CHAPTER 22 ( Wedding Dress)

530 21 1
                                    


Iyana's POV

"Sissy napapansin kong balisa ka simula umaga , ok ka lang ba? " tanong sakin ni blythe.

" Hindi ko din alam, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman" simpleng saad ko.

" Tell me, ayaw mo bang pakasalan si cyrus? Kilala kita sissy alam kong hindi ka masaya sa desisyong pinili mo" saad sakin ni blythe.

"Wala na rin akong magagawa, ayokong masaktan si cyrus dahil alam ko na sobra sobra na ang napagdaanan niya, pangalawa ayokong ma disappoint sina mommy at daddy dahil alam kong ako lang ang pag-asa nila dahil wala ng ibang paraan para makabayad sa utang na loob namin at pangatlo ang taong mahal ko iba ang gusto kaya ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin nalang ang lahat ng ito" naiiyak na sagot ko.

"I'm sorry sissy hindi ko alam na ganyan pala kasakit ang pinagdadaanan mo" saad nito at niyakap ako. Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa wala ng lumalabas na luha sa mata ko.

"About sa taong gusto mo, wag mong sabihin na-"

"Oo sissy, nahanap ko na siya pero nalaman ko na sa aming dalawa tanging ako lang pala ang humahawak sa pangako niya" sagot ko dito.
Pinunasan nito ang mga luha ko.

"Sissy tama na, bitaw na" saad ni Blythe at inalo alo ako.
Tumango tango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

Habang yakap ako ni blythe ay biglang nag ring ang cellphone ko at nag appear ang name ni cyrus kaya kumalas ako kay sissy.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito sagutin.

"Hello cyrus" masayang saad ko para hindi mahalata nito na kagagaling ko lang sa pag iyak.

" Hello iyana, nasaan ka? " masiglang tanong nito.

" Nasa shop kami ni sissy para sa wedding dress ko" saad ko at pilit na pinapasigla ang boses ko.

" I'll be there in a minute, see you" masiglang saad nito at ibinaba ang cellphone.

"Papunta na si cyrus dito" saad ko kay sissy.

" You must tell him sissy" nag-aalalang saad nito pero bahagya ko lang nginitian.

" No need, I want him to be happy " tipid na ngiting sagot ko.

Hindi na ito umimik at umupo nalang sa isang upuan sa sulok.

Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si cyrus.

" Hi iyana" nakangiting saad nito at humalik sa pisngi ko.

" Hello, dapat hindi kana nag abala pumunta dito alam ko namang busy ka" saad ko dito pero ngumiti lang ito.

" I want to see my bride " nakangiting saad nito kaya ngumiti din ako bilang tugon.

" Hi Ms. Samana, nice to see you again" nakangiting saad ni cyrus kay blythe.
Ngumiti lang si sissy bilang tugon.

" Nakapili ka na ba ng gown mo? " tanong sakin ni cyrus.

" Hindi pa pumipili palang kami ni sissy" sagot ko.

" Hmm, gusto mo ako ang pumili sayo? " tanong nito.

"Sige ikaw ang bahala" pilit na ngiting saad ko.

Pumunta ito sa mga naghehelerang gowns at tumingin, umupo nalang ako sa tabi ni sissy para antaying matapos siya.

" Hmm, I like this gown" saad nito at ipinakita samin ang isang simple pero elegant tingnan.

Off shoulder ito pero long sleeves at napapalibutan ng silver beads ang waist nito. Kapansin pansin ang kabuuang anyo nito dahil kakaiba ang disenyo nito sa ibang wedding dress at nagustuhan ko rin ang kasimplehan ng gown.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now