CHAPTER 2 - EXPALSION

914 47 11
                                    

CHAPTER 2


EXPALSION


"YOU are all cancelled. And you, Khirl Irish Lamontez." Binalingan ako ng guidance counsellor at tinitigan. "It's not your first time to be involved in this kind of trouble. Nakakahiya man sabihin na kung hindi dahil sa lolo mo, hindi ka namin tatanggapin sa eskwelahan na ito. Your record sucks!"

Kahit duguan ang labi, kumikirot ang ulo dahil sa hampas ng vaseball bat kanina, at masakit ang anit ay nakuha ko pa ring ngumisi.

"So lumabas na rin ang totoo. You're just after his money that's why you accepted me," I sarcastically grinned. Kaharap ko rito sa loob ng guidance office ang tatlong asungot na mas sumira ng umaga ko. Nakatungo sila at parang mga pa-victim. Am I the only one who's in trouble here all along? Fuck.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng teacher na kaharap namin.

"Karespe-respeto ang lolo mo, Khirl. Lahat kami tinitingala siya. He's a very good man. Hindi ko lang alam kung bakit nagkaroon siya ng mga apo na tulad ninyo. Hinahatak n'yo siya pababa," litanya niya dahilan para magpantig ang tenga ko.

"I must talk to Mr. Leon right away for your expalsion. We can't tolerate your manners anymore." Dahil sa sinabi niya ay tuluyan nang nawala ang ngisi sa mga labi ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakaangat na ang mga pagmumukha nila. Nakatingin  sa akin at may ngiting tagumpay.

No. They can't do this to me.




"Khirl? Oh my God, what happened to you?!" Nakarinig ako ng boses at iniluwa ng pintuan ang nag-aalala niyang pagmumukha. Blanko lamang akong tumitig sa kanya.

It's not ate Marie. It's someone I can curse forever.

"If I am not mistaken, you are Ezelle Lamontez. Her sister right?" Napatingin siya sa akin bago maisarado ang pinto. Umiwas ako ng titig. Ayokong makita siya sa totoo lang. Nabubuhay lagi ang pagkainis ko.

"Y-Yes. Ano po bang nangyari?" bungad niya at napaupo sa harapan ko.

"What happened, Khirl? Ba't ang dami mong sugat? Alam na ba 'to ni lolo?" sambit pa niya at akma akong hahawakan pero iwinakli ko kaagad ang braso niya at humarap sa guidance counsellor.

"Expell me if you want. After all, your school is a bullshit. Fuck your rules and regulations!" I slammed her table and stand up. I don't care about my image anymore. It's already ruined anyway.

"Khirl Irish!" narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.









"Ouch! Dahan-dahan naman!" Umilag ako nang subukan niyang dampian ng bulak na may alcohol ang sugat ko sa panga. Sinamaan ko siya ng tingin.

"C'mon, kailangan magamot iyang mga sugat mo. Baka mapagalitan ka na naman ni lolo 'pag nalaman niya 'to," pangaral niya kaya napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin," walang emosyon kong sagot dahilan para mapabuntong-hininga siya.

"Khirl," tawag niya pero hindi ko pa rin siya tinitingnan. Ang sama talaga ng loob ko sa kanya.

Mayamaya ay sumuko na rin siya. Inilapag niya ang alcohol at cotton bago i-start ang makina ng sasakyan.

"One more thing. Don't ever mention this to ate Marie. I'll be the one to explain about my expalsion," paalala ko. Hindi na siya sumagot pa at nag-drive na lamang.









Nakatitig lamang ako sa folder na nasa ibabaw ng mesa. Kaharap ko ngayon si lolo na hindi maipinta ang pagmumukha. Hindi ko magawang igalaw ang ulo at mukha ko dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ito. At nakarating na pala agad sa kanya ang kabulastugan na ginawa ko sa school. Ang bilis talaga ng balita.

"You're really putting my name in shame, Khirl." Bakas sa boses niya ang pagtitimpi. Napaiwas ako ng tingin. "Ano nang plano mo?"

"Ewan," tipid kong sagot.

"They're kicking you out of their university and it's okay with you?!" bulalas niya pero ngumisi lamang ako.

"Ako na ang bahala sa buhay ko kung hindi ako makatapos ng pag-aaral. Wala ka nang pakialam roon."

"You're being too much!" galit niyang sigaw at nahilot ang sintido. Agad niyang hinagilap ang telepono at nag-dial. Pagkuwa'y napatingin sa akin.

"Honestly, I don't know what to do with you anymore. But I want you to continue your studies. I'll fix your papers right away and Marie will help you with your application."

Naihilig ko ang ulo ko sa upuan at napapikit. Parang gusto ko na lang tumigil sa pag-aaral dahil sa mga sinasabi niya. Ilang eskwelahan pa ba ang lilipatan ko bago ako maka-graduate?









Hinipan ko ang umuusok-usok pang cup noodles habang nakatambay rito sa loob ng convenience store. Mag-aalas syete na ng gabi pero hindi pa sumasagi sa isip ko ang umuwi.

Wala pang ilang minuto ay sinubo ko na ito. Napangiwi ako sa sobrang init.

"Fuck," mura ko at nasapo ang mukha.

"Careful. It's too hot that it might burn your tongue. Hindi ka naman siguro gutom na gutom, ano?"

Naiangat ko ang tingin at nakita si Caleb na nakatunghay sa akin. May hawak rin itong umuusok-usok pang cup noodles. Hindi ko na lang siya pinansin nang umupo siya sa upuang katapat ko.

"What happened to your face? Have you been in a fight?" usisa niya at pinakatitigan ako. I sighed and looked at him.

"Looks like my sister already told you what happened. So don't act  surprised to see me like this," direkta kong sagot at nagpatuloy sa pagkain. Bumuntong-hininga rin siya.

Close sila ni Ezelle. Alam kong naikwento na sa kanya ang bawat detalye. Maya't maya pa akong napapangiwi hindi dahil sa init ng noodles kundi dahil kumikirot ang panga ko.

"I've heard you've been kicked out. Saang school ka lilipat?" Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita ulit.

"I don't know. Maybe it's better to stop schooling."

"Cool?" sarkastiko niyang ganti at naglabas ng isang flyer. He handed it to me.

"What's this?" In-examine ko ang mga nakasulat.

"It's Eldritch Academy. They're looking for enrolees. Are you in?" masaya niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya.

"Are you going to school this year?" paninigurado ko at sumubo ulit ng noodles.

"Hell, yeah. Para sa sarili ko naman kaya ako babalik sa pag-aaral. Tama ang ate mo. Siguradong disappointed sa akin si kuya dahil sa mga kagaguhan ko," mapakla niyang saad at kumain na rin.

"Are you recruiting me to join with you there?" tukoy ko sa academy na sinasabi niya sa akin.

"Kung okay lang. Magka-year level lang naman tayo, e. Can you?" Parang nagmamakaawa siyang doon na rin lang ako pumasok. Napabuntong-hininga ako at sumandal sa upuan.

"Fine. I'll transfer."

"Yown! Kaya ako'y sa'yo, e!" Napasuntok siya sa ere sa sobrang tuwa. Gago talaga ang isang ito.

"In one condition," pagputol ko sa kasiyahan niya.

"Ano 'yon?"

"The flyer mentioned that they have dormitories for boys and girls. Magdo-dorm ako kaya dapat ikaw rin. Walang uwian."

Halos masamid siya sa sinabi ko.

"What?!"




***

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now