CHAPTER 21 - DEAD AND GONER

556 40 11
                                    

CHAPTER 21




DEAD AND GONER




NAPABUGA ako ng hangin at binitawan ang kamay ni Cartel na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatitig ako sa mga mata niya.

"Magpapakamatay ka ba?!" halos pabulong niyang tanong. Gusto nang sumabog ng puso ko.

"Bakit mo 'ko inililigtas? Nakokonsensya ka ba dahil nakipagsabwatan ka kay Halcy? Tapos ngayon, anong balak mo?" Mapait akong ngumiti sa kabila ng mga luha. Hindi siya sumagot. Humigpit ang kapit niya sa palakol.

"I'm not saving you. Alam kong papatayin mo rin ako oras na tayo na lang ang matira," walang emosyon niyang sambit kaya napaawang ang bibig ko.

"What?" naguguluhan kong tanong sa kanya pero siya naman itong ngumiti sa akin.

"I don't know. I just want to protect you as long as I am breathing."

Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang gulo mo! Bakit hindi na lang natin iligtas ang isa't isa, pati sila kaysa magpatayan tayo rito?! Look, Caleb is in danger right now and we're not doing anything to save him! Hindi tayo ang magkakalaban rito, Cartel. Si Halcy ang dapat pinupuntirya natin rito!" Halos pumiyok na ako pero umiwas lamang siya ng tingin.

Napatingala ako at pinahid ang mga luha.

"Fine. If you're not gonna help me, just walk away and save your ass. I'll save Caleb and the others alone. Wala namang magbabago, alam kong kay Halcy ka pa rin babalik pagkatapos nito." Sinamaan ko siya ng tingin at akma na sanang lalabas sa pinagtataguan nang makarinig muli ako ng putok. Kasunod noon ay ang pagtili.

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon.

"L-Lunette!"

Luhaang nakaluhod si Lunette sa nakabulagtang si Riel. Sabog ang ulo nito. Hawak ni Lunette ngayon ang isang de kalibreng baril. Nanginginig niya itong nabitawan at umiyak nang umiyak.

Napatingin siya sa akin. Bakas sa kanya ang matinding takot.

"Lunette!" iyak ko. Umawang ang bibig niya at halos pabulong na kung magsalita.

"H-Hindi ko sinasadya! Khirl, I killed her, it was an a-accident! Khirl I killed someone!" palahaw niya kaya maging ako ay napaiyak na rin. Gusto ko nang manghina dahil sa mga nakikita ko pero alam kong hindi ito ang oras para sumuko.

I will go out here alive and breathing.

Dinaluhan ko siya at dahan-dahang inalalayan tumayo. Napasulyap ako kay Cartel na blangkong nakatitig sa amin. Duguan rin siya at hawak pa rin ang palakol. Kapansin-pansin ang luhaan niyang mga mata at mayamayang pagsinghot.

Hindi ko mapigilang maawa sa mga sarili namin ngayon.

Nang maitayo si Lunette ay si Caleb naman ang nilapitan ko. Sumusuka na ito ng dugo habang nakasandal sa gilid. Suminghot ako bago magsalita.

"Caleb? Caleb! Please open your eyes! Let's get out of here!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niyang puno ng dugo. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sumilay ang tipid na ngiti.

Umawang ang bibig niya pero walang lumabas na mga salita.

"Please, hindi ito ang oras para magpangiti-ngiti lang! Halika na! Aalis na tayo rito!" sigaw ko kahit umiiyak at pinilit siyang ibangon. Isang malakas na palahaw lamang ang pinakawalan niya habang sapo ang duguang tagiliran.

Natutop ko ang bibig ko at tinitigan siya sa mga mata. Doon ko napagtantong hindi lang tama ng baril ang dahilan ng pamimilipit niya sa sakit. May saksak rin siya sa likuran.

Eldritch Academy: School of the Dead | COMPLETEDWhere stories live. Discover now