Chapter 28 (End)

1K 46 12
                                    

Iyana's POV

Papunta kami ngayon sa isla ni emp para sa photoshoot para sa wedding namin ni knight.

I happily smile sa pangangalawang pagkakataon magpophotoshoot ako ng kasal ko ang pinagkaiba lang , ngayon gagawin ko na ito sa taong mahal ko.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko napangiti ako ng halikan nito ang batok ko.

" Hindi parin ako makapaniwala na magpapakasal na tayo love" saad nito na ikinangiti ko.

"Bakit ayaw mo pakasal sakin? "
nakalabing tanong ko

Biglang nanindig ang balahibo ko ng bigla nito halikan ang likod ng tenga ko. May kung anong kuryente ang dumadaloy sa laman loob ko sa ginawa ni knight sakin.

" Handa akong pakasalan ka kahit isang daang beses pa , Hindi mo alam kung anong meron ka xy pero isa lang ang gusto kong malaman mo, you are the only person who can make me wait even if it takes a lifetime " Bahagya akong napangiti sa tinuran nito.

"I'm happy to hear that love"  tanging tugon ko.

"I love you love at hinding hindi  ko pagsisisihan na  ilagay ang apilyido ko sa dulo ng pangalan mo dahil simula umpisa hanggang dulo sayo ko lang ilalaan ang apilyidong meron ako , if it's not you then no one will" Buong pusong saad nito

Humarap ako dito at tinago ang mukha ko sa dibdib niya.

Shems, Kinikilig ako.

Bahagya naman ito napatawa.

"I love the way you blush, It makes me feel like I'm the most handsome man in the world" saad nito habang hapit nito ang mga bewang ko.

Pagkadaong ng barko ay nakaabang na sina lolo sa daungan kasama ng ilang kasambahay na umaalalay sa kanya.

" Lolo! " nakangiting saad ko habang tinatakbo ang kinaroroonan nito

" Buti naman at nandito kana, nasan ang mapapangasawa mo?! "

Hinatak ko naman si knight palapit sakin.

Author's POV

"Lo, si knight yung batang nagligtas sakin nung bata pa ako at siya din po ang taong mahal at pakakasalan ko"
Sagot ng dalaga sa lolo nito

"Pagkakataon nga naman, parang dati lang hinalikan mo ang apo ko sabay sabing nasagi mo lang ang labi niya ng labi mo pero ngayon gusto mo nang ibahay si iyana " nakangising saad ni emp na ikinapula naman ni knight sabay iwas ng tingin sa babaeng pakakasalan niya.

" Ano pong ibig niyong sabihin lo? " nagtatakang tanong ng dalaga

" Siya lang naman ang lalaking nakakuha ng first kiss mo ng hindi mo namamalayan sabay tanggi sa ginawa niya" natatawang sagot ni emp sabay talikod sa magkasintahan

"Hinalikan mo pala ako nung oras na nalunod ako? " nakangising saad ng dalaga habang ang nobyo naman nito ay pilit na iniiwasa ang mga tingin niya

" It's CPR love"  pagdadahilan nito

" At nasagi mo ang labi ko habang nagpeperform ng CPR? " Natatawang saad ni iyana

" Of course masasagi yun" pagtatanggol nito sa sarili

"But.... don't worry love pananagutan naman kita at after ng kasal natin ipapangako ko sayong higit pa dun ang gagawin ko"  saad ni knight ng nakangiti habang nakatingin at hinahaplos ang leeg ng dalaga na siya naman ikinaiwas ng mata nito.

Biglang napa tawa ng bahagya si knight sabay dahan dahang hinalikan ang nobya na siya rin namang tinugon nito.

" Hindi mo pa pinapakasalan tinutuka muna ang apo ko sa harapan ko, aba namumuro ka na saking bata ka" bigla naman napalayo ang binata sa dalaga na siyang ikinatawa ni iyana.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now