Epilogue

4.8K 136 5
                                    

“What do you think about these two? Both ABM students, parehas makinis at maganda pero alam mo pare kung ako tatanungin dun ako sa kanan, halata kasing study first itong isa.”

Hindi interesado at ipinagpatuloy lamang ni Tyler ang ginagawang paglalaro sa hawak na cellphone walang balak na makinig sa kaibigang kanina pa kuda ng kuda sa harapan niya.

Ilang sandali pa’t nag-flash ang salitang ‘game over’ sa kaniyang telepono kaya naman pabalya niyang ibinagsak ito.

“Eh ito kaya? Thick pare thick!” Mabilis na nakatanggap nang malakas na batok ang kaibigan niyang si Asher mula sa katabi nitong si Cadrus nang sa harapan nila ay ibaba nitong ang litrato ng isang p*rn star.

“G*go, saan mo naman napulot ’yan e hindi naman kasama ’yan,” pagwiwika ni Cadrus.

Malalim ang hinugot na hininga ni Tyler bago pinasadahan ng tingin ang lamesa nilang puno ng mga litrato ng iba’t ibang babae. Kasalukuyang naghahanap ng babaeng marereto para sa kaniya ang mga kaibigan, nakakainis man ngunit iyon ang kanilang daan para makiramay sa nagluluksa niyang puso matapos iwan ng kasintahang si Kim.

Although he doesn't really mind about what happened between him and Kim, it’s not like their relationship was that serious. Isa pa, simula ng mahuli niya itong niloloko siya ay hindi na gaya dati ang nararamdaman niya rito.

Umismid siya’t dumampot ng kung anong una niyang mahawakan sa lamesa, matapos ay walang tinginan niya iyong ihinarap sa mga kaibigan. “Her, I want her. Bring her to me at dusk tomorrow,” he challenged.

Alam naman kasi niyang hindi iyon magagawa ng mga kaibigan niya, he just wants them to stop with their shits dahil kung hindi siya pipili ay hindi pa ito mga titigil.

***

“Enough with that.”

Kaagad na inagaw ni Tyler ang bote mula sa pagkakahawak ng kaniyang kakambal na si Kyler. Ilang beses siyang napabuntong hininga ng itabig lamang siya nito at lagukin ang natitirang laman ng bote.

“Ngayon lang kita nakitang ganiyan, you look so ugly when you’re drunk,” aniya sa nanguuyam na tono.

Masamang tingin ang ipinukol sa kaniya ni Kyler. “Hoy, baka nakakalimutan mo magkamukha lang tayo,” he rebutted.

Umiling iling si Tyler at saka tinabihan ang kapatid. “Tell me what happened? Bakit kailangan pa ’kong papuntahin dito ni Lola just to kick your a*s.”

Nandidiri niyang tiningnan ang kapatid na si Kyler nang magsimula itong humagulgol dala ng kalasingan. Walang habas itong yumakap sa kaniya dahilan para pumahid ang malagkit nitong uhog at luha sa damit niya.

“Remember that girl I always talked about? She finally replied to my letters, Ty.”

Nanatiling tahimik si Tyler, nakatunghay at naghihintay ng susunod na sasabihin ng kapatid.

“But it was a reply of rejection, ayaw niya sa ’kin, Ty.”

Kumawala ang malakas na halakhak sa bibig ni Tyler. Ngumuso at nagtataka naman siyang tiningnan ni Kyler na para bang nainsulto ito sa ginawa niyang pagtawa matapos ay mahina siyang sinuntok sa tagiliran.

“W-Wait let me just laugh for a bit.” Mas lumakas ang tawa niya at humahampas hampas pa sa sahig na kinasasalampakan nila.

Ilang segundo matapos makita ang iritable at hindi natutuwang mukha ni Kyler ay pinilit niya ring tumigil, tumikhim siya bago nagsalita. “Sino ba namang hindi? Even I would reject you.”

Mas lalong humaba ang nguso ni Kyler ng sabihin niya iyon. Mabilis na sumeryoso ang mukha niya, gone was the haughty written in his face before.

“You know what, hindi naman kasi pare-parehas ang mga babae. Did you even tried knowing that girl’s personality? Not all girls will giggle to your love letters, why not try not being a coward? Bakit kase hindi mo harapin ng personal hindi iyang nagtatago ka sa mga letra mo.”

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now