Chapter 22

4.1K 131 2
                                    

Naabutan ko si X na nakasubsob sa unan niya. Hays, kanina pa siya nandito hindi manlang siya lumabas para sa ama niya mukha nga talagang galit siya.

Tumabi ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Xyler, baby are you mad?" malambing kong pagaalo sa kaniya, tumambad sa 'kin ang namumula niyang mata na may bahid pa ng luha, na kaagad ko namang pinunasan.

"Are you mad at mommy?" paguulit ko sa sinabi kanina.

"No, I hate him!" Niyakap ko siya dahil sa sinagot niya matapos ay sinilip ko siya sa gitna ng mga braso ko.

"Why do you hate him hmm?" tanong ko

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko. "’Cause you're hurting because of him," pumupungas pungas niyang sagot dahilan para mas lalo ko siyang ikulong sa mga bisig ko.

This is the reason why I love the three of them, they're always here for me, they're always protecting me.

"Hmm? Then mommy will hate herself too." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran ko. "You hate your daddy because of me, so mommy will hate herself also."

Ihinarap ko siya sa akin gamit ang magkabilang balikat niya. "Anak, ayaw kong magtanim ka ng galit kanino man dahil masakit ’yon para sa ’kin ayaw kong maging mabigat ang dalahin mo hanggang sa paglaki mo. Kaya p’wede mo bang bigyan pa ng isang pagkakataon ang daddy mo para sa ’kin? Can you do that for mommy?"

Hindi man siya sumagot pero alam kong naintindihan niya ako. X was mature enough to understand me, no matter what his decision are, kung pipiliin niyang hindi patawarin si Tyler, nasa likod lamang niya ako.

"Bababa na muna si mommy okay?" Hinalikan ko siya sa noo bago nagtungo palabas.

Bibigyan ko muna siya ng oras para magisip kahit pa sabihing mature na siya magisip masiyado pa rin siyang bata para madamay sa problema namin.

Pagkababa ko ay naabutan ko ang magaama sa baba habang naglalaro. May kung anong humaplos sa puso ko habang pinapanood silang apat.

Nabaling ang paningin ko kay Tyler nang tawagin niya ako. "Ivhone I'm sorry, I think he did hate me that much.”

Umiling ako dahil sa sinabi niyang iyon. "No, my son's not as heartless as yours,”

Days had passed at palaging bumibisita rito si tyler at gayon na lamang ang tuwa ko dahil ramdam kong sinusubukan ni X na makisama na sa ama niya.

Naiirita akong napaupo sa sofa nagaalala na ako kay Lily, wala pa akong balita sa kaniya simula no’ng umalis siya may tiwala naman ako sa kanya, pero hindi ko pa rin maiwasan ang magalala dahil baka ano ng nangyari sa babaitang iyon.

Napaigtad ako ng maramdamang may humihilot ng sintido ko. "What are you doing?" nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Tyler.

"You look stressed."

Napairap ako, pero kalaunan ay hinayaan ko na lang siya dahil nakakadala rin naman ang pagmasahe niya, napapikit ako sa sarap na dulot ng ginagawa niya.

Nawala lahat ng iniisip ko matapos sumagi ang alalahanin na bukas na ang birthday ni dad.

Wait!

Napabalikwas ako ng bangon. Shit! Bakit ko ba nakalimutan?

"Hey where are you going?" Hindi ko pinansin ang pagtatanong niya at dumiretso sa mga bata.

"Hey babies aalis tayo dali!" pagmamadali ko sa tatlo habang tinulungan pang tumayo si Z.

"Ivhone,"

"Tyler can you give us a ride?" pagbaling ko sa kaniya habang isinusuot kay Y ang sapatos nito.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now