Chapter 9

5.2K 167 1
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumaba sa kotse ko. Kinakabahan man ay nagtuloy tuloy akong pumasok sa loob ng Xyz Corporation. Ngayon na ang araw nang meeting kaya kahit hindi pa ako handa ay kailangan kong harapin ito. Lalo pa at nakasalalay ang kumpanya ko dito.

Seryoso akong naglakad sa gitna ng ground floor. I have to be professional hindi ako naghirap magaral para lang sa wala. No personal issues muna.

Dire-diretsong pumasok ako sa elevator ‘tsaka pinindot ang floor ng office ko.
Seven am palang nine pa ang simula ng meeting kaya naman may oras pa’ko.

Bumungad sa’kin si Riza na nakaupo sa pwesto niya kaagad naman siyang tumayo saka sumabay sa’kin papasok sa office ko.

“Ayos na ba ang lahat?” panimula kong tanong sa kaniya.

“Yes ma’am,” Seryosong sagot niya

“Are you sure the Montero will come?” panigurado ko na kaagad niyang tinanguan.

“I am sure, ma'am.”

Tumango tango ako. Sinenyasan ko siyang pwede na siyang bumalik sa pwesto niya.

Inayos ko ang upo at nilibang ang sarili sa pagbabasa ng mga reports. Kailangan ko ng isipin kung ano ang gagawin ko mamaya.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko muna sa bag. Tumatawag si lily

“Hello, Lily?”

“Ayos ka na ba?” aniya mula sa kabilang linya.

Napangiti ako “Oo naman.”

“Sure ka na ba?” nagaalalang tanong niya.

“Satingin ko,” sagot ko na may pagaalangan.

“Pwede ka pa namang mag-back out,”

Natawa ako sa sinabi niya. “Okay lang ako, walang mangyayari kung palagi akong ganito, saka isa pa ayoko namang mawala sa’kin ang kumpanya ko no. Bukod sa mawawalan ako ng trabaho napamahal na rin sa’kin ang mga empleyado ko.” mahaba kong paliwanag sinusubukang kumbinsihin siya at ang sarili ko na kaya ko na nga.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

“Sige na nga, basta nandito lang ako ha. Fighting!” aniya sa matinis na boses pawang ichini-cheer ako.

“Oo na ‘yong mga anak ko, pakialagaan muna.”

Matapos no’n ay ibinaba ko na ang tawag. I need to face this, kahit naman mag-back out ako ay wala ring mangyayari.

Tiningnan ko ang wall clock na nakasabit dito sa opisina ko. Kaagad akong napakagat labi.

Time check 8:45 am fifteen minutes to go.

Kung ano ano ng nagawa ko dito sa office. Kinakabahan ako sa bawat pagpatak ng oras.

8:57

Bakit parang sobrang bilis naman ng oras

8:59

9:00

Shit. Oras na, kailangan ko ng harapin ang taong gustong umagaw ng pinaghirapan ko.

Tumango ako kay Riza pagkalabas ko ng office, agad naman siyang sumunod sa’kin.
Mabibigat ang mga hakbang na umakyat kami sa floor ng meeting room pagkatunog na pagkatunog ng elevator ay magkasabay kaming lumabas ni Riza.

Tanaw ko na mula rito ang pinto ng meeting room. Napahigpit ang kapit ko sa folder na binigay ni Mr. Mendez nang nasa tapat na ako ng pintuan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib. Handa na nga ba akong makita siya? Parang gusto ko na tuloy umalis at sundin ang sinabi ni Lily.

Hiding Tyler Montero's Triplets [Revised]Where stories live. Discover now