Chapter 20

4.1K 114 3
                                    

"Bes naman, nasa'n ka ba kasi?" rinig kong reklamo ni lily sa kabilang linya, pasalamat na lang ako at ibinalik ni Tyler ang phone ko.

"Ano ha? Nagtanan na ba kayo? Bakit naman kung kailan may anak na kayo?" Napairap ako sa kabaliwan niya, kung nandito lang siguro siya ay baka nabatukan ko na siya. Masiyadong oa.

"Bruha ka, h'wag ka ngang maingay," pabulong kong saway, tinanaw ko mula rito si Tyler na nakaupo sa sofa.

Kaagad akong nakahinga nang maluwag matapos makitang busy ito sa panonood nang tv.

"E' kasi naman po, nade-drain na ang utak ko sa kakaisip ng palusot sa tatlong 'to, bes 'di ko na kaya," reklamo niya dahilan ng pagbuntong hininga ko, naawa naman ako sa sinabi niya.

"Magisip ka na lang muna ng kahit ano, gagawa na ako ng paraan para makaalis dito," pabulong kong sagot.

"Oo na! Basta bilisan mo, nagdududa na ang tatlo. And for sure, hihiritan na nila akong hanapin ka sa kahit saang sulok ng Baguio," aniya sa nangungunsuming tono.

"Kung kailangan kong talunin mula rito hanggang pababa gagawin ko, makaalis lang rito,"

Huminga muna ako ng malalim, bago naglakad papuntang sofa. Maingat akong tumabi sa kanya habang may malawak na distansya sa pagitan namin.

Go, Misha kaya mo 'yan!

Walang pasabing inagaw ko ang remote sa kaniya at pinatay ang tv.

"Hey, I'm watching!" reklamo niya bubuksan niya pa ulit dapat muli iyon pero itinago ko ang remote.

"No we need to talk," seryosong ani ko sa kanya, mukhang nakuha naman niya ang gusto kong iparating dahil hindi na siya nangulit pa. Dapat lang.

Napalunok ako nang humarap siya sa 'kin ng may seryosong ekspresyon at kapag kuwan ay taasan ako nang kilay.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko para kahit papaano ay kumuha ng lakas mula roon.

Pinakawalan ko ang mahabang buntong hininga bago siya hinarap nang maayos.

"Why are you doing this?" panimula ko at hindi na bago sa akin ang hindi pagbabago sa ekspresyon.

"Doing what?" balik niyang tanong na tila ba ay wala siyang alam sa lagay na 'yan.

"Seryoso ako, kaya sumagot ka ng maayos," asik ko pinipigilan ang sariling sigawan siya dahil kanina pa nagiinit ang ulo ko sa kaniya.
"Gusto ko na lahat ng tanong ko ay sasagutin mo ng matino," paalala ko sa kanya para matapos na ito.

He just stared at me. "Why are you doing this? "ulit ko sa tanong kanina.

"I don't know," walang sense na sagot niya hindi ko mapigilang pagsalubongan nang kilay ang naging sagot niya. 

"Pinagloloko mo ba ako?" Paulit ulit lamang ang tanong at ang nais ko lang naman ay matinong sagot kanina pa nagsisimulang maubos ang pasensya ko sa kaniya.

"No, it's just that—" Tinaasan ko siya ng kilay inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"Just that?" tanong ko nang hindi pa siya magsalita matapos ng isang minuto.

Bumubuka ang bibig nyia pero sasara rin ng wala siyang sinasabi at sa totoo lang talaga namang nakakairita.

"It's just that. . . I don't know why," kaagad akong napangiwi sa isinagot niya. Ginagago niya ba ako?

Pakiramdam ko ay ang natitirang pasensya ko ay nasagad na. "Hah! So all this time ikinulong mo 'ko dito kasi wala lang?" pasinghal na ani ko habang naiiling na napatingin sa kaniya. "Don't tell me pinaglalaruan mo lang ako?" dugtong ko pa pero tinitigan lamang niya ako.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now