CHAPTER - SIN AND SINNERS

573 38 4
                                    

CHAPTER 13




SIN AND SINNERS




"CARE to share why those dudes beat you?' taas-kilay kong tanong nang makaalis si Caleb. Kami na lang ang natira rito sa loob ng kwarto.

Imbes na sumagot ay tumitig lamang siya sa akin at malakas na sinarado ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ang puso. Mas naramdaman ko ata ang pagkirot ng sikmura ko dahil napakahirap huminga. Napapikit ako at humigpit ang kapit sa bedsheet.

"C'mon, if you're planning to kill me just---"

"You dropped it," tipid niyang sambit at inabot ang ribbon ko. Naiangat ko ang paningin sabay tingin sa blouse kong wala na ang ribbon. Nalaglag ko pala kanina. Buti at nakuha niya.

Alinlangan akong ngumiti at kinuha ang ribbon mula sa nakalahad niyang kamay.

"T-Thanks."

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin kaya tumikhim ako.

"How are you now?" pangungumusta ko na lamang dahil alam ko namang wala siyang balak sabihin ang dahilan kung bakit siya binugbog ng tatlong itlog na iyon.

"Got bruises and scars. But I'm totally fine now." Nakatitig lamang siya sa kulay puting dingding.

"That's good to hear. At least you didn't die." I close my eyes and I can still feel the cut in my stomach as if my poor intestines were damaged. Pasalamat na lang ako sa kung sino mang Santo ang gumabay sa akin kanina at hindi malalim ang sugat na natamo ko.

"How about your wound?" he asked out of the blue. Nakaupo na siya sa paanan ng kama kung saan nakahiga ako.

"Still aching. Buti na lang nakailag ang bituka," biro ko kaya sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya. Marunong naman palang ngumiti ang isang 'to.

"Brave girl, huh." He commented. I grinned from ear to ear. Ngunit nawala iyon nang may sumagi sa isip ko ang muntikan ko nang kamatayan. I wonder what ate Marie would say to me about me being inside the clinic now and not in detention office anymore.

I was almost stabbed to death and here I am grinning like it's okay to have a stomach cut.

"It's a near death experience aside from falling downstairs," giit ko at nagkibit-balikat.

I heard him chuckled.

"If you weren't there earlier, I would probably succumb my death now," he said and looked me in the eye. My heart skipped a beat on how he looks at me.

"Then you might be in hell now if I didn't hit them with the fucking bat," I said jokingly.

"You too." Nawala ang ngisi ko dahil sa sinabi niya.

"Why would I go to hell? I am no sinner and I didn't kill anyone," kontra ko. Sa puntong iyon ay siya naman ang ngumisi at sinuklay ang buhok niya.

"We are all sinners, Khirl. There are sin we commited when were kids and up to now, we still make mistakes."

Napakagat-labi ako at tumungo. Naalala kong kasalanan nga pala ang pagwalang-galang ko kay Lolo, pagiging pasaway sa eskwelahan at ang pagtatanim ng galit kay Ezelle.

"What do you know about sin?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay bumuntong-hininga siya at biglang tumayo sabay sulyap sa akin.

"They blocked my way through our dormitory and dragged me inside the gymnasium." Sa wakas ay sinabi na niya ang totoong nangyari kanina.

"Why would they even do that to you? You're powerful. You should report them and expel," sambit ko pero ngumisi lamang siya.

"No need. At least, hindi nadagdagan ang kasalanan ko kanina dahil hindi ko naman sila pinatulan. Afterall, I am after their mastermind," nakangisi niyang sagot. Nakunot ang noo ko.

"Are you saying that someone told them to beat you?"

Napatingin siya sa akin bago sumagot.

"Someone who has a deep grudge in me for the lost of Jhansen and Jude. Maybe he blames me too." Nag-inat siya at humalakhak na parang ayos lang sa kanya ang nangyari.

Sino ba ang tinutukoy niya?

"Kaya huwag mong isipin na ikaw lang ang hinuhusgahan sa eskwelahang ito. Lahat tayo hinuhusgahan. Hindi lang alam ng iba."

Napanganga ako nang tuluyan na siyang lumabas ng pinto at sinarado iyon.

Naiwan akong tulala at malalim ang iniisip.

"Eldritch Cartel Monteclaude, sino ka ba talaga?" bulong ko at napatitig sa nakasarado nang pintuan.













Paika-ika akong naglakad patungo sa direksyon ng dormitory namin sapo ang kumikirot na sikmura. Pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko na mula pa sa ibang section pero sinasamaan ko lang sila ng tingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng nasaksak? I'm sure that those three dudes are hiding now. Well, They better hide. Hindi pa naman ako marunong makontento. Minsan gusto ko gumanti.

Nag-alok ang nurse na ihatid na lang ako sa dorm gamit ang wheelchair para hindi na raw muna ako maglakad pero tumanggi ako. Anong tingin niya sa akin? Baldado? Kaya ko naman. Medyo masakit nga lang at parang hinahalukay ang buong sikmura ko.

Napakagat-labi ako nang mapansin na malapit na ako sa pintuan namin. Kakatok na sana ako nang otomatiko itong bumukas. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Lunette. Natutop nito ang bibig matapos akong makita.

"O-M-G, Khirl." I never said a word. I just smiled at her dahil mukhang alam na naman niya ang nangyari sa akin. Inalalayan niya akong makapasok at sa puntong iyon, hindi ko mapigilang mapatitig kina Lenzy at Halcy na nakatingin na rin.

Sina Mourine naman at Riel ay mailap ang mga tingin.

"How's your wound?" pangungumusta ni Lenzy at tinabihan ako sa pagkakaupo.

"Wala pa bang nakapagsabi sa'yo Khirl na kapag gulo ng iba, huwag kang sumali? Hilig mo talaga sa riot, e no? 'Yan tuloy," iiling-iling na sermon ni Lunette at nakacross-arm pa.

"Nakakahiya sa'yo. E lahat naman ata tayo rito suki ng guidance office," ganti ni Halcy kaya humagalpak sila ng tawa.

"Pero seryoso kasi, Khirl. Noong nalaman namin na nasaksak ka raw, inakala namin matutulad ka na kina Jhansen at Jude. Thanks God, you and Mourine were saved."

Nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ang pangalan niya. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Mourine. Nagtama ang paningin namin. Agad siyang nag-iwas ng titig.

"I heard it's Eldritch's fault why Khirl has been stabbed," bulalas nitong si Lenzy.

"Yes, may naagrabyado ata siya sa kabilang section kaya ginantihan siya. Kaso, nandamay pa ng inosente. That's sucks," komento pa nila.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahan ang ginawang paghiga sa kama. Napatitig ako sa kisame habang nag-iisip.

Makasalanan ba kami? O may naagrabyado rin?





***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt