Chapter 14

4.9K 150 3
                                    

Agad kong iwinaksi ang kamay niya. “Ah, babalik na ‘ko.”

Tiningnan ko muna siya bago dali daling tumayo paalis, at kaagad nakahinga ng maluwag dahil hindi naman siya sumunod

Habang naglalakad pabalik sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ko na alam, pareho ko silang ayaw paniwalaan dahil kahit saan ko tingnan ay wala namang malalim na dahilan para magustuhan nila ako.

Si Tyler? Gusto ako? Noong magkasama kami ay oo, ramdam ko ang pagaalaga niya pero ‘di kailanman niya sinabi na gusto niya ako. Kaya nga walang lingon lingon akong umalis dahil wala akong kahit isang pinanghahawakan sa kaniya.

Natapos ang programaa na hindi kami naguusap o magandang sabihin na hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung paano kikilos ng naaayon dahil sa sinabi niya, kung aakto ba akong parang walang nangyari. Kaya naman mas pinili kong h’wag na lang siya pansinin.

“Z, drink your milk!” Sigaw ko kay Z mula dito sa kusina, naghuhugas kasi ako ng pinggan wala naman ibang gagawa nito kun’di ako lang din.

Katatapos lang namin maghapunan. Pinagpag ko ang kamay ko matapos mag-urong.

Lumapit ako sa kanilang tatlo na umiinom ng gatas, umupo ako sa tabi ni Z at pinunasan ko gamit ang hinlalaki ang labi niya, kalat kalat kasi ang gatas sa labi niya.

“I'm done!” sabay na sabi ni X at Y natawa ako ng magkatinginan pa silang dalawa.

Binuhat ko na si Z at nagsimulang maglakad, sumunod naman ang dalawa. Nang makarating sa kwarto ay ibinaba ko na siya sa kama humiga rin naman ang dalawa sa tabi niya.

Nang maayos ang pagkakahiga nila ay bumaba ulit ako. I need to make sure na maayos ang pagkakasara ng pinto.

Sinigurado kong maayos ang pagkakasara, mahirap na kami lang ng mga anak ko ang nandito.

Pabalik na ako sa kwarto ng marinig kong tumunog ang landline.

Wait, landline?

Patakbo akong bumaba ulit ng hagdan.
Shit. Hindi ko alam kung bakit pero kaagad akong kinabahan, may tawag sa pinas.

Huminga ako ng malalim pagkalapit sa telepono nanginginig kong hinawakan ito at sinagot.

“H-Hello,” Napakagat labi ako nang maramdaman ang panginginig.

“Misha, baby?” rinig kong sabi sa kabilang linya parang gusto ko na lang maiyak pagkarinig ng malamyos na boses niya.

“Mom,” malambing na tawag ko sa kanya.

God knows how I miss her so much. Hindi nagtagal ang galak ko ay napilitan ng pagtataka.

“Why did you call?” takang tanong ko kahit pa nahihinuha ko na ang dahilan kung bakit.

“About your dad,” napakunot ang noo ko.

H’wag niya sabihing tumawag lang siya dahil makikiusap rin siya na umuwi ako? Dahil roon ay hindi ako sumagot.

“Please baby, your dad wants you here.” palambing na ani niya napabuntong hininga ako.

Sinasabi ko na.

“No,” mariing saad ko nagsisimula ng maginit ang ulo ko.

“Anak naman pumayag ka na.” pamimilit pa rin niya umiling iling ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.

“Mom, pati ba naman kayo? Ayoko nangang bumalik diyan!” Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.

“Baby, please? Kahit para na lang sa’kin.” aniya sa nagpapaawang tono.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now