Chapter 8

5.3K 182 8
                                    

Ako na ang nagayos ng lamesa para sa hapunan tutal si lily naman ang nagluto.
Matapos kong ihanda ang lamesa ay tinawag ko na sila sa sala.

Agad namang tumakbo palapit sa’kin ang tatlo, pinaupo ko na sila sa kanikanilang upuan kasunod si kuya na hawak hawak ang namumulang kamay niya.

“Nangyari sa ’yo?” Natatawang asar ko sa kanya ng makaupo siya sa tabi ko.

“Ipaalala mo ngang h’wag galawin si Y, kapag natutulog.” mangiyak ngiyak niyang ani dahilan para mas lalo akong natawa.

Kitang kita sa kamay niya ang napakalalim na bakat ng maliliit na ngipin.

“Magbiro ka na sa bagong gising, h’wag lang kay Yhler na antukin.” nanghihina niya wika. tinapik tapik ko siya sa balikat, kaawa awang nilalang.

“Ikain mo na lang ‘yan Mico.”

“The food is ready,” Inilapag ni Lily ang niluto niyang ulam ‘tsaka umupo sa tabi ni Y.

Nagsimula na kaming kumain.

Umalis na si kuya pagkatapos namin kumain, nagpabook naman daw siya ng hotel kaya may matutulugan siya ngayong gabi bukas na rin kasi kaagad ang uwi niya.

Ibinaba ko na sa kama si Y kaagad naman syang yumakap sa unan niya. Oo may time na gising siya pero mas lamang pa rin talaga ang oras na tulog siya, nahiya ang eye bug sa anak ko. Hindi ko mapigilang manikip ang dibdib sa tuwing iisip ko ang problema ng anak ko.

Yhler has hypersomnia, I find her sleepiness weird kaya naman naisipan ko siyang ipatingin noon sa doktor.

Medyo nakahinga hinga na ako ng maluwag ng medyo nabawasan na iyong pagiging antukin niya. Naalala ko iyong isang beses na natulog lang siya ng buong araw and it quite alarmed me. Ngayon he’s currently in a treatment and we’ve consulted a psychiatrist. Nalulungkot lang ako na nakuha niya iyon dahil sa pagbubuntis ko.

Tapos ko na silang dalawa ni X paliguan kaya naman si Z na ang sunod.

“Z come here, time for you to take a bath,” Umiling iling naman siya sa’kin.

Hinawakan ko sya sa magkabilang kilikili tsaka binuhat pataas pero pilit syang nagpapabigat, kaya naman nahihirapan akong itaas siya.

“Z ang baho mo na anak.” Umiling uli siya at mas lalong nagpumiglas.

“No, Zyler don't like water! No, Zyler don't like water!” pinagsalikop nya pa ang dalawang braso nya sa tapat ng dib dib nya.

“You have to, or else the monster will eat you.” Parang natakot naman siya sa sinabi ko kaya pumayag na siya.

"Mommy it's cold, Mommy it's cold,” Umiiyak nyang wika at nagkakakawag pa siya ng ilapag ko sa loob ng tub.

“Its okay, Mom will make it quick.”

Natapos ko naman siyang paliguan kahit pa ngawa siya ng ngawa.

I gently placed him beside the two. Pinatulog ko muna silang tatlo bago ako pumasok ulit sa Cr.

Isa Isa kong tinanggal ang damit ko tsaka lumublob sa tub. I think I need to freshen up a bit.

Kaagad na kumalma ang sistema ko ng tumama ang katawan ko sa tubig. Napakasarap no’n dahil humahalo ang lamig ng gabi sa init ng tubig.

Dahan dahang bumagsak ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa ang nakakakalmang tubig ay unti unti akong hinihila sa pagtulog.

I hope this feeling won't last.

“Omg! Misha, are you okay? Wake up!”

Kaagad na kumunot ang noo ko bago dahan dahang iminulat ang mga mata. Ramdam ko ang mahihinang tapik ni Lily sa mukha ko.

“Lily?” taka kong tanong nang bumungad sa akin ang nagaalala niyang mukha.

“Gusto mo bang magpakalunod?” galit niyang sermon na kaagad kong ikinataka.

“Huh? Of course not!” pagtanggi ko, napadaing ako ng kurutin niya.

“E, bakit nakalublob ang buong ulo mo riyan sa tub? Hindi mo manlang pinatay ‘yong tubig, punong puno na! Saka bakit may dugo iyang kamay mo? Naglaslas ka ba? Aatakihin ako sa puso sa ’yo!”  Mahaba niyang litanya.

“Sorry, nakatulog yata ako.” Binura ko gamit ang tubig ang sinasabi ni Lily na dugo sa palapulsuhan ko. “Ito? Shampoo ‘yan, masiyado kasing makulit si Z kanina kaya kumalat.”

Kita ko ang pagbuga niya ng hangin na parang nakahinga siya ng maluwag.

“Are you okay?” Kinunotan ko siya ng noo matapos niyang itanong iyon.

Sumandal ako sa balikat niya. “Sa totoo lang ay hindi.” I said between my sighs. “Pero hindi naman dahilan ‘yon para lunurin ko ang sarili ko. Hindi ko puwedeng iwan ang tatlo.”

Tinaasan niya ako ng kilay. “I swear, nakatulog nga lang talaga ako.” I assure her.

“Talk, ilabas mo ‘yan lahat. Makikinig lang ako.” aniya at saka tinapik tapik ako sa balikat.

Bumuntong hininga ako pagkatapos ay nagsalita. “Hindi ko na alam Lil, pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.”

“Bakit kung kailan masaya na ako. Kung kailan ayos na ako, ay saka naman magugulo ang lahat. Lahat ng pinaghirapan kong buoin.” mahabang litanya ko.

“Hindi pa ako handa Lil, ayoko pang bumalik doon at hayaang masira ulit.” I whisper trying my very best holding back my tears.

Naramdaman ko ang pagbalot ni Lily sa akin ng isang tuwalya. I didn't even noticed I was naked in front of her.

“Iniwan nila ako ‘di ba? Ipinagtabuyan nila ako, ni hindi manlang nila tinanong kung nahihirapan na ba ako tapos ang kakapal ng mukha nilang pabalikin ako roon.” pagpapatuloy ko.

“Hindi ko naman kailangan ng tulong nila. Makita pa lamang iyong disappointment sa mga mukha nila ay sapat na. Nakaya ko naman e, kinaya ko, at kakayanin ko pa rin.”

My tears began to flow. Sa pagkakataong ito ay hindi ko iyon pinigilan. Hinayaan ko iyong masaganang tumulo, kasabay ng marahang paghagod ni Lily sa likod ko. “Shh I’m here, iiyak mo lang ‘yan. Hate them all you want. Kung iyan ang ikaluluwag ng dibdib mo.”

Pagkasabing pagsabi niya noon ay kumawala ang isang hindi pamilyar na hagulgol. Mga hagulgol na matagal ko ng kinikimkim. Naalala ko ‘yong mga panahon na sinubukan kong tumawag sa kanila, may sakit si Y noon at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nilunok ko ang pride ko para sana subukang humingi ng tulong. Pero malulutong na mura lang ang natanggap ko.

Yhler is fuckin’ two weeks old back there. Walang nakakaalam kung gaanong kaba ang nararamdaman ko noong sabihin ng doctor na hindi na raw humihinga ang anak ko. I remember running from the house bare footed, kalong si X at Z para lang madatnan ang makailang beses na pagpump ng doctor sa dibdib ni Y and he’s not responding.

“I almost lost one of them,” my voice cracked, Pinunasan ko ang luhang walang humpay sa pagtulo.

“He said what? That he—he will find me?” Hindi ko mapigilang matawa.

“Why now? Bakit hindi pa noon? Kailangan ko siya noon e, bakit wala siya? Bakit ako lang magisa? All this time, naghintay ako. Nagbabaka sakaling mapansin niya iyong biglaang pagkawala ko at hanapin ako.”

“Pero hindi e, kaya ko na. Hindi na niya ako kailangan hanapin. Kasi ako, ako hindi ko na siya kailangan.”

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now