Chapter 27 (Chasing Him)

897 31 9
                                    

Iyana's POV

Pagkatapos kong maghalf bath ay naglakad lakad ako sa dalampasigan.

Gabi na kaya napupuno ng butuin ang kalangitan.

Bigla akong nalungkot ng maalala ko si cyrus its been 5 months ng hindi ko ito makita.

Sana ok lang siya.

Naramdaman ko nalang ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

I'm sorry Cyrus.

Habang naka tingin sa kalangitan ay naramdaman ko nalang ang ang isang mainit na tela na bumalot sa balikat ko.

"C-chen chen. " sambit ko

"Sana nagdala ka ng jacket para hindi ka lamigin dito" saad nito at inalis ang kamay sa balikat ko

"Salamat" sagot ko dito

"Wag kang mag alala, makakaalis din tayo dito at makikita mo rin ulit si cyrus" saad nito.

"Hindi natuloy ang kasal namin ni Cyrus " simpleng sagot ko.

"I'm sorry to hear that, yan ba ang dahilan kung bakit umiiyak ka? " saad nito at kahit madilim ang paligid Ay kita ko ang mga nag aalalang Tingin nito.

" Actually no, hindi yon ang dahilan. Oo nasaktan ako dahil nasasaktan siya pero mas nasasaktan ako dahil tila hindi man lang ako kayang sulyapan ng taong mahal ko" malungkot na saad ko at tumingin sa mga mata nito.

Nilihis nito ang tingin niya kaya bahagya akong napangiti ng mapakla..

" Minsan na akong nagkamali sa pagdedesisyon kaya itatama ko iyon ngayon at sisimulan yon dito" saad ko at hinalikan ito sa labi na ikinagulat nito.

"Hindi mo parin ba naiintindihan chenchen? " naluluhang saad ko.

Nilihis nito ang tingin niya sakin.

"Matulog na tayo, gabi na kaya delikado na dito dahil baka may mga mabangis na hayop ang makita natin. " simpleng saad nito at tinalikuran ako.

" Napakamanhid mo talagang impakto ka" bulong ko at sinundan ito.

Kinabahan na nga ako ng todo sa paghalik sa kanya tapos tatalikuran lang ako ng basta basta, pashnea ka talaga chenchen.

Napangiti nalang ako ng may maisip akong kalokohan.

Tingnan lang natin kung hindi umurong yang katorpehan mo

Tsk.

Kinabukasan

"Good Morning! " nakangiting bungad ko sa lalaking tila pinagsakluban ng langit at lupa ang pagmumukha.

Patuloy itong kumakain kaya napanguso nalang ako.

Bakit kaya ang sungit nito sakin?

Tsk

Umupo ako sa tapat nito at tinitigan lang siya.

"Kumain kana" malamig na saad nito.

" Busog na ako kaya kumain kalang" saad ko at patuloy itong tinitigan.

Tingnan natin kung hindi ka mahulog sa cuteness ko.

Hindi nito tinapos ang pagkain at niligpit agad ang pinagkainan niya.

"Bakit tapos kana agad? " tanong ko dito

" Nawalan na ako ng gana" simpleng saad nito.

" Grabe ka naman, nakakawalang gana ba ang pagmumukha ko? " inis na saad ko dito.

Tiningnan nito ako at ngumisi.

Bigla akong kinilabutan sa inasta nito.

Humakbang ito palapit sakin na mas lalong ikinakaba ko.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now