Chapter 11

4.9K 162 2
                                    

Miyerkules na ngayon, two days na ang nakalipas simula ng lumipat si Kyler at nasasanay na rin ako na nandito siya.

Nakalipad na rin pabalik si lily sa pilipinas kaya ako na ang naghatid sa mga bata sa school.

Hindi na rin siya nagsasalita ng mga alien words niya na siya lamang ang nakakaintindi. At kung magsabi nanaman siya ng ganoon ay hindi ko na siya pakikinggan alam ba niyang hindi ako nakatulog kakaisip sa mga sinabi niyang hindi ko naman maintindihan. Sa katunayan ay mag kasabay kaming magla-lunch ngayon, but of course he insisted because the last thing I want was be alone with him.

“Order ka na,” nakangiting sabi niya nang may lumapit na waiter sa amin dala ang menu.

Napatitig ako sa kaniya habang nagbabasa siya ng mga nakalista sa menu.

Magkaibang magkaiba sila ni Tyler.
Kahit mayabang ay palangiti naman siya friendly rin siya at magaan ang presensya.
Kabaliktaran ng kakambal niya parati kasing seryoso si Tyler hindi rin sya friendly at may pagkamagaspang ang ugali nakakaintimidate din kasi ang awra niya.

Pareho silang malakas ang dating sa’kin
Pero isa lang ang kayang magpakabog ng sobrang lakas sa puso ko. Na hindi ko nararamdaman ngayon sa kaniya. Kahit anong lapit niya ay wala akong nararamdaman.

“Anong order mo, Misha?” abot tengang ngiti niyang tanong, ngumiti naman ako pabalik sa kanya.

I'm not that dumb para hindi maramdaman ang pinaparating, I admit na itinatanggi ko lang iyon sa sarili ko.

Ayoko sa ginagawa niya ngayon kung ano man ang dahilan niya at sinasabi niyang may gusto siya sa akin hindi ako naniniwala roon.

“Can I ask,” panimula niya at tumango naman ako bilang sagot.

“Si kuya pa rin ba?” pagtukoy niya kay Tyler.

Hindi kaagad ako nakasagot pinakiramdaman ko ang puso ko hinanap roon ang sagot

Seryoso akong tumingin sa kaniya. Akmang magsasalita na ako ng tumunog ang telepono ko.

Incoming call.

Nagtaka ako ng pangalan ni X ang nakalagay sa  caller name. Tumingin muna ako kay Kyler bago lumayo at sagutin ang tawag.

“Hello Xyler baby? What’s the matter?” sagot ko sa kabilang linya.

Hindi naman kasi tatawag si X nang ganitong oras ng walang dahilan.

“Mom, Z speaking. Z speaking.” Mas lalo akong nagtaka ng si Zyler ang sumagot ng telepono. 

May narinig akong pagtunog. “Mom, it's Y can you come here at school—Z stop it!” Rinig ko pang reklamo ni Y. What’s happening?

“Why baby? What happened?” nagaalalang tanong ko.

“X is sick, he keeps on vomiting.” kaagad naman akong nataranta sa sinabi nya.

“Keep an eye on X okay? Wait me there, papunta na ako.”

Mabilis akong bumalik sa pwesto ni Kyler tsaka kinuha ang bag ko. “Kyler I have to go,” hindi ko na inantay ang sagot niya lumabas at na ako.

Napatampal na lang ako sa noo ko hindi ko nga pala dinala ang kotse ko, sabay kasi kaming pumunta dito gamit ang kotse niya.

No choice ako kun’di mag taxi na lang pero sa kasamaang palad walang dumadaan kahit isa kung meron man ay may nakasakay na.

Shit. What will I do?

Napaatras ako ng may tumigil na kotse sa tapat ko bumaba ang bintana at nakita ko sa loob si Kyler.

“Hop in,” pagaya niya.

Hindi na ako nagalangan pa at sumakay na sa kotse niya. Hindi ito ang oras para maginarte pa ako. Kailangang kailangan kong mapuntahan ang mga anak ko.

“Sa Marly’s day care, please.”

Nagtataka man ay pinaandar niya ang kotse.

Mamaya ko na aalalahanin kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa mga anak ko, for now I need to make sure that X is fine.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko seryoso namang nagdadrive si Kyler sa tabi ko. Nagaalala na ako kay X. Baka napano na iyon.

Tanaw ko na mula rito ang school na pinapasukan nila, pagkatapat na pagkatapat ay agad akong bumaba. Alam ko namang susunod siya kaya hindi na’ko nagabalang lumingon pa.

Lakad takbo ang ginawa ko papasok sa loob, nagtext sa’kin si Y na nasa comfort room daw sila. Dali dali akong pumasok sa loob ng comfot room at doon nadatnan ko ang mga anak ko kasama ni Teacher Ellie.

Hawak hawak ni Y si X lumambot naman ang ekspresyon ng mukha ko ng makita ko siyang namumutla, sa tabi naman ay ang umiiyak na si Z.

Agad kong dinaluhan si X. My poor baby.

Lumabas na kami ng comfort room, nakausap ko na rin si Teacher Ellie at na check up nad
raw sa clinic si X kanina kaso biglang nagsusuka kaya dinala sa Cr.

Halo halong pagkain daw ang dahilan kung bakit sumama ang tiyan niya. Hays, kung minsan kasi ay masyado ring matakaw ang isang ito.

Hinaplos haplos ko ang buhok niya habang buhat buhat ko, nakahawak naman sa magkabilang gilid ko sina ang dalawa.

Nadatnan namin si Kyler na nakasandal sa kotse niya at mariing nakatingin sa akin.

“We'll talk later,” tumango naman ako sa kanya at pinasok muna si Y at Z sa back seat bago pumasok sa shotgun.

Tahimik lang ang naging byahe pansin kong tahimik lang si kyler na nagdadrive, nahuhuli ko siya paminsan minsang sumusulyap kay X na natutulog sa kaliwang balikat ko.

Alam kong may namumuong konklusyon na sa isipan niya at hindi naman maiiwasan ‘yon isang tingin pa lang sa mukha nang mga anak ko lalo na kay X ay malalaman mo kaagad kung kanino nanggaling.

Pinatigil ko na nang makarating kami sa tapat ng bahay. Nauna akong lumabas tsaka ibinaba ang dalawang nasa likod. Dagli naman silang pumasok sa loob ng bahay.

Inakyat ko muna si X kasama ng dalawa sa kwarto, binihisan, tsaka pinahiga sa kama.

“Mga anak, bantayan niyo muna si kuya okay? May kakausapin lang si mommy sa labas,” pagbibilin

“Who is that guy mom?” Ngumiti Lang ako sa tanong ni Y.

Lamabas na ako ng kwarto at dumiretso sa baba para kausapin si Kyler. Sinenyasan ko siyang sumunod sa akin papunta ng sala at na kaagad niya naman sinunod at naupo roon.

“Kaninong mga anak ‘yon?” kunwari ay walang ideya niyang tanong.

Umiling ako. “I know that you already know the answer,” prangka kong sagot na ikinabagsak ng balikat niya.

“With whom?” umaasa pa ring tanong niya

“What do you think?” balik na tanong na alam kong sumagot sa walang kwenta niyang tanong.

“But how?” nanlulumong sabi nya umiling lang ako sa kanya.

“Hindi na importante ‘yon” iwas tinging sagot ko.

“Alam ba niya?”

Napatawa ako ng pagak dahil sa itinanong niya. “Dapat pa ba niyang malaman? May anak na siya sa iba,” napalitan ang seryosong mukha nya ng pagtataka.

“But he doesn't—”

Pinutol ko ang dapat na sasabihin niya. “Hindi mo sasabihin sa kanya.” mariing ani ko.

“Fine. But in one condition,” Napataas ang kilay ko sa tinuran niya. “Let me be close to them.”

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon