CHAPTER 19 - THE APPRENTICE

530 38 4
                                    

CHAPTER 19

THE APPRENTICE




NAGISING ako dahil sa malakas na lagaslas ng tubig na nagmumula sa bukas na gripo. Hindi ko muna iminulat ang mga mata ko o iginalaw man lang ang katawan ko dahil napakasakit. Kumikirot pa rin ang ulo ko na siyang nakaapekto para maging malabo ang pandinig ko.

Suminghap ako matapos may magbuhos sa akin ng malamig na tubig. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa lamig na dulot nito. Tinangka kong igalaw ang katawan ko ngunit nakagapos pala ako.

Wala rin akong makita dahil sa blindfold. Hindi ko mapigilang mapahikbi na lamang sa sulok. Nag-aalala ako para sa buhay ko at para sa iba lalo na't hindi ko na alam kung nasaan sila. Kumagat-labi ako upang pigilan na kumawala ang mumunting hikbi.

Napakabilis ng tibok ng puso ko.

"Aalisin mo ba ang blindfold?" rinig ko ang boses ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang gunggong na admin.

"Why not? Afterall, she's too desperate to know who I am. I'll give her what she wants tonight before she dies." Nagtiim-bagang ako sa narinig.

That voice. Alam na alam ko na kung sino siya. I already know who they are. That man in the raincoat who scared us and killed Jude. The one who killed Jhansen in girl's comfort room. The one who poisoned Lenzy and sir Ally. It all makes sense now.

The admin is her apprentice!

Marahas niyang inalis ang blindfold ko kaya tumambad sa akin ang mala-demonyo niyang ngisi. Tulad ng dati ay naroon ang maamo niyang mukha pero bakas na roon ang kademonyohan.

Inilapit niya ang mukha niya para mas magkatitigan kami. Mas nagpumiglas ako para masampal sana siya.

"Kumusta, Khirl Irish Lamontez?" ngising-aso na sambit niya para mas manggalaiti ako sa galit. Inilibot ko ang paningin sa malawak na kwarto at nakita ko ang iba ko pang mga kaklase.

Si Marco na bugbog-sarado ang pagmumukha. Pasinghap-singhap ito at gumagapang sa sahig. Si Marx at Caleb naman ay mga walang malay. Katabi niya si Cartel na nakatungo na lamang. Maging si Lunette at Riel ay umiiyak na pinanonood kami.

"Ang tagal mo kasing magising. Tulog mantika ka, girl? 'Yan tuloy, huli ka na sa balita," pasaring niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Dahil hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, dinuraan ko na lamang siya.

Nagulat siya sa ginawa ko. Otomatiko niya akong sinampal sa kabilang pisngi dahilan para mamanhid ito.

"Kumusta ang paghahanap ng ebidensya sa opisina? Hindi ko nasabi sa'yo na sana harapan mo na lang akong tinanong. Aamin naman ako sa'yo, e. Iyon nga lang, papatayin agad kita pagkatapos. Pero salamat sa'yo, Khirl. Mas pinadali mo ang trabaho ko," nakangisi pa niyang saad kaya nagsisipa ako dahil sa nararamdamang galit.

"Hayop ka!" bulyaw ko. Isang suntok ang dumapo sa nguso ko mula sa admin kaya napaiyak na lamang ako sa sobrang sakit.

"Tito, dahan-dahan lang!" suway ni Halcy sa admin kaya mas nagliwanag sa akin ang lahat. Magkamag-anak pa nga ang mga hinayupak.

Hinarap niya ako muli at pinasadahan ng tingin.

"Aonaran section was cursed. Your sister was one of them. They killed my mom." Bakas sa boses niya ang matinding hinanakit.

"That was years ago, Halcy! Ano pa bang ipinaglalaban mo?! Patay na rin naman ang iba sa kanila, matagal na!" sigaw ko at naiyak.

"But your sister is still alive and all I could do is to make you suffer! You entered Eldritch and that made me think maybe I could replace you with her. Then this thing happened. Thanks to Tito for being my apprentice all along. I owe him a lot but..."

Tumigil siya sa pagsasalita at agad iniangat ang baril pagkuwa'y itinutok sa direksyon ni sir Jovann. Gulat ang rumehistro sa mukha ng admin. Ngumisi si Halcy.

"Since I don't need him anymore, he's now free to die." Walang patumpik-tumpik na kinabig niya ang gatilyo at umalingawngaw ang putok nito. Bumulagta sa sahig ang katawan ni sir habang hinipan naman ni Halcy ang dulo ng umuusok na baril. Sapul ito sa mismong ulo.

Narinig ko ang iyakan nina Lunette at Riel. Napahikbi na muli ako.

"Why are you doing this to us? We caused you no harm right from the start!" giit ko kaya matalim siyang tumitig sa akin.

"You'll pay for their sin! They killed my mother! I'm gonna kill you all for her!" Nagpupuyos sa galit ang mga mata niya.

"Noilisa Abarecia was a very good teacher. A sweet, caring and loving mother to me. But suddenly she loses her life after entering Dolorous. She was killed without mercy." Naglandas ang mga luha niya habang nagsasalita.

"I promise  to myself that I'll give her the justice she deserves. And that's happening now. Maybe I can't take revenge to the real culprits. But at least, I can kill now their blood-related beings. Afterall, murderous genes run in the blood."

"And do you think you're not a murderer here?! Look at you! You're a product of your own grudge! Pati inosenteng mga tao sinasaktan mo! For pete's sake, you killed your own sister!" Narinig ko ang pagsigaw ni Riel kaya inasinta muli ni Halcy ang baril at pinutok sa binti niya.

Umalingawngaw ang tili ng nasasaktan na si Riel. Namimilipit na ito sa sakit.

"Shut up, you bitch! She really deserves to die. Nauna lang siya sa inyo! Kailangan ko na siyang despatsahin dahil alam na niya ang totoo!"

"How could you kill your own half? You're such a monster," mahinang sambit ng umiiyak na si Lunette. Ngumisi lamang si Halcy.

"We are not sisters because Lenzy never considered me as one. Kung sana kumampi siya sa akin para mabigyan ng hustisya si Mommy, e 'di sana buhay pa siya hanggang ngayon. Ang galing ko bang umacting? Sorry ha, Drama Club professional artist, e. Heto namang si Jhansen, nahuli niya ako sa akto kaya I dragged him to the nearest comfort room for girls and stabbed him to death. I'm so thankful na si Mourine ang napagbintangan. Ang gaga, nakasurvive pa kahit nilagyan ko na ng lason ang inumin niya."

"Honestly, I really like Sir Ally Macatuno but for some reasons I had to dispatch him too. He's too annoying."

Nakuyom ko ang kamao ko at nagsimula na muli magpumiglas.

"The one who killed Jude isn't me of course. It's him," tukoy niya kay sir Jovann na hindi na humihinga. "I just locked the gate that night so you guys would find it hard to get in. That's funny, of course! Your reactions are priceless!" Humagalpak ng tawa ang gaga. Mas nagpuyos ako sa galit.

"And for the final part of this speech, I want to thank Eldritch Cartel Monteclaude for being one of my apprentice too. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman na si Khirl pala ang isa sa matagal ko nang hinahanap. Salamat sa cover up, I owe you her life," nakangisi niyang sambit at sinulyapan ang nakatungong si Cartel sa sulok ng kwarto. Nakagapos rin ito at bugbog-sarado. Ni hindi siya umimik.

Naglandas ang luha ko at napasinghap. Ang sama sama na ng loob ko pero mas sumama pa ito sa nalalaman ko. Hindi nga siya mamamatay-tao pero ipinagkanulo naman niya ako.

"Kaya kapag namatay siya ngayong gabi, ikaw ang may kasalanan. Hawak mo na ang buhay niya."

Kumabog ang puso ko. Kumikirot ito. Napapikit na lamang ako at hinayaang umagos ang luha.




***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now