CHAPTER 14 - WINK MURDERER, KILL

567 39 1
                                    

CHAPTER 14


WINK MURDERER, KILL




"ARE you sure kaya mo nang um-attend ng regular class ngayon?" paniniguro sa akin nina Lunette kaya tumango lamang ako habang naglalakad patungo sa classroom namin.

"Wait, what's up with you, Riel and Mourine? Pansin ko kahapon pa kayo mailap sa isa't isa. Nag-away ba kayong tatlo?" Dahil sa sinabi niya ay saglit akong napatda sa pintuan ng silid-aralan namin nang masulyapan sina Mourine at Riel sa kabilang sulok ng classroom.

Parang walang nangyaring ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Wala naman. Baka hindi lang talaga maganda ang mood ng bawat isa sa amin," ani ko at dire-diretsong umupo sa assigned seat ko. Pansin ko pa rin ang pagtataka nila sa ikinikilos naming tatlo pero hindi na naman nila kailangang malaman ang nangyari.

Mas magkakagulo lang ang lahat. Lalo na at hanggang ngayon, hindi pa rin alam kung sino ang may kagagawan ng nangyari kina Jhansen at Jude. And of course, that's definitely not me!

Mayamaya pa'y dumating na rin ang professor namin. Isang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa amin. Tingin ko ay bago pa lamang siya rito sa Eldritch base sa edad niya.

Napalingon ako sa mga kaklase kong babae at halos magkorteng puso na ang mga mata nila dahil may hindi maitatangging may hitsura naman talaga ito. Magagaan ang ginawa niyang paghakbang papasok sa classroom. May malapad itong ngiti sa labi bitbit ang isang hindi kalakihang kahon.

Napataas ang kilay ko.

"Are you the Naomhaich section?" tanong niya. Nagsitanguan kami. Pinasadahan niya kami ng tingin na parang binibilang at agad umiling.

"Awts, so the two missing dead belonged here," may panghihinayang sa boses niya at isa-isa kaming tiningnan. Halos magsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. He's pertaining to Jude and Jhansen if I am not mistaken. Anong alam niya sa pagkamatay ng dalawa?

Napakurap ako matapos siyang pumalakpak para kunin ang atensyon namin.

"By the way, I am Allyson Hendrick Macatuno but you can just call me sir Ally," masaya niyang paliwanag sa amin. "I am new here. I bet you are, too."

Napakislot ako nang maramdaman ko ang pagsundot ng kinikilig na si Lunette sa tagiliran ko. Halos mapangiwi ako. Muntikan na kasi niyang mahagip ang dulo ng sugat ko at napakasakit pa rin.

"And today, as I open our discussion, let us play a very short game that you will definitely enjoy. This game is called Wink Murderer, Kill!" His energetic voice awakens our sleepy souls. Bigla kaming umayos ng upo at nakikinig na sa kanya.

Agad nagtaas ng kamay si Lunette kalakip ang napakalapad na ngiti sa labi. Halatang kinikilig ito sa teacher namin.

"Sir, tanong ko lang kung kasali ka sa laro?" Nagkantyawan ang lahat kaya naiiling na napangiti si sir pagkuwa'y tumango.

"Sure. And this is how we play the game," panimula niya kaya tutok na tutok kami sa kanyang sasabihin.

"Since everyone has already seated, the first thing we only have to do now is to choose who among you wants to be the detective? The detective will leave the room for a while," saad pa niya kaya natahimik kami.

Marx raised his hand awkwardly. Tumango si sir sa kanya.

"Just leave for a while so we can do the second step. Come back here after three minutes," utos niya. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Marx at lumabas nga ng classroom namin. Halata namang kanina pa niya gusto lumabas.

Matapos makaalis ng detective ay binalingan muli kami ng tingin ni sir.

"While he is out, this our time to select one person to be the murderer. Para maging exciting, you all have to draw a strip of paper here in the box, so we wouldn't have the idea who's the killer among us." Napangisi ako dahil nakaka-excite nga. Inalog-alog niya ang kahon na naglalaman ng mga pirasong papel.

"The next thing we will do after we draw the paper, the murderer will begin now to murder people one by one only by winking at them. When you are winked at, you die a horrible death by falling dramatically onto the floor and remaining emotionless."

"The detective will try to discover who the murderer is before everyone dies; however, the other players will try to prevent the detective from correctly guessing the murderer."

"Whoa," bulong ko at namamangha kahit deep inside, parang hindi maganda ang kutob ko rito. Ewan ko kung bakit kinakabahan ako.

Muli akong sinundot ni Lunette at bumulong.

"Heto na ang pagkakataon para makindatan si sir!" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman masyadong halata na crush na niya agad si sir kahit ngayong araw lang niya nakilala.

"Okay, here we go. Draw now!" Ipinasa niya ang box kay Cartel at bumunot na siya ng papel. Napasulyap ako sa kanya. Mukhang bored na bored ang mokong sa palarong ito ni sir pero himala at hindi siya ngayon nagrereklamo.

Nang matapos makakuha ng sari-sariling naming papel, tiningnan ko na ang akin. Hindi naman ako disappointed na ang napunta sa akin ay ang papel na naglalaman ng 'player' lang. At least, pwede akong maging impostor.

"Let's start now!" anunsyo ni sir at pumasok na muli si Marx.

Gumawa kami ng circle at magkakaharap para makita ang isa't isa. Ang iba sa amin ay hindi na kumukurap, huwag lamang mapagbintangan na sila ang murderer.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Ako, si Lunette, Lenzy, Halcy, Riel, Marco, Mourine, Cartel, Caleb pati si sir lang ang player rito. Hindi ko na isinama si Marx dahil siya ang detective. Kung ganoon, sino sa amin ang murderer ng laro?

"Badtrip! Wala bang aamin sa inyo?" bulalas ng naiinip nang si Marx kaya nagtawanan sila.

Napabuntong-hininga ako dahil nagiging boring na ang laro. Walang gustong magpatalo.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Lenzy na parang balisa at kanina pa tahimik. Mailap rin ang tingin nito sa aming mga kaklase niya. Halos matawa ako.

"Hey, huwag kang maparanoid. Laro lang naman ito," pagpapakalma ko sa kanya. Nakita ko ang pangangatal ng kanyang mga labi at nanginginig na rin ang mga kamay habang hawak ang piraso ng papel.

Sa puntong iyon ay hindi ko na mapigilang mapakunot ang noo.

"Lenzy? Are you okay?" tanong ko pa.

Nang tumingin siya sa akin ay may luha na sa kanyang mga mata. Umawang ang bibig niya na tila may sasabihin. Maputla na ang labi niya.

Sa isang iglap, nagsigawan kami matapos siyang mangisay at bumula na ang bibig. Napuno ng tili at sigaw ang buong classroom lalo na nang bumulagta si Lenzy sa sahig.


***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now