Chapter 25

3.8K 102 2
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, sumalubong sa ’kin ang sinag ng araw na nagmumula sa labas, nakabukas ang bintana at nilipad ng hangin ang asul na kurtina.

Napangiti ako nang bumaling ang pangit ko sa apat. Nakadapa si Z sa tiyan ni Tyler nakaunan naman sa paa niya si X habang nakasiksik naman sa braso niya si Y.

Matapos makaramdam ng uhaw ay napagpasiyahan kong bumaba. Maingat ang ginawa kong paglalakad para hindi makabulabog sa ibang natutulog pa. Mukhang ako pa lamang ang gising, satingin ko rin ay ala-sais pa lamang ng umaga.

Tinungo ko ang kusina at kaagad na dumiretso sa tapat ng refrigerator. Kumuha ako ng malamig na tubig doon at mabilisang nilagok. I immediately feel refreshed.

Akmang babalik na akong muli sa taas nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone mula sa bulsa nang suot kong pajama.

“Ano?” wala ng pagbati pang sagot ko sa kabilang linya.

Tanging katahimikan lamang ang nakuha kong sagot kaya naman mabilis kong tiningnan ang telepono para kumpirmahin kung si Mico nga ba talaga iyong tumatawag.

“Mish. . .”

Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang mahimigan ang pagdadalawang isip sa tono nito. “Ano? Anyare sa ’yo?”

I can hear him sigh exasperatedly. “I’m here, labas ka.”

Surprised and confused, I made my way to the window. Hinawi ko ang kurtina rito at mula sa labas ay natanaw ko ang pigura ng kapatid ko nakasuot ito ng itim na polo. Although I can't see his expression because of a white cap covering his face I can feel that something is wrong.

“What in the world are you doing here?”

Wala akong nakuhang sagot sa halip ay ang tunog senyales na pinatay niya na ang tawag ang akin lamang narinig.

I heave a sigh, leaving me no choice but to open the door and face him. Salubong ang kilay na pinanood ko siyang magpabalik balik sa harapan ko matapos kong makalabas.

“Anong problema at kinailangan mo pa talagang pumunta rito?”

Bumuntong hininga muna siya bago isinandal ang sarili sa kotseng dala niya. “Dad wanted to see you. . .” may pagputol sa pagsasalita niya, hinintay ko ang kasunod nito pero tanging tunog ng paa niyang pumapadyak padyak sa lupa lamang ang nakuha ko.

“And so?”

Hinubad niya ang suot na sumbrero at saka ako pinakatitigan nang malalim. “I have a bad feeling about this.”

Pareho kaming natigilan, hindi kalaunan ay tinapik ko ang balikat niya. “Ngayon na raw ba?”

“Mish, he even told me to pick you up. May mali talaga sa kutob ko!”

Pumikit ako nang mariin bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “Hindi ko naman isinasantabi ’yang kutob mo, but there's only one thing to make sure,”

“Wait for me, magbibihis lang ako.”

Aangal pa sana siya pero nagpauna na ’kong pumasok.

Dumiretso ako sa banyo at pagkasarado sa pinto ay napasandal na lamang ako roon. Mico’s intuition had always been right. Kahit gago ang isang ’yon kailan man ay hindi niya ’ko pinahamak.

Habang dinadama ang lamig ng tubig, sumagi sa isip ko ang mga pinagdaanan ko bago ko narating ang puntong ito. My father have always been a trouble for me. Well, he already think of as a rebel. Hindi naman siguro masama kung lulubusin ko na.

Ilang minuto matapos maligo ay tinungo ko ang kwarto. Mahimbing pa rin ang tulog ng apat. Kumuha na lamang ako ng sticky note sa bag at idinikit iyon sa lamesa kung sakaling hanapin nila ako. Iniwan ko rin doon ang gamit ng triplets. Hindi ko na ginising pa si Tyler dahil alam kong pagod din ito.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now