CHAPTER 4(The Childish Billionaire)

1.1K 38 1
                                    

Warning: Please read at your own risk!

Iyana's POV

"Alam mo magtigil ka ha?? Bilhin mo na ang kailangan mo at tantanan mo ako! " pasigaw na saad ko at iniwan siyang nakatayo dun.

"Baby! " napahinto nalang ako sa sigaw nito.

"Ganon ganon lang yun??! Hindi mo man lang ako pananagutan? Pagkatapos ng lahat ng nangyari?!!
Porket nakuha mo na ang gusto mo?! " sigaw ulit nito at tila broken hearted pa ang hinayupak.

Napapikit nalang ako sa kahihiyan.

Lamunin na sana ng lupa ang hinayupak nato.

"kawawa naman yung boy, ang cute pa naman"

"oo nga, sayang siya kung sana ako yung jowa niya hindi siya aabot sa ganyan" bulong ng nasa paligid ko.

"I-itigil mo nga yan" pabulong na sabi ko ng makalapit ako dito

" Ikaw kasi baby pinaasa mo ako, may pa hubby hubby kapa tapos ng makuha mo puso ko iiwan mo nalang ako ng basta basta" nakangusong sabi nito at sinadya pa talagang palakasin ang boses niya para marinig ng nasa paligid namin.

Gosh!!! Sasabog na ako sa hinayupak nato. Ayoko na!!

"Gosh!!! Nanggigigil na ako sayong hinayupak ka!! Tara na nga" sabi ko sabay hatak sa kanya.

"Doon tayo baby" sabi nito ng nakangiti sabay turo sa isang shop dito sa mall.

Sarap dukutin ng mata ng hinayupak nato.

Nagpahila nalang ako hanggang sa makarating kami sa mismong shop.

Mahirap na baka yung anong trip na naman ang maisip ng lalaking to.

"Good afternoon ma'am, sir" bati ng sales lady samin

"Good afternoon, naghahanap kami ng suit na babagay kanya. " saad ko

"This way po" sagot nito

"Pilian mo ako baby" nakangiting saad nito sabay hila na naman sakin.

Hmm may nabasa akong ganitong eksena sa wattpad eh, magaya nga.

"Eto po ang stock namin ma'am, sir" sabay pakita ng naghihilerang mga damit.

"Pilian moko ng babagay sakin baby" nakangiting sambit nito sakin.

Bakit hindi ko feel?

Yung mga character naman sa nababasa ko tuwang tuwa pag pinipilian nila ang boy?

Haist baka kailangan ko lang ng arte.

Lumapit ako sa mga damit at sinuri ito isa isa.

"Try mo to" saad ko sabay kuha ng isang black suit.

"Eto pa, ahh eto maganda." kinuha ko lahat ng magustuhan ng mata ko, feel ko talaga bagay sa kanya lahat ng pinili ko.

Hmm, baka pumasa na siya bilang isang wattpad character.

"Ahhh! Eto magan-"

"Sandali lang baby" biglang sambit nito kaya tiningnan ko siya pero bigla akong nag alala dahil namumutla ito.

"O bakit?? May problema ba?" tanong ko dito

"E-ehh kasi-" nauutal nitong tanong

"Ano? " tanong ko

"Kasi ang mamahal ng suit nila, baby" naka labing tanong nito.

Habang kumukuha pala ako ng damit ang hinayupak naman panay tingin ng presyo

My Naughty Girl Where stories live. Discover now