Chapter 23

4K 115 0
                                    

"Hi, mom!"

Nakipagbeso ako sa kaniya pagkapasok namin sa venue, as usual puro businesses ang mga pinaguusapan. This party was more like a business meeting than a freaking party.

"Misha my daughter you're here." Nagbaba ang tingin niya at tumama ito sa tatlong bata na nasa tabi ko. Malamlam ang mga mata niya pero kaagad ding nagiwas nang mapansin ko.

Sakto at sumingit si Kuya Mico. "Lil sis, sa akin na muna ’tong tatlong itlog para makapag party-party ka naman!" Napangiwi ako nang sumayaw sayaw pa siya. If I know gusto niya lang makatakas doon sa mga babaeng nilalandi niya kanina lang.

"Where's dad?" Sumilay ang ngiti sa mukha ni mom bago itinuro ang isang lamesa.

"Ayun kausap ang mga kasosyo niya." Tango na lamang ang naging sagot ko.

Inilibot ko ang paningin sa buong venue, all of the designs screams elegance hindi na ako magtatakang puro mga businessman ang nandito.

Iniwan ako ni mom sa isang table kaya wala akong nagawa kundi tumunganga, kinuha ko ang baso ng tequila shots at agad na nilagok iyon napangiwi ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang tapang ng alak. Mga kagagahan ko talaga sa buhay.

Pinaglaruan ko ang mga kuko. “Haah. . .” Pagbuntong hininga ko para pigilan ang buryo. Kung hindi lang hiniling ni mom hindi na dapat kami pupunta rito. Mas boring pa ito kaysa lecture namin sa AP no’ng highschool.

"Misha Ivhone Hernandez?" Inangat ko ang paningin bago hinahanap ang tumawag sa pangalan ko.

"Daughter of Mario Hernandez." Natigil ang paningin ko sa lalaking nasa harapan ko, kumunot ang noo ko’t tinaasan ito ng kilay.

"Uh, yes?" Hindi nakawala sa ’kin ang malalagkit nitong titig tila ba ay gusto na akong hubaran. Nakapandidiri sa totoo lang.

"Tama nga ang sabi nila, you're extremely gorgeous!"

I stopped the urge of vomiting right in front of him. Bakit kapag si Tyler ay masarap sa pandinig. Ipinilig ko ang ulo para maalis iyon sa isip ko sa halip ay hinarap na lamang ito.

"Thank you, I have to go." Mabilis kong kinuha ang bag ko matapos sabihin iyon ay tumayo na ako at handa ng umalis.

Just when I was about to take a step he grip my wrist tightly. Sino ba ’tong lalaki na ’to ni hindi ko nga siya kilala lalong hindi rin siya gwapo para hawakan ako. "Let me go,"

"No, hindi pa tayo tapos magusap." Napaigik ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Stand back. . .”

May isang kamay ang kumapit sa balikat ko.

Ewan ko pero kusang gumalaw ang mga labi ko para sa isang ngiti nang marinig ang boses na iyon.

"Wag ka ngang makisali rito, away namin ’to ng girlfriend ko!" Tumaas ang gilid ng labi ko, pakiramdam ko ay masusuka na talaga ako dahil sa sinabi nito.

Ang kapal ng mukha hindi ko nga siya kilala.
Tumingin ako kay Tyler at kapagkuwan ay umiling.

"Really? Your girlfriend?" I can hear the sarcasm in Tyler’s tone. He then pull me into his chest.

"Did you mean my wife?"

Kaagad na naglaho ang ngiti sa mukha noong lalaki, maski ako ay hindi inaasahan na sasabihin niya iyon.

Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya.

"What are you saying?" I mouthed, but I can't seem to hide my smile. Binaba niya ang mukha palapit sa tainga ko at saka bumulong.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt