CHAPTER 11 - FRAMED-UP

569 43 1
                                    

CHAPTER 11


FRAMED-UP





"HOW's Mourine?" pangungumusta ko kina Caleb at Riel na siyang nasa labas ng school clinic. This time, kalmado na ako.

"She's fine. Kaso wala pa ring malay. Buti at hindi pa tuluyang kumalat ang lason sa katawan niya." Si Riel ang sumagot. Napatitig ako sa nakasaradong pintuan ng clinic.

"The admin visited here a while ago," sambit pa ni Caleb kaya lihim akong napangisi. Of course he'll do it. He's after the safety of his beloved student assistant.

Umupo ako sa tabi nila at napabuntong-hininga.

"Sina Marx at Marco ang nagbabantay ngayon sa bangkay ni Jhansen. Hanggang ngayon hindi pa rin kino-contact ng admin ang mga magulang nito para ipaalam ang nangyari." Napakagat-labi ako sa narinig. Inuubos talaga niya ang pasensya ko.

Anong gusto nilang mangyari? Maubos muna kami rito bago nila tuluyang ipaalam sa labas ang nangyayari rito sa loob? Tangina.

"How about Mourine? Do you think she's the killer?" tanong ni Riel sa amin. Hindi ako sumagot bagkus ay napatungo na lamang habang sapo ng dalawang palad ang ulo.

"I don't think she is."

Napalingon kami sa kung sino ang nagsalita at nakita ko si Cartel na nakatitig lamang sa pintuan ng clinic. Nakapamulsa ito at kalmado lamang. My eyebrows furrowed.

Ano ba ang taong 'to? Kabute? Pasulpot-sulpot lang!

"You're the fucking son of the school owner. You have the power to know who did this to Jude and Jhansen!" Nagtiim-bagang ako at sinamaan siya ng tingin. Tulad ng inaasahan, tiningnan niya ako gamit ang namumungay niyang mga mata.

"Yeah, I'm just a son," tipid niyang sambit at naglakad na palayo.

Naikuyom ko na lamang ang kamao dahil sa sobrang sama ng loob. Napakawalang-kwenta!

Mayamaya ay naramdaman kong tumayo si Caleb at nag-inat-inat.

"Tingin ko naman ay ligtas na si Mourine kaya pwede na muna natin siyang iwan. May mga nurse naman na nagbabantay sa loob," litanya niya. Sukbit ang bag ay naglakad na rin siya. Napalingon ako kay Riel na hanggang ngayo'y tulala pa rin.

"Hey," sambit ko at umusog ng upo matapos umalis si Caleb. Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay at pinisil.

"Are you okay?"

Sa halip na sumagot, suminghap siya at binawi ang kamay niya. Nahihintakutan siyang napatingin sa akin na may luhaang mga mata.

"S-Stay away from me. Stay away from us," bulong niya at umatras. Napakunot ang noo ko.

"What? What are you saying?"

Umiling lamang siya habang naiiyak.

"You shouldn't enrolled here. Y-you..." Napakagat-labi siya at mahigpit na napakapit sa palda niya.

"Wait, can you please just get straight to the point? I really can't understand you!" Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumaraan pero wala akong pakialam.

"Just stay away from us. We can't trust you. What if you're the one who killed him and you just framed up Mourine?" Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri at napangisi.

"What the fuck, Riel? Ako pa ngayon ang pagbibintangan mo sa impyernong ito?" sarkastiko kong sabi.

"Mourine told me that you have seen her inside the office with Sir Jovann and you have a secret admiration to him. You're jealous seeing the admin with her. And now you killed someone, sinakto mong makapasok si Mourine sa CR para siya ang mapagbintangan!" Dahil sa sinabi niya ay halos mapamura ako. Potangina, binabaligtad niya ang kwento.

"She absolutely said that?! At ikaw itong uto-uto na naniwala sa lintik na babaeng 'yon?!" Napasigaw na ako.

"Me and Mourine are best of friends since high school. She won't lie to me," aniya sa pagitan ng hikbi kaya napatayo ako at akma na sanang susugurin ang pintuan ng clinic nang hatakin ako ni Riel palayo.

"Stay away from her! You harmed her once. You could harm her again! Stay away from us!"

"And what are your evidences that I killed Jhansen?!" Hindi na ako nakapagpigil at binulyawan na siya.

This is my first time to be accused of something I didn't commit. Pakiramdam ko sasabog na ako sa galit.

"Everyone knows who is Ezelle Lamontez who murdered her parents more than two years ago. She's your sister. At hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay makapatay rin. You are murderous. It runs in the blood!"

Isang malutong na sampal ang pinadapo ko sa kaliwa niyang pisngi at hindi mapigilang maluha na lamang dahil sa galit. Nasapo niya ang namumulang pisngi. Sinamaan niya ako ng tingin.

"You have no rights to accuse me. You're not a judge anyway," I said coldly looking directly in her eyes.

"I am not a murderer unless proven guilty. I am not guilty. Therefore, I am innocent. It's up to you if you won't trust me anymore. My family background doesn't define who I really am."

Ngumisi at ako pinahid ang luha sa pisngi.

"And by the way, do you want me to tell you the truth about what happened in the office a couple of hours ago?" Napatingin siya sa akin at ngumiti ako ng tipid.

"Your bestfriend is flirting with the admin. Looks like she's not only a student assistant, she's also a special mistress."

Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig lamang sa akin. Mas nilaparan ko ang ngisi sa labi.

"Why would I feel jealous? Kadiri! Hindi mo ba naisip na nakakasukang patulan ang matandang iyon? Mandiri ka sa kaibigan mo," pasaring ko at tumalikod na para maglakad palayo.

Hindi na ako nakarinig pa ng sagot mula sa kanya. Hindi na rin naman ako umaasang magsasalita pa siya dahil sa gulat.

Medyo masakit mapagbintangan. Pero gumaan ang dibdib ko dahil alam ko na kung paano mapaghihiwalay ang plastic sa totoo.

Dire-diretso akong naglakad patungo sa direksyon ng girl's comfort room ngunit natigil ako nang makarinig ng mga boses. Nagpantig ang dalawang tenga ko at napalingon sa gym na hindi kalayuan sa akin.

"Cartel?"

Tila nawala sa utak ko na magpatuloy sa CR at agad nagtatakbo papasok ng malawak na gym. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa bandang sulok ang nakabulagtang si Cartel at namimilipit sa sakit ng tagiliran.

Sa paanan niya ay ang tatlong bulastog mula sa kabilang section. Tinadyakan siya ng isa sa bandang tagiliran at ang isa naman ay sinipa ang tuhod niya.

Napakagat-labi ako. Ngunit ang ikinabilis ng tibok ng puso ko ay nang makita kong humugot na ng patalim ang ikatlo at akma na siyang sasaksakin.

Bago pa niya tuluyang masaksak si Cartel ay napasigaw na ako. Nabaling sa akin ang tingin nilang lahat.




***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon