Chapter 3

6.6K 212 21
                                    

Pagkalabas ng gate ay ipinasok niya ko sa kotse nya.

“U-uuwi nalang ako!” Akmang bababa na’ko nang pigilan niya.

“No. You'll come with me.” Madiin niyang sabi tanda na hindi ko na talaga siya mapipigilan pa

“But my dad...” sigurado akong papagalitan ako no'n.

“I already told Mico.” Kaswal niyang ani na para bang wala lang iyon. Mico? As in kuya? Papaanong—paniguradong issue na naman ito. Malikot pa naman ang utak no’n.

“How did you...?”

Pasiring siyang kumindat. “I have my ways.” pagmamayabang niya bago pinaandar ang sasakyan

Nanahimik nalang ako, knowing him at iyang makulit niyang pagu-ugali hindi rin ako makaka hindi. Tumapat kami sa isang malaking bahay.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto, hinayaan ko nalang siya nang buhatin na naman niya ako.

Namangha ako ng bumungad sakin ang malinis na sala. Maayos at maganda ang pagkaka-organize ng mga kasangkapan. Bagay na hindi ko napansin noong unang pasok ko rito bukod sa wala ako sa katinuan ng mga oras na iyon... mas magandang ‘wag na lang nating pagusapan.

Dito rin kaya nakatira si Kyler?

“No. He's staying in his condo.” kunot noo niyang ani.

Napatakip ako sa bibig, napalakas yata ang pagkakabanggit ko.

Umakyat kami sa isang kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tumambad sa’kin ang kulay itim na silid. Marami ring picture niya ang naka-display senyales na kanya ang kwartong 'to.

Ibinaba niya ko sa kama, “I'll just take a shower, can you wait?” tanong niya na tinanguan ko naman.

Saktong pumasok siya sa loob ng banyo ay tumunog naman ang telepono ko.

From: Lily
Hoy! bruha nsakn bag u ibinln ni fafa Tyler ikw ah anng mrn sa inu?

Hindi ko mapigilang matawa dahil may emoji pa siyang inilagay na nakakunot ang noo. Kaagad akong nagtipa para reply-an siya.

To: Lily
Wala! kukunin ko nalang bukas salamat.

Itatabi ko na dapat ng muli ay tumunog na naman. Akala ko ang bruha ulit pero laking gulat ko ng pangalan ni kuya ang tumambad sa’kin.

From: Micothepanget
Lil’ sis nagpaalam si Tyler na may gagawin daw kayo. ANONG GAGAWIN NYO HA?!

Napangiwi ako ng caps lock pa iyong message niya tila ba pinagduduldulan na mayroon talaga kaming masamang gagawin.

To: Micothepanget
None of your 'effin business Mico!

From: Micothepanget
Hoy anong-sumbong kita kay dad!wala ka ng galang sakin magtatampo na talaga ako!

To: Micothepanget
Whatever, PO! Mico.

Gigil kong itinabi ang telepono kahit kailan ay nakakabuwisit talaga ang lalaking ito.

Nalipat ang tingin ko sa pintuan ng banyo mula doon ay iniluwa si Tyler seryosong pinupunasan ang buhok nya. Napakagat labi ako ng makita na ang suot niya ay tanging gray na short at itim na t-shirt lang.

I never thought I would see this side of him.

“You’re hungry, I'll buy a dinner.” Tanging tango nalang ang naisagot ko, wala talaga siyang balak na pauwin ako.

After 30 minutes bumalik siyang may dalang tray ng pagkain at ipinatong sa side table.

Humila siya ng upuan ‘tsaka umupo sa tapat ko habang hawak ang isang plato na may lamang kanin at ulam.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang