Chapter 19

4.4K 144 13
                                    

Nakatitig lang ako sa kanya habang nagtitipa siya sa loptop niya. I admit, na sobrang gwapo niya sa suot niyang salamin, pero hindi iyon ang issue dito.

"Can you just let me go? Please?" pakiusap pero para lang akong hangin sa kanya dahil patuloy lang siya sa ginagawa.

Ibinagsak ko ang dalawang kamay sa mesa niya. "Kailan mo’ko balak paalisin?" kunot noo kong tanong at sa wakas ay nagangat na siya ng tingin, tinanggal niya ang salamin at hinimas himas ang baba niya na parang nagiisip.

"Hmm? How about," pagputol niya na kaagad kong ikinairita. "I don't have a plan on letting you go." Marahas akong napabuntong hininga dahil sa isinagot niya.

Padabog akong bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kaniya.

"Argh!"

Inis na asik ko matapos ay ginulo ang buhok. Isang araw na akong nandito at paniguradong hinahanap na ako ng tatlo, hindi rin naman kasi 'yon uuwi nang hindi ako kasama kaya nakakasiguro akong nag-check in lang sila, hindi rin naman ako makatawag dahil na kay Tyler ang phone ko.

Nagtataka akong napabalik ang tingin sa kanya nang tumayo siya at hilahin ako sa kamay hanggang sa makarating kami sa dinning room, saktong pagkakakita ko sa mga pagkain ay tumunog ang tiyan ko.

Hindi pa nga pala ako kumakain. Pinaghila niya ako ng upuan kaya naman umupo ako doon, choosy pa ba 'ko? E, nagugutom na'ko, kukuha na dapat ako ng tapikin niya ang kamay ko.

"Let me." Siya na ang nagsandok para sa akin, nagugutom na talaga ako kaya hinayaan ko na lamang.

Sinimulan kong lantakan ang pagkain. Pero hindi pa ako nangangalahati nang maramdaman ko ang mga titig niya.

Tinaasan ko siya nang kilay, nakapatong ang mukha niya sa dalawang braso at mariing nakatitig sa akin.

"Hindi ka kakain?" Umiling lang siya at saka inusod palapit sa akin ang ulam.

Nagkibit balikat na lang ako, bahala siya basta ako kakain.

Matapos kumain ay uminom ako ng tubig.

Sinamaan ko siya ng tingin nang may ibato siyang paper bag sa mukha ko kahit kailan ang sama ng ugali niya.

"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko sa kaniya.

Umirap siya bago sumagot. "Kainin mo," sarkastikong aniya.

Imbes na mainis ay natawa pa ako sa kanya, ang cute niya kasi magsalita ng tagalog, ngayon ko lang siya narinig na magtagalog, nasanay ako na ingles ang wika niya.

"What so laughable?" magkasalubong ang kilay na saad niya.

Napalayo siya nang ilapit ko ang mukha ko. "Ulitin mo nga," I teased him.

Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay niya kapag ganyan ang mukha niya para siyang si Y na bagong gising.

"Repeat what?" kunot noo niyang tanong, hinawakan ko pa ang bibig niya at pilit ibunubuka.

"Dali na sabihin mo ulit." Iwinaksi niya ang kamay ko saka tumalikod at walang pasabing umalis, anong problema no'n?

Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng tainga niya na palihim kong ikinatawa. He didn't change, ganoon pa rin ang reaksyon niya mula pa noon.

Binuksan ko ang paper bag na ibinigay niya— rather ibinato niya sa akin. Damit pala ang laman niyon, inamoy ko ang sarili. Kahapon pa pala ako hindi naliligo.

Umakyat ako sa kwartong pinagdalhan niya sa akin kahapon.

Ang totoo ay sinubukan ko ng tumakas mula rito. At syempre kaya nga nandito pa rin ako ay dahil nabigo ako. Naka-lock ang buong unit mula sa pinto, bintana, balcony at iba pa. Kaya iyong ipinagtataka ko dahil maski siya ay hindi lumalabas.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt