CHAPTER 18 (letting you go)

562 19 3
                                    

Iyana's POV

" Tingnan mo ang dugyot muna" natatawang saad nito.

" I want us to be friends xyra dahil kahit hindi ako ang taong mapapakasalan mo, gusto kong manatiling isa sa mga taong poprotekta sayo" seryosong saad niya.

Wala akong magawa kung hindi yakapin siya.

"Napakaiyakin mo talaga" natatawang saad nito.

Tama siya, hindi ko kayang saktan si cyrus sa kahit anong paraan at si knight may mahal na siyang iba, may tao siyang hinihintay kaya wala akong karapatan para hindi ibigay ang kaligayahan niya para lang sa sarili ko.

" I'm sorry, namiss ko lang talaga si chenchen" saad ko at pinunasan ang luha ko

"It's still me xyra, ako parin si chenchen na kababata mo kaya sana ituring mo paring ako siya. Naiintindihan mo ba? " nakangiting saad nito. Tumango tango lang ako

Ilang sandali pa ay naging payapa ulit ang paligid kahit ang nararamdaman ko tila naalisan ng tinik pero hindi parin maaalis nito ang sakit.

Habang nakasandal sa balikat niya ay bahagya kong ipinikit ang mga mata ko.

" Ano nangyari sayo pagkatapos nating magkahiwalay? Nagkaayos na ba ang lolo mo at papa mo? " tanong ko dito habang lumalanghap ng sariwang hangin

"Pagkaalis mo siguro after a week nagkasundo rin sina lolo at papa tapos yung isla hindi na pinayagan ng lolo mong may makapasok pa pagkaalis namin kahit ako gusto ko ring bumalik pero hindi na pumayag ang lolo mo" paliwanag nito

"Naiintindihan ko, nagkikita parin kami ni lolo kahit isang beses sa isang buwan pero hindi alam ni daddy dahil alam kong magagalit siya" paliwanag ko

" Masaya akong nagkita tayo ulit, dati iniisip ko nasaan na kaya ang lampang prinsesang nakilala ko " natatawang saad nito

" Pero hindi na ako lampa ngayon at kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko" nakangusong saad ko

"Alam ko yun, alam kong magiging matapang ka" natatawang saad nito

"Salamat nalang sayo at naging ganito ako katapang" nakangiting saad ko.

"Starting from now can you please treat me like chenchen you used to know?" seryosong tanong nito

Wala ng mas masakit pa sa ituring kng kaibigan lang ng taong mahal mo ng higit pa sa isang kaibigan.

"Sure " nakanguting sagot ko.

I will accept now chenchen, I will accept the fact that I can't have you more than a friend.

Buong hapon namin pinanood ang sunset hanggang sa paglubog nito.

After 1 week

" Hala kuya dito po iyan! " sigaw ko sa mga nag aayos ng coffee shop mamaya ung library naman ang pupuntahan namin para tingnan.

1 week na lumipas at sa loob ng 1 week na iyon puro pagbili lang ng mga materyales ang inatupag namin ni knight.

After namin magkaroon ng closer tinanggap ko na rin, masakit oo pero hindi ko mapipilit na mahalin ako ng taong may iba ng mahal.

Bumalik na rin kami sa dati, xyra ang tawag niya sakin pero knight padin ang tawag ko sa kanya naiilang parin kasi ako pero kahit papaano masaya naman ako dahil nakita ko na si chenchen.

"Kuya dito po yang plants na iyan" saad ko kay kuya ang kulit kasi kanina ko pa sinabihan.

" You looked stressed xyra" natatawang saad ni knight na ikinanguso ko nalang.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now