Chapter 28

3.6K 114 12
                                    

Pinasadahan ko nang tingin ang repleksyon ko sa salamin. Nangangatal ang mga kamay ko habang nakakuyom ang kamao. Ito na ’yon, ang araw na kailanman ay hindi ko pinangarap na dumating.

Muling naglandas ang luha sa pisngi ko, “Ma'am naman tigil na po sa pagiyak, pati ako naiiyak na sa ’yo e!” ani nang isang make-up artist habang patuloy lamang sa pagdampi ng panyo sa naging bakas nang mga luha sa mukha ko, at kapagkuwan ay nilalapatan ng concealer ang namumugto kong mga mata.

“Paypay pa bakla!”

Sinadyang papangitin nang bakla ang ekspresyon nito para lamang mapatawa ako ngunit iyon umubra. Isa ako sa mga taong mababaw ang kaligayahan, but right now I can’t afford to laugh, not even force a smile.

“Ma'am naman hush na, nasisira ang beauty niyo.”

Wala sa sarili at buntong hininga lamang ang naging tugon ko. Mas kumuyom pa ang kamao ko hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng kuko sa mga palad ko. Naiinis ako, inis na inis ako dahil wala manlang akong magawa sa mga oras na ito.

Tunog ng mga yabag at ’di kalaunan ay siyang pagsilip nang isang babae sa pintuan. “Bakla, ready na ’yung wedding gown. . .” pagwiwika ng isang babaeng kapapasok lamang sa dressing room.

Wala sa sariling sumunod ako sa kanila at hinayaan ko lang silang bihisan ako. I don't wanna put a fight anymore.

Elegant tube wedding gown ang pinasuot nila sa ’kin may mga burda nang puting bulaklak sa laylayan. Kung susumahin napakaganda nito, ngunit mas maganda kung si Tyler ang pagsusuotan ko.

“Ang ganda. . .” bulalas ko habang nakatitig sa malaking salamin at pinagmamasdan ang itsura ko.

Ramdam kong natigilan ang dalawang bakla sa pagaayos sa ’kin. “Malayong malayo sa nararamdaman ko ngayon," dugtong ko pa dahilan para maaalarma ang dalawang bakla matapos magsunuran ang pagtulo ng bagong luha sa mata ko.

I know they're pitying me, I looked so pathetic right now.

“Misha? Baby?”

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Mama, may gulat sa mga mata niya ng makita ang itsura ko ngunit kaagad din iyong umamo.

Naramdaman ko ang pagpunas niya sa pisngi ko matapos niyang makalapit.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

“I'm sorry, anak. Walang magawa si mommy. . .”

Umiling ako. “No, ma. It's okay, ayoko ring madamay pa kayo,"

“Naturingan pang ako ang mama mo pero wala akong magawa para tulungan ka.”

Ngumiti ako ng pilit. “Hindi na kailangan ma, okay lang ako magiging okay din ako.”

No, I’m not. I don't think I'll ever be.

"Anak naman, masiyado ka nang naghihirap sa kamay ng papa mo!”

Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. “Kung ito ang gusto niyang gawin ko gagawin ko.”

Pinunasan ko ang luha niya at saka ngumiti.

“Lumabas na po kayo, antayin niyo na lang ako sa labas.”

How I wish Tyler could help me.

* * *

Malakas ang naging pagtama ng isang lata ng beer sa isang bar counter. Wala ng nagawa pa si Cadrus kung hindi ang mapaigik at magbukas muli ng isa pang lata ng beer.

“Since when did you become this cheap? Really? A beer?” aniya sa nauuyang tono. “Nakakainsulto naman yata sa high class bar ko na ang isang VIP na kagaya mo e beer lamang ang iinumin. Iyong nasa lata pa.”

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now