahig kasama ang iba pa. Nakita ko si Cartel na kinalampag ang kandado mula rito sa loob.

"Someone locked it from here," mahina niyang sambit at nagdilim ang paningin.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Wait, are you guys sure that we left no one behind?" bulalas ni Lunette dahilan para mapabilang ako nang di oras sa mga kasama ko.

Napalunok ako. We were ten.

"Why are we only nine now?" tanong ko na siyang ikinatahimik nilang lahat.

"Who the fuck is missing?"

"Shit," mura ni Marx at nanlalaki ang mga matang napalingon sa nakasaradong gate. Hindi man klaro sa pandinig namin ay boses ng lalaki ang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Mula ito sa labas.

"It's Jude!"

"Oh my God!" Natutop ni Riel ang bibig upang maiwasan ang malakas na pagtili.

Hindi na nakapagpigil si Jhansen at sinugod ang gate. Akma na sana niya itong bubuksan para balikan si Jude nang undayan naman siya ng suntok ni Cartel. Bumagsak siya sa sahig sapo ang sumasakit na panga.

"Please, huwag naman kayong mag-away ngayon!" suway ni Lenzy na umiiyak na. Tinulungan Marx na makatayo si Jhansen.

"What are you going to do? Open the gate for the killer to enter? Fuck off!" sigaw ni Cartel at susugurin na muli sana si Jhansen nang pigilan na siya nina Caleb at Marco.

"You, selfish! Jude's in danger!" bulyaw pabalik ni Jhansen.

Nakarinig kami ng pukpok mula sa labas. Mayamaya ay ang pagsinghap. Napapikit ako at kumagat-labi.

I know it's Jude.

"D-Did someone k-kill him?" nangangatal na tanong sa akin ni Riel kaya napayakap ako sa sarili ko habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid.

Akala ko ay matatapos lamang sa isang katahimikan ang lahat ngunit umalingawngaw ang sigawan namin matapos may magbato sa amin ng isang putol na paa kasunod ang pugot na ulo.

"P-Pota!" nandidiring sigaw ni Marco at napaatras.

"Oh holy shit! It's Jude's head!"

Hindi na ako nakapagpigil at kumaripas na ng takbo pabalik sa dorm namin. Ramdam ko ang mga yabag nila na sinundan ako papasok. Wala na akong pakialam pa. Ang tanging naririnig ko na lang ngayon ay ang malakas na tambol ng puso ko at tila lumulutang na ang aking mga paa sa pagtakbo.

"Khirl, wait for me!" I heard Caleb screaming my name. But I never dare to turn my head anymore.










NASAPO ko ang sumasakit na ulo at naihilig ito sa bintana habang nakikinig sa professor namin. Kanina pa ito nagtuturo pero wala akong maintindihan. Lumilipad ang utak ko pabalik sa likod ng eskwelahan. Binabangungot pa rin ako ng mga nangyari kagabi.

Kung saan nakita namin ang pugot na ulo ni Jude. Nag-e-echo pa sa pandinig at utak ko ang mga sigawan namin.

Napasinghap ako at ipinikit ang mga mata.

Probably Jude's missing body parts were found by now. I am not really sure. If only we have the guts to save him that night.

Napakislot ako nang makarinig ng phone vibration.

Kakapain ko na sana ang bulsa ng palda ko nang marealize na kinumpiska nga pala ang mga gadgets namin.

It's from our professor's phone. Dali-dali niya itong sinagot at lumabas ng classroom.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon upang tingnan isa-isa ang mga kaklase ko. Halos lahat sila ay wala sa sarili. Nakaub-ob na ang ibang boys. Tulala si Caleb na nakaupo sa unahan. Si Cartel naman ay hindi maipinta ang pagmumukha habang nakahalukipkip sa assigned seat niya.

Napakatahimik ng lahat.

Kulang na kulang kami sa tulog pagkatapos ng nangyari.

Nagulat ako sa biglaang pagtabi sa akin ni Halcy na kalmado lang ang mukha. Sabagay, wala itong kaalam-alam na muntik na kaming palakulin ng lintik na naka-raincoat na iyon at hindi man lang namin nailigtas si Jude.

"What happened?" kaswal niyang tanong. Ayoko na siyang sagutin at sabihin ang totoo nang sumabat si Lunette sa usapan namin. Namumugto pa ang mga mata niya.

"There's something wrong. Jude's body is missing. Including his head," namumutla niyang saad kaya napatingin ako kay Halcy. Nakatitig na rin ito kay Lunette at nakaawang ang bibig.

Sa puntong iyon ay napalunok ako nang paulit-ulit dahil pakiramdam ko'y may nakabara sa lalamunan ko.





***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon