CHAPTER 4 - ELDRITCH'S RULES AND REGULATIONS

766 49 7
                                    

CHAPTER 4

ELDRITCH'S RULES AND REGULATIONS



TAHIMIK lamang akong nakaupo sa malawak na sofa ng opisina. Ako at si Caleb. Habang kaharap ang nakangiting principal na animo'y nasisiyahang makita kami.

"Thank you for choosing Eldritch as your dream academy," pagbati niya at ibinaba ang hawak na ballpen. Napataas ang kilay ko.

"Actually, this is not my dream---" Pinutol ni Caleb ang sasabihin ko at pasimple akong siniko. Nagkatinginan naman kami kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm Jovan Montilla, the school admin and I welcome you to our own Eldritch Academy. Do you have any questions?" sambit niya pero walang sumagot sa aming dalawa.

"Wala? So if none, can we proceed to our rules and regulations?" Kulang na lang ay mapairap ako. Heto na naman tayo at hindi matapos-tapos. Saang school ba pwedeng lumipat na wala nang rules na dapat sundin?

Humikab ako nang magsimula na siyang magsalita.

"Number one rule, you choose Eldritch Academy so might as well choose to stay here inside through the entire year of studying. In that way, we can assure your safety."

Mabuti na lang pala at nag-dorm ako. Tiningnan ko si Caleb na hindi na maipinta ang pagmumukha. Ayaw talaga niyang mag-dorm. Palibhasa, laking kalye at takbo lang nang takbo kapag nang-i-snatch. Ewan ko ba bakit naging kaibigan ko 'to.

"Rule number 2. We offer dormitories here for boys and girls who want to spend their school year inside our premises. We would like to ask your personal information by signing up this form," aniya at inilapag sa harapan namin ang mahabang papel. Napakunot-noo ako. Ano pala iyong nasagutan namin kahapon? Magkaiba pala iyon? Shocks.

"And number 3, the last but not the least. Gadgets are not allowed here in Eldritch. So if ever you have your phone with you, kindly give it to me. We believe that gadgets are only for interruption. Don't worry because we have our computer laboratories and libraries. You don't have to browse through your mobile phones," paliwanag niya at malapad pa rin ang ngiti. Nakakabuwisit ang ngiting iyon.

Nagtaas ako ng kamay para magtanong.

"What if we badly need our phone to contact our family? Are you not going to consider that?" tanong ko pa pero nginitian lamang niya ako.

"This is Eldritch Academy. We ensure your safety," tipid niyang sagot. Umawang ang bibig ko dahil hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana ako kaso kusa nang ilapag ni Caleb ang cellphone niya sa mesa ng principal. Napakagat-labi ako at dahan-dahan ring hinugot ang akin sa bulsa. Nag-aalinlangan ko itong ibinaba katabi ng kay Caleb.

"We'll return these to you once you completed the semesters," paninigurado niya bago ilagay sa box at ipasok sa locker sabay kandado. Napasandal ako sa sofa at napabuga ng hangin.

Social media is my world. Now, I have to leave it for a while though it may take too long to browse again. Tangina. Anong sistema 'to?

"Sir, how about our first day? Ngayong araw ba iyon?" Si Caleb ang nagtanong.

"Actually, no. This is for orientation only. So since you two are late, I'll guide you to your designated dormitories. Let's go," aya niya at tumayo. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko na sumunod sa kanya. Si Caleb pa rin ang nagbuhat ng maleta ko.







"Why the fuck did you surrender your phone?" halos pabulong kong tanong kay Caleb. Naglalakad kami ngayon patungo sa dormitory ng mga girls. Magkasabay lamang kaming naglalakad habang nakasunod kay Sir.

Sumulyap muna siya sa akin bago sumagot.

"Wala naman kasing mag-aalala sa akin rito kung sakaling may mangyari sa akin na masama," diretsahan niyang sambit.

"At talagang kini-claim mo na hindi ka na talaga makakalabas rito nang buhay? Gago ka ba?"

"Shhh!" pagpapatahimik niya nang tumigil kami sa tapat ng isang malawak na pintuan. Kumatok si Sir Jovan at agad itong bumukas. Sumilip ang isang mukha ng babae na parang sabog pa dahil ang gulo ng buhok. Adik ba ang isang ito?

"You have your new roommate named Khirl Irish Lamontez," anunsyo ni Sir kaya mas binuksan ng babae ang pintuan. Tumambad sa akin ang napakalawak na kwarto.

"You are six in this room. This is your personal keys for locker and the main door. Good luck tomorrow for your first day! Good bye, everyone!" paalam niya.

"Good bye, sir!" sabay-sabay na sagot ng limang babae sa loob ng kwarto. Nilingon ko si Caleb na susunod na kay sir para ihatid siya sa dorm na para sa mga lalaki.

"Bye!" Ngumiti ako ng tipid.

"Sabay ba tayo magdinner mamaya?" tanong pa niya pero napalingon ako sa mga babaeng abala rin sa pag-aayos ng gamit nila. Napailing ako.

"I don't think so. Siguro dapat kilalanin natin sila? And also make new friends." Tumango siya.

"Sabagay."

"Huwag lang bromance," dagdag ko pa dahilan para samaan niya ako ng tingin.

"See you tomorrow, hooman." Kumaway muna ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa kwarto. Dahan-dahan ang ginawa kong pagsarado sa pintuan upang hindi sila madistorbo sa pag-aayos ng mga gamit.

Naglakad ako palapit sa isang double deck. Nakadikit roon ang isang post card na may pangalan ko. So this bed was really reserved for me, huh. Hindi na masama.

Umupo ako at binuksan na rin ang maleta ko.

"Hi!" Nagulat ako sa biglaang pagtabi sa akin ng isang babaeng naka-bleach ang buhok sabay ngiti.

"H-hello," tipid kong bati.

"I'm Halcy, by the way." She extended her hand. Nakipagkamay rin ako.

"Khirl Irish Lamontez."

"Lamontez? Kaano-ano mo si Ezelle?"

Napatingin ako sa babaeng nasa dulo ng double deck at nakatitig na ito sa akin. May maamo itong pagmumukha na babagay sa mahaba niyang buhok. Kanina pa pala niya ako tinitingnan.

"H-ha?"

"Ka-surname mo kasi siya." Ngumiti siya.

"Ang chismosa mo, Mourine. Mag-ayos ka na nga lang riyan," suway sa kanya ng isa pang babae na may balabal sa leeg.

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

Kaya ako nag-transfer at piniling mag-dorm para takasan ang mga ganitong bagay. Pero bakit kahit saan ako magpunta parang hinahabol nila ako?

I hate this surname.

I hate how we became sisters. Naipilig ko na lang ang ulo ko at napakagat-labi.

***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now